Pano mo nga ba hahanapin ang isang taong halos taguan ka na? Pano mo nga ba kakalimutan ang isang taong nag may-ari ng puso mo? Sa isang normal na araw na yun, nag-iba ang ikot ng buhay ko. Akala ko, isang simpleng tawag lang yun. Pero yun na pala yung huli naming pag-uusap.
"Are there any rooms available?" tanong ni Elizone sa receptionist.
Napatingin ako sa kanya bigla. Tumingin rin siya sa'kin. "Oh?" tanong niya. Nagtaka siguro siya dahil sa bigla kong pagtitig sa kanya.
"Huh? Wala. May naisip lang ako." yumuko ako.
"Sir, we have a lot of rooms available." Singit ng hotel receptionist.
Tumungo lang si Elizone at inayos niya na yung mga kailangang bayaran. Naging mabilis rin naman ang proseso. Pagkatapos maayos ng mga yun, dumeretso na kami sa kwarto namin. Dalawang kwarto yun, may isang sala at isang malaking kusina. Una kong pinuntahan ang terrace. Nasa 10th floor kami.
Dati, takot ako sa matataas na buildings. Pero hindi ko alam kung bakit kaya kong tumayo ng matagal dito ngayon at titigan ang mga nasa baba. Tumingala ako. Nakakaramdam na naman ako ng kakaibang pagkalungkot. Hindi ko alam kung bakit everytime na napagiisa ako, nakakaramdam ako ng pagkalungkot.
Sa pagtingala ko, may naaninag akong mga pulang lumulutang na kasing taas ko lang at onti-onti pang tumataas. Mga lobo. Mga pulang lobo. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o ano. Pero nasa harapan ko sila ngayon. Gusto ko silang abutin at kunin, pero isang hakbang ko lang, mahuhulog ako.
Hindi. Nagkakamali ako. Ilusyon lang to.
"Huy!" May humawak sa balikat ko na bahagyang tinulak ako pero hinila rin agad.
Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. "Ano ba naman!" umirap ako sa kanya.
Tumingala ako at tumingin ulit sa pwesto ng mga lobo pero hindi ko na sila nakita. Hindi ko alam kung san na pumunta ang mga yun. Siguro'y lumipad na.
Pulang lobo? Napangiti ako. Hindi ko alam kung normal pa ba na tuwing may naalala akong mga ganitong bagay, isang tao lang ang pumapasok sa isipan ko, si Jeno. Nagtataka na nga rin ako kung bakit. Siguro talagang naging mahalaga siya sa akin. Lalo na yung ginawa niya noon.
Lumingon ako at inaral ang pligid. Wala namang masyadong interesting na gagawin dito. Pano ako mabubuhay dito? Hay. Buti pa tong Elizone na to, mukhang nag eenjoy pa sa paglalaro sa cellphone niya.
*nag ring ang doorbell*
"Room service?" tanong ko.
"Di ko alam, check mo." Ayaw na namang kumilos nitong Elizone na 'to dahil busy sa cellphone niya.
Ako nalang ang pumunta sa tapat ng pintuan para silipin kung sinong nasa labas. Isang lalaking nakatalikod. Nakasuot ng maong pants at nakapolo. Isang lalaking pamilyar ang tayo at itsura.
"Jeno?" naibulong ko. Agad agad kong binuksan ang pintuan para yakapin siya. At siya namang pag lingon niya, ibang tao pala.
"Uhm, may hinahanap ka?" tanong ko sa kanya.
"Pardon, what?"
"Are you looking for someone?" hindi ko alam kung bakit ko pa trinanslate. Psh.
"Uh yes. Is onse there?"
"Onse?" pagkabigkas ko nun eh biglang tumakbo si Elizone sa likod ko. Binati nila ang isa't isa. So, magkakilala nga sila.
"Liana, si Renz nga pala. Medyo hirap siya mag tagalog kaya, alam mo na." sumenyas siya sakin na parang sinasabi niyang wag nalang ako masyadong magsalita.
Demonyo talaga yung Elizone na yun. Anong tingin niya sa'kin? Tssss. Dumeretso ako sa mini kitchen para uminom ng tubig. At nakahanap din ako ng isang libro sa bookshelf sa sala. Ang astig dahil first time kong makakakita ng ganun sa isang hotel room. Iba talaga sa ibang bansa.
Napagdesisyunan kong basahin ang Forevermore na isinulat ni Marra Alvarez. Hindi ko inakalang matatapos ko yun sa isang maghapon. Tungkol yun sa isang babaeng nagmahal ng lubusan pero ni kailanma'y di nasuklian. Napaka-ironic at nakakalungkot dahil kahit kanya ang kwentong yun, hindi siya ang bida sa paningin ng mahal niya. Ang masaklap pa, apat na taon silang magkasama sa highschool. Pero hanggang gumraduate sila, hindi siya nakilala ng taong mahal niya.
Nung una, hindi ko maintindihan kung pano niya minahal yung lalaki kung hindi naman sila nagkakasama. Yun pala, kahit patago siyang nagmamahal, lubos lubos parin ang binibigay niya. Pag walang project yung lalaki, ilalagay ng babae sa locker nung lalaki yung extrang project na ginawa niya para sa lalaki. Pero never naging interesado yung lalaking malaman kung sino yung tumutulong sa kanya.
Walang sense yung kwento para sa'kin. Pero dahil sa kwentong yun, narealize ko na kaya siguro hindi na hinanap nung lalaki yung laging tumutulong sa kanya dahil takot siyang magmahal o kaya naman, takot siyang magpaasa. Takot rin naman yung babae na ipakita direkta sa lalaki ang nararamdaman niya. Pero sa paikot-ikot ng storya, ang pinakamagandang lesson, hindi mo masasabing nagmamahal ka kung hindi mo kayang tumaya.
Ako? Itinaya ko na nga siguro lahat. Mali man ang naging umpisa namin ni Jeno, sinubukan kong bawiin ang lahat. Ngayon pa lang, ginagawa ko na lahat ng magagawa ko. Gusto ko na siyang mahanap at makasama, dahil naguguilty ako. Pakiramdam ko, nabigay na ni Jeno lahat nung kami pa. Pero ako? Ano nga bang naiambag ko sa relasyon namin?
Ayoko na sanang magisip. Basta, once na nakita ko na si Jeno, gagawin ko ang lahat para mabawi ko ang lahat. Lumabas ako ng sala. Pagtingin ko, natutulog si Elizone. Hindi ko napansing maghahapon na. Nagiwan ako ng sticky note sa tabi niya na lalabas muna ako. Gusto kong magpalamig at magrelax.
Bumaba ako sa hotel lobby. Ang totoo, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nasa ibang bansa ako. Isang lugar na wala naman talaga akong alam. Sinubukan kong lumabas sa main entrance at tumawid papunta sa isang mini mall sa tapat. Dun ako naglibot-libot.
Sa lahat ng taong nakakasalubong ko, pinakanakakainggit yung mga taong may mga ngiti sa labi. At matindi pa yung mga masayang kasama ang mahal nila. Wala akong ibang magawa kundi ang maging masaya para sa kanila. Kailan kaya ako ulit magiging masaya para sarili ko?
Sa paglalakad ko habang nakayuko, may nabangga ako bigla. Isang lalaking may mga hawak na mga pulang lobo na hugis puso. Sa sobrang bilis ng pangyayari, wala akong nakita kundi ang mata niya. Mukhang nagmamadali siya.
Kaso... yung mga matang yun. Kilalala ko ang mga matang yun.
"Babe. Liana. Please, let me explain." bigla kong narinig yung sinabi sakin ni Jeno noon. Nag flashback lahat nung makita ko yung mga matang yun.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Wala akong pakialam kung nagkakamali ako, pero gusto kong subukan. Hinabol ko yung lalaki. Sobrang bilis niya pero kakayanin kong habulin siya. Nung medyo malapit na ako sa kanya, isinigaw ko ang pangalan niya.
"Jeno!" hindi niya ako narinig. Napapagod na ako. Napatigil ako para habulin ang hininga ko.
"JEEEENOOO!" napatigil siya.
That time, bumilis ang tibok ng puso ko. Kung tumigil siya.... ibig bang sabihin.... lumapit siya. Iba na ang itsura niya ngayon. Umikli ang buhok niya. Palapit na siya ng palapit... ngumiti siya sa'kin. Napangiti rin ako. Nakita ko na siya, sa wakas! Hindi ko alam kung anong una kong sasabihin sa kanya. Masyado akong masaya.
"Who are you?" tanong niya.
Napawi ang ngiti ko at para bang gusto kong lumuhod sa harap niya para ipakitang hindi ako nakikipagbiruan. Pero mukhang ganun rin naman siya. Nakangiti lang siya sa'kin na pawa bang naghihintay ng sagot. Sino raw ako...
BINABASA MO ANG
Forget Me
RomansPaano kung akala mo, perpekto na ang storya ng buhay niyong dalawa? Paano kung biglang isang iglap, kailangan niya ng magpaalam? At ang mas masakit... pinili niyang kalimutan mo siya. *This is somehow based on a true story*