Chapter 22: Stay

426 6 4
                                    

He looked at me and then grabbed me. He grabbed me just like how a thief grabs something he stole. He kissed me just like how princes kiss their princesses in Disney movies. It was magical, the taste of a true love's kiss. He slowly stopped and he touched my face, he was teasing me.

"Liana... I missed you." he whispered.

And then tears slowly fell down from my eyes. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko. Hindi ko alam kung totoo ba 'tong nasa harapan ko. Hindi ko maintindihan.

"Naaalala mo na ako?" I asked.

He smiled. But I can see how teary his eyes were that moment.

"Hindi ko nga maalala kung pano kita nakalimutan." sagot niya.

Marami akong tanong. Pero hindi ko na maibigkas dahil nasa harapan ko na lahat ng sagot. Hindi ko alam kung tama ba lahat ng nangyayari o ilusyon lang lahat ng ito. Sa wakas, nasa harapan ko na ulit si Jeno. Yun naman ang mahalaga.

Tinitigan namin ang isa't isa. Hindi namin alam kung san kami dapat pumunta. Ayoko nang kumilos. Ayoko nang umalis sa puwesto ko.

"Kailangan ko nang umalis. Babalik na ako sa Pilipinas." sabi ko.

Hindi niya parin inaalis ang titig niya sa akin. Hindi na ako kumportable sa titig niya, sa totoo lang. Natatakot ako na parang yun na ang huling titig niya.

"Hindi ka ba sasabay na umuwi?" pahabol ko.

Ngumiti siya. Sinabayan niya ako hanggang sa entrance ng airport. Ngumiti ulit siya't hinalikan ako sa noo.

"Alam kong ilang beses na kitang pinaghintay. Pero pangako, huli na 'to. Marami akong kailangan ayusin. Alam kong marami kang tanong. Believe it or not, marami rin akong tanong na kailangang sagutin ng mga tao sa paligid ko. Hintayin mo lang ako, Liana. I'll be coming back to you. And I promise you, if I do, I won't ever leave again. Go, run, Liana. Don't ever look back."

He asked me to run 'cause he knew that my plane will be leaving in a few minutes. He held my hand and then hugged me. He slowly pushed me away. All of sudden, I saw myself running so fast I felt like my feet wasn't touching the ground anymore. And then I had so stop and catch my breath. I looked around and found Elizone waiting for me at the plane's entrance.

"Bakit ka tumatakbo? You still have 5 minutes." sabi niya.

"You're kidding, right? Nasan na ba mga gamit ko?" I asked.

"Okay na lahat. Naasikaso ko na po. Now, tell me, are you coming or..." he paused.

"I am. Tara na." I said. Lumapit ako sa kanya at pumasok na kami ng plane.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat kong paniwalaan ang mga salitang binitawan ni Jeno kanina. Buti nga't alam niyang matagal na akong naghihintay. Napagod na nga ako kaya sumuko na ako. Nakakatawa lang dahil nung sumuko na ako, siya naman ang gumawa ng paraan.

Para san nga ba ang lahat ng 'to? Bakit nga ba umabot sa ganitong punto? Ang alam ko lang naman, ang hindi parin nagbabago, yung nararamdaman ko para kay Jeno. Walang nabawas. Mas nadagdagan pa nga ang pagmamahal ko sa kanya nung malayo na siya sa akin.

Kinalabit ako ni Elizone nung napansin niyang titig na titig na ako sa bintana ng eroplano.

"Liana, may sasabihin ako sa'yo. Hindi na kasi 'to makakapaghintay. Baka pagbalik natin sa Pilipinas, mawalan na tayo ng pagkakataong pagusapan 'to."

Tinitigan ko siya at tinanggal ko ang isang earphone na nakasuksok sa tenga ko para maipokus ko ang atensyon ko sa kanya.

"Liana, kung sakaling pagbalik natin sa Pilipinas, maayos mo na ang lahat sa inyo ni Jeno, lalayo na ako. I'm really sorry, Liana. Pero pagod na pagod na ako. Mahal na mahal kita pero ang tanging pangarap ko lang naman e mahalin ka ng taong mahal mo. At ngayong bumalik na siya, alam kong masaya ka na. You don't need me anymore. I don't think I've been a good friend to you. Siguro kasi I wanted us to become more than friends. Pero napaka-ambisyoso ko. Dahil napaka-impossible nun. At kahit ilang beses pa kitang papiliin ngayong araw na 'to, alam kong kahit wala si Jeno sa tabi mo, siya parin ang pipiliin mo. I don't have any reason to stay, Liana. Kaya kung mag dedesisyon ka, sabihin mo agad sa'kin. Para hindi na ako maghintay sa wala."

I stared at him, blankly. I am lost for words. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya na kaya na akong iwan ni Elizone. Na kaya niya nang lumayo at magmahal ng iba. Kasi kahit naman ano pang turo ko sa puso ko, si Jeno parin ang tinitibok nito. Papalayain ko na ba siya?

"Zone, alam mo, matagal ko nang hinihintay to. Matagal ko nang gustong itulak ka palayo para lang sa iba ka na tumitig nang ganyan. Para lang iba na ang mahalin mo. Pero habang tinititigan kita ngayon, hindi ko alam kung pano na ako kung wala ka sa mga oras na lilingon ako."

I held his hand, so tight. Nanlaki yung mata niya sakin.

"Zone, hindi ko yata kaya pag pati ikaw sukuan ako. Wag mo na akong bitawan. Wag mo na akong pakawalan."

Hinigpitan nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko. At hinigpitan ko rin yung hawak ko sa kanya.

"Pero masakit di ba? Ayoko nang masaktan ka dahil sa'kin. Ayokong maging selfish. Napakaswerte ko't minahal mo ako ng lubos kahit na alam mong may kaagaw ka. Masaya na ako't naging parte ka ng buhay ko."

Hindi ko alam kung ano yung mga binitawan kong mga salita. Hindi naman yun yung plano kong sabihin pero dun na napunta lahat. Maski bibig ko, nagkukusa nang pakawalan siya. Binitawan ko sya pero hinigpitan nya ang hawak nya lalo at hinila ako papalapit sa kanya. Hinalikan nya ako sa noo at niyakap.

"Mahal na mahal kita, Liana. At kung darating man ang panahon na talikuran ka ng lahat ng taong mamahalin mo at nangakong magmamahal sayo, nandito parin ako. Nandito parin ako lagi, para sayo. Kahit nasan ka man."

Naluha ako. Napakaswerte ko nga naman talaga.

"Hindi ko alam kung pano tuturuan tong puso ko na magmahal ng iba. Pero sigurado ako, ikaw ang huling mamahalin nya ng ganito kalala." Bulong niya.

"Ang lakas kasi ng tama mo sa'kin." Biro ko. Tumawa lang sya.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at unti-onting nakaidlip. Paggising ko, nasa Pilipinas na ako. At hindi ko alam kung ano ang bansang haharapin ko ng wala si Elizone. Ang Elizone na walang tigil na dumamay sa kalungkutan at kasiyahan ko. Kailangan ko nang masanay na wala siya. Kailangan...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon