Ito na yung moment na pinahihintay ko. Di ko akalain eto na naman ako, handang makinig at tumanggap ng kung ano anong mga dahilan, para lang maisalba ang relationship namin.
Kung ano man yung meron sa kanila ni Shane, I'd rather not think about it. Papalampasin ko nalang. Kahit ngayon lang. Pagbigyan niyo na ako. Ayos lang na masaktan ako e. Ayos lang talaga. Basta kasama ko siya. Kasi alam ko talagang mahal na mahal ko siya.
"Anong iniisip mo?" He asked.
"Wala. Siguro, sa sobrang dami, tama nalang sabihin na wala akong iniisip." I smiled.
"You always overthink. Kaya nasstress ka. There are things na dapat di mo nalang isipin. Dahil kahit anong pagiisip ang gawin mo dyan, di mo parin mareresolba ang mga bagay na di mo naiintindihan. Diba nga, everything works kung may perfect timing. Aayusin ko to. Pero hihintayin ko yung tamang timing. I'm weak and vulnerable everytime na wala ka sa tabi ko. Can I just ask you a favor? Pwede bang dito ka lang sa tabi ko habang inaayos ko to?" He looked me in the eyes. I can't resist my feelings. I just.... I just grabbed him and hugged him. Tapos di ko na napigilan yung mga luha ko.
"Iintindihin kita... para masalba tayo." Nung sinabi ko yun, hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa'kin. Ramdam na ramdam kong ayaw niyang kumawala.
--------------------
"Hindi ka ba nagsasawa? Hindi mo ba napapansin ang sarili mo? Hirap na hirap ka na, anak. Alam kong pagod ka na." Pagkalipas ng isang linggo, kinausap ako ni Mommy. Siguro dahil napansin niyang napapagod na ako. Pero... kinakaya ko naman talaga... para kay Jeno.
Niyakap ako ni Mommy. Pero nakatulala lang ako sa kawalan. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Basta ang alam ko, wala na akong lakas. Ganun ba talaga pag ibinigay mo na lahat ng kaya mong ibigay para hindi kayo mabuwag?
"Anak... you just need time... and maybe some space. I know na mahal ka niya. Pero kung matagal ka ng nag hold on at ginawa mo na lahat, at wala paring nangyayari... Hindi lang paglelet-go ang kailangan dyan, pati acceptance. Just accept the fact na hindi na talaga kayo nagwo-work."
"No, Mom. Hayaan mo ako. Gusto kong gawin ang kung ano mang alam kong tama. At alam kong tama na, hindi siya pakawalan. I may be tired, but that doesn't mean that I need to give up. I know what I'm doing. Let me suffer the consequences aftwerwards... But now, All I wanna do is to be beside him. He needs me now."
-------------------
Days past… sabi ko, iiwasan ko nalang mag-isip ng kung ano-ano. Go with the flow. Wala nalang along gagawin, kunwari maayos and lahat. Ayoko na mag-isip.
Nasan na si Jeno ngayon? Hindi ko rin alam. Nag text siya kahapon, nasa isang business trip daw siya kasama ang Mom niya. Hindi ko alam kung san yung eksaktong lugar, basta yun lang ang sinabi niya.
Madalas ko na ngang naaalala yung araw na nakita ko siya sa duyan sa tabi ng bahay. Yung araw na nangako akong mananatili ako sa tabi niya habang aayusin niya ang mga bagay-bagay. Tama ba ang desisyon ko? Di kaya unfair naman sa'kin?
Tumunog and cellphone ko. At kahit habang nagluluto ako ng almusal, tinakbo ko yung cellphone ko na nasa sala. Sino naman kaya to? Sana si Jeno… matagal ko narin siyang di nakakausap. Gusto ko siyang makausap.
"Elizone--Calling---Answer---Decline" si Elizone pala to. Ano na naman kayang problema nito? Sasagutin ko ba? Bahala na.
"Hello?"
"Hi. Nasa labs ako ng bahay niyo. I'll give you 15 mins to prepare yourself. Wear your best dress."
"Wait.. what?"
BINABASA MO ANG
Forget Me
RomancePaano kung akala mo, perpekto na ang storya ng buhay niyong dalawa? Paano kung biglang isang iglap, kailangan niya ng magpaalam? At ang mas masakit... pinili niyang kalimutan mo siya. *This is somehow based on a true story*