Ilang linggo narin ang lumilipas. Ilang beses akong nagpabalik-balik sa mini-grocery store na yun. Hindi ko nga gustong lumabas ng bahay pero ginagawa ko yun dahil nagbabakasali ako. Mukhang malaki ang nagawa kong kasalanan sa Jeno na yun kaya kailangan ko namang makabawi. Libre lang naman. Madali lang naman palang bumawi sa kanya. Kaya gusto kong subukan. Kaso, wala eh.
Bumili nanaman ako ng Tropicana. Naging paborito ko na kasi. Ewan ko ba, naadik na nga yata ako eh. Pero kailangan ko ng umuwi dahil baka parating na sina Mommy at Daddy. Nako.
Palabas na sana ako kaso napansin ko yung itim na kotse na paparada dito sa harap ng grocery. Wow. Lexus. Pangarap ko to. Kahit na babae ako, madali akong mainlove sa mga sasakyan. Nanlaki na yung mata ko. Pero humakbang narin ako papalayo. May biglang tumawag sa akin.
"Liana!" napatingin ako. Si Jeno, bumababa siya sa kotseng itim na yun. Nagulat ako. Namangha. Natameme. Nasa harap mismo kami ng kotse niya, kahit na hindi pa napaparada ng maayos. Hindi naman siya ang nagmamaneho. Driver niya yata.
"Liana, how are you?" tanong niya.
"Uhm, I'm fine." sagot ko.
"Actually ngayon lang ako nagkaron ng time bumisita dito. Buti nandito ka."
"Oh. Oo nga eh." halos wala naman akong masagot. Nahihiya ako.
Natigil ang pag-uusap namin dahil may biglang humarurot na sasakyan sa tabi namin. Natamaan ba kami? Napapikit ako. Naramdaman kong unti-unti kaming bumagsak.
Nang dumilat ako... hinila niya pala ako papalapit sakanya. Kaya napahiga ako sakanya. Oo, napapatong sakanya.
Sobrang nagulat ako sa mga pangyayari. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kumakawala na sa dibdib ko. Hindi ko to kaya. Ang hirap huminga. Nagpapalpitate nanaman ako. Wag naman sana. Mukhang ramdam niya rin na sobrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil dikit na dikit ako sakanya.
"Are you okay?" tanong niya sakin habang pinapatayo niya ako.
"Okay lang ako. Alis na ako." sinabi ko habang lumalayo ako. Nahihilo ako. Lumalabo ang paningin ko. Hindi ko to kaya. Sumisikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Pumikit ako. Naramdaman ko nalang na unti-unti akong bumagsak.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
Pag gising ko, nasa ospital na ako sa loob parin ng kampo Crame. Kailangan ko ng umuwi. Wala namang nakakabit sakin na kahit ano. Mukhang pinagpahinga lang ako. Siguro nagulat lang ako.
Pero lalo yata akong nagulat na yung Elizone na ang kasama ko. Nandun siya sa gilid, malapit sa bintana. Nakasuksok nanaman ang earphones sa tenga niya. Mukhang malalim ang iniisip niya. Bigla siyang napatingin sa akin.
"Oh. You okay?" tanong niya.
"Bakit ka nandito? Anong nangyari?" tanong ko.
"Nahimatay ka kanina. Pinapunta ko lang muna siya dito dahil pinagbantay ko muna siya sayo. Okay ka na naman daw sabi ng Doktor." singit ni Jeno.
"Salamat. Pero I have to go." tumayo ako bigla.
"Wait. Uhm... Don't go." sabi ni Jeno.
"Sorry, I really have to go." umalis na ako sa kama ko.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ni Jeno.
Nginitian ko lang siya. "Yup, thanks."
"Hayaan mo na siya. Kaya niya na yan." singit nung Elizone.
Inalok nilang ihahatid nalang nila ako. Kaso hindi pwede dahil magtataka ang mga magulang ko. Hindi nila to pwedeng malaman dahil baka mag-alala sila.
"Well, we'll see you again, right?" tanong ni Jeno.
"Oo naman." sabay ngiti ko.
Hindi ako sigurado kung magkikita pa nga kami. Pero ang iniisip ko kasi, kailangan ko ng umuwi. Patay ako. Sana wala pa sila Mommy.
***CONTINUATION*
Nakauwi na ako ng bahay. Bakit para namang walang tao? Nasaan yung mga kapatid ko? Nasaan sila Mommy? Nako. Mukhang nag grocery nanaman sila at iniwan nanaman ako.
Biglang nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. May nag text, nagulat ako dahil si Jeno!
From: Jeno
Sorry kung pinakialaman ko yung phone mo. Sinave ko lang yung number ko and kinuha yung iyo. How are you?
Ano namang isasagot ko dito? Nako naman oh.
To: Jeno
Ah, it's okay. Eto, home alone. Kasi naman, nag grocery yata sila. Hay.
Ang bilis niyang mag reply. May nagtext ulit.
From: Jeno
Punta ako diyan. Wait.
Oh crp. Ano to? Pano niya nalaman ang bahay ko? Maya-maya pa'y may nag doorbell na.
Si Jeno na nga. Wala siyang dalang sasakyan, pero ang bilis niya. Ibig sabihin ba nito.... Oh.
"Uhm, sa kabilang street lang ako nakatira. Nung paguwi ko kasi, nakita kitang pumasok diyan sa bahay niyo. Don't misunderstood. Hindi ako stalker." sabay ngumiti siya.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o kakabahan dahil baka biglang dumating ang parents ko. Pero minsan lang to, kaya bahala na. Maguusap nalang kami.
Me: Thank you nga pala kanina. Hindi ko alam kung ano na mangyayari sakin kung wala ka dun.
Him: It's fine. Thankful nga rin ako dahil nandun ako, kundi, baka hindi pa kita makikilala lalo.
Me: Bakit mo naman ako gusto pang makilala?
Him: I wanna be your friend. And honeslty, na-love at first sight yata ako. *seryoso niyang sinabi yun*
Me: *tumatawa ng napakalakas* Ano ka ba, kung makapagbiro ka naman. HAHAHAHA! Nakakatawa ka pala.
Him: Haha... nakakatawa ba? Nevermind nalang. Haha.
Me: So saan ka nag-aaral? Dito na ba talaga kayo titira? Or panandalian lang?
Him: Sa Saint Benilde ako nag-aaral. Same sa mga kasama ko nun sa grocery. And yeah, dito na muna kami dahil mas gusto ko na dito.
Me: Gusto mo na dito? Bakit, ayaw mo ba dito dati?
Him: Not actually. Pero talagang nagstay na ako dito kahit na dapat sa isang bahay namin ako magstay this year. Nakilala kasi kita. *tinitigan niya ako sa mata*
Alam kong sincere siya sa sinasabi niya. Pero tinawanan ko lang ulit siya. Napaka-imposible naman kasing totoo yung sinasabi niya dahil hindi kapanipaniwalang mag kagusto sakin ang ganitong lalaki. Gwapo na... may kaya pa.
Him: Ikaw, saan ka nag-aaral?
Me: Stop ako ngayon eh.
Him: But why?
Me: Uhm... pinagpapahinga ako ng Doktor ko.
Him: May sakit ka ba?
Me: Uhm... Uh... wala. Wala. Nastress lang ako last year sa school.
Hindi ko alam kung bakit nagalin-langan akong sabihin sakanya na meron nga. Baka kasi mabuo lang ang pagkakaibigan namin dahil sa awa. Ayoko ng ganun. At bukod dun, pwedeng layuan niya pa ako. Basta ang alam ko ngayon... gusto ko siyang maging kaibigan at lalo pang maging malapit sakanya.
BINABASA MO ANG
Forget Me
RomansPaano kung akala mo, perpekto na ang storya ng buhay niyong dalawa? Paano kung biglang isang iglap, kailangan niya ng magpaalam? At ang mas masakit... pinili niyang kalimutan mo siya. *This is somehow based on a true story*