Chapter 17: I'll Find You

550 3 0
                                    

Onti-onti kong dinilat yung mata ko.

"Dumilat ka lang..." ang labo ng paningin ko. Hindi ko maaaninag yung mukha nung lalaking nagsasalita. 

Si Jeno ba talaga yung naririnig ko? Siya ba yung nasa harapan ko? 

----------------------------------------------------------------------

"Ate......"

Dumilat ako. Onti-onting nag-adjust ang mga mata ko....

"Bea?"

"Yes, Ate. Omg, I'll call Mom." tumakbo si Bea sa labas ng kwarto. 

Tumingin ako sa paligid. I failed... once again. Dapat natapos ko na ang lahat ng to. Pero bakit buhay parin ako?

Pumasok ang parents ko sa kwarto. Mom's cyring.... "Anak, please... Don't do that again... ever again." She hugged me tight. Naguilty ako pero alam kong guilty rin sila. Sa dami ba naman ng pagkukulang nila, wala pa bang dahilan para sumuko na ako?

"Anak.... Alam kong marami kaming pagkukulang." tumpak! sagot ko sa isipan ko. Gusto kong bigkasin yun pero wala pa akong lakas. "Babawi kami. Babawi kami... We're so sorry." niyakap nila akong tatlo.

"Eh-Ah--Nasa-an yung nag-ha--tid sa--kin, ddd--iii--to?"

"Si Jeno...."

Napaupo ako. Naipon ko yung lakas ng loob ko. "Nasaan siya? Nasaan siya? Jeno!" sigaw ko.

May pumasok na isang lalaki sa kwarto. 

"Hinahanap mo ba ako?" ngumiti siya.

"Sino ka?"

"I'm Geno. Geno Dizon. Kilala ba kita?" He asked. Geno.... Geno... Magkatunog ang pangalan niya. Pero with the letter G siya. How is it pronounced as JENO kung G diba? Tss.

"No, I don't know you."

"Liana... we'll buy food. Siguro dapat kang mag Thank you sa kanya. He saved your life." sabi ng Daddy ko.

Hinintay kong lumabas sila ng kwarto bago ako nagsalita. 

"Bakit mo ako sinagip?" I asked. Yumuko ako.

"Dahil hindi solusyon ang pagpapakamatay sa mga problema. Kahit ano pang problema."

"You don't know anything."

"I know. Pero.... Ako, nagpapasalamat ako dahil buhay pa ako. Dito sa mismong ospital na 'to. I was here for a year. Isipin mo nalang yung naging buhay ko dito. I tried to escape everytime I had the chance to see my friends and live normal. Pero katawan ko rin ang bumibigay." tinitigan ko siya. He was sincere with his words. 

Hindi ako umimik. Nagtanong nalang ako... "Anong naging sakit mo?" 

"I had restrictive cardiomyopathy. Ang alam ko, normal lang akong namuhay. Pero ayun... onti onting lumala. Can you believe na umabot sa puntong bilang na ang oras ko?" tumawa siya.

Nanahimik lang ako.

"Dati, hindi importante sakin ang buhay ko. And then I met new friends. Ilang beses akong nag-attempt ng suicide dahil wala ng saysay ang buhay ko. Pero I waited. Ang masaklap, kung kailan nahanap ko na yung taong para sa akin, kailangan ko na magpaalam. Nakakatawa nga eh. Ikekwento ko pa ba?"

"Ituloy mo lang po..." Gumalang na ako. Alam kong nasa 25+ ang edad niya. Halata naman sa kanya.

"Nabuhayan ako ng loob nung nalamn kong may donor na ako ng puso. Yun na lang ang sagot eh. Gusto kong makilala yung pamilya nung nag donate pero gusto daw nilang manatiling anonymous." Dahan dahang tumulo ang luha ni Geno.

Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon