Late update. Sorry, sa mga nagtatiyagang magbasa nito. Swear, sa Chapter nito, medyo magkakaron na ng buhay tong storya. YEY!
*********************************
Few weeks passed, ilang araw na akong nagkukulong lang sa loob ng bahay. Kahit anong mangyari, hindi ako lalabas. Ayoko. AYOKO.
*Doorbell rings*
"Yes?"
"Ms. Liana, may delivery po."
Binuksan ko kaagad yung pinto. Delivery man ng LBC.
"Ma'am, paki-pirmahan nalang po."
Pumirma ako't kinuha ko na yung mala-envelope na package. Binuksan ko dahil para sa'kin naman. Galing kay... Carl Almirez. Natawa lang ako. Niloloko ba ako ni Jeno? Hindi ba niya alam na alam kong Carl Jenonce Almirez ang pangalan niya? Ugh.
Pumasok ako ng bahay. Inilagay ko yung package sa may lamesa. Umupo ako sa sofa. Tinitigan ko yung package. Anong gagawin ko dito? Bubuksan ko ba?
Tatlong linggo na kaming hindi nagkikita. 21 days na ang nakakalipas. Hindi kaya, oras na para harapin ko na siya?
K. Ayoko na mag-isip. Kinuha ko yung package at binuksan. Hingang malalim.... Wala naman sigurong bomba to, di ba?
Pag bukas ko ng envelope, isang notebook. Hindi ko alam kung ano nanaman ang trip niya pero... handwritten lahat at mukhang puno yung notebook ng sulat. Kinalkal ko pa lahat, at may nakapa akong maliit na bakal. iPod nano pala. May kasama naring earphones. Hindi na ako nagdalawang isip. Malamang, kailangan ko tong i-on at pakinggan.
I turned it on.... Tahimik... Hanggang sa magsalita si Jeno.
"Liana... Alam kong may possiblity na bigla mong patayin tong iPod at hindi na ako pakinggan. Liana... please. Give me a chance. Makinig ka naman, please. Now, please get the notebook at sabayan mo ang pagbasa ko. Kahit saglit lang. O kahit makinig ka nalang."
Kinuha ko yung notebook. First page, sobrang gulo. Parang puro sketches ng isang emo na artist. Nilipat ko sa next page.
Sumabay naman ang boses niya sa pagbasa ko gamit ang aking mga mata. "Liana... alam mo bang... sobrang mahal kita? And yes, that is a rhetorical question. And I'm very sure it's a fact. I love you. I love you... Sabihin mo mang napaka-bilis ng mga pangyayari.... Alam kong mahal kita. Nararamdaman ko eh."
Hindi ko na napigilan ang mga luha na umagos sa'king mata. Anong magagawa ko? Nadadala ako ng emosyon ko.
"Liana.... kung may mababalik ako. Ikaw na ang gugustuhin ko. Are we over? Tapos na ba? Ganun na lang? *He paused* I don't really know what to say... kaya idadaan ko nalang sa kanta."
Narinig kong kinuha niya yung gitara at inistrum. Maya-maya pa, nakuha ko na yung tono. Pamilyar ang kanta pero hindi ko maalala ang title.
"My only wish.... is to get you back."
"Minsan di ko maiwasang isipan ka
Lalo na sa t'wing nag iisa
Ano na kaya balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako
Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Parang kulang nga kapag ika'y wala"
Hindi ko na talaga mapigilan ang mga luha ko. Nakinig lang ako sa kanya. Pakiramdam ko, nasa tabi ko lang siya. Pakiramdam ko, narito lang siya.
"At ihiling sa mga bituin
BINABASA MO ANG
Forget Me
RomancePaano kung akala mo, perpekto na ang storya ng buhay niyong dalawa? Paano kung biglang isang iglap, kailangan niya ng magpaalam? At ang mas masakit... pinili niyang kalimutan mo siya. *This is somehow based on a true story*