Umaga nanaman. Ano kayang pwede kong gawin? Nakakainis. Napaka-boring naman kasi dito sa panandalian naming pinagiistayan sa Crame. Oo, sa Camp Crame. Sa Quezon City para maging eksakto. Major kasi ang tatay ko at may bahay kami dito. Pero dahil hindi naman ako nag-aaral ngayon, pumayag ako. Pinatigil pa lang ako ng Doktor ko ng isang taon bago ako mag 1st year college. Sabi kasi niya, di raw kakayanin ng puso ko. Oo, may congenital heart disease kasi ako. 16 years old na pala ako. Sabi nga dati, hanggang 18 years old lang ako. Pero, ayos lang. Hindi naman agad ako naniwala.
Ay, ako nga pala si Liana. Liana Mitchel Carta Pwede ko ng matawag ang sarili kong tambay pero hindi ko magawa dahil pagpapahinga lang naman ang ginagawa ko. Madalas, nanunuod nalang ako ng tv o kaya nama'y nag iinternet. Minsan, nagsusulat rin ako. Mahilig kasi akong magsulat. Pero hindi ko pinangarap na maging isang manunulat gaya ng nanay ko. Pero hindi ibig sabihin nun, hindi na ako magsusulat. Masyado na yatang mahaba ang introduction ko. Basta. Yun na yun.
****Gusto niyo bang i-unblur ang picture ni Jeno? Vote/Like lang! ;) ---------------------------------------->>
Pupunta pala ako mamaya sa eskwelahan ng kapatid ko na pre-school. Sobrang lapit lang nun dito. Minsan ko lang matipuhang pumunta dun. Teka, mag aayos lang ako.
Nakarating na ako agad sa eskwelahan ng kapatid ko. Medyo nauuhaw ako kaya pumunta ako dito sa mini-grocery store na malapit lang sa eskwelahan nila. Bago tong Tropicana, kaya susubukan ko.
Palabas na sana ako ng grocery kaso...
*Ooops!*
Natapunan ko tong nakabangga kong lalaki. Kakainom ko lang kasi at hindi ko agad natakpan. Nako! Patay.
Me: Uy sorry! I'm really sorry. Uhm, gusto mong palitan ko nalang yang damit mo? Meron namang bazaar sa labas eh. Sorry talaga. *hindi ako tumitingin sakanya dahil sa kahihiyan*
Him: Okay lang. Uhm... Hi, I'm Jeno. Carl Jenonce Almirez. *Inabot niya yung kamay niya para makipagshake hands*
Nagulat ako nung bigla siyang nagpakilala. Tumingin ako ng onti-onti sa mukha niya. Gwapo siya. Maputi, matangkad at... mukhang mayaman. Tinamaan yata ako. Pero hindi pwede. Ano to? Eh!
Me: Uhm, I'm Liana. *nakipagkamay naman ako pero nakatitig lang siya sakin ng nakangiti kaya nailang ako. Uh.... Liana *hindi ko na sinabi ang buong pangalan ko*.... uhm, sorry talaga. Pero I have to go.
Him: But wait... papalitan ko nalang yang tropicana mo.
Me: Hindi na kailangan. Ako nga ang may kasalanan.
Him: Please na. Ako ng bahala. Hinawakan niya na yung bote ng Tropicana. *Nagtama ang mga kamay namin at napatitig sa mga mata ng isa't isa.*
Me: *Binawi ko agad ang tingin sakanya at onti onting tinanggal ang kamay ko sa bote.* Okay lang talaga. Wag mo ng alalahanin. Mura lang yan. Mas mahal pa nga yang damit mo.
Him: Hahaha, no. Okay lang. Basta, quits na tayo. Pero pag nagkita ulit tayo, kailangan mo na akong ilibre ng Tropicana para makabawi.
Me: Ha? Uh...
Napansin kong marami pala siyang kasama. Puro sila lalaki. Pero parang may sari-sariling mundo nung biglang magpakilala sila isa isa.
"I'm Lenard" sabi nung isang lalaking nakaputi.
"I'm Edward" sabi naman nung isang lalaking medyo misteryoso ang dating dahil parang nakigaya lang. Pero nabawi rin dahil onti onti siyang ngumiti.
"Ugh. Uhm... Geeze guys. Oh, yeah. I'm Elizone" sabi naman nung isang naka-iPod at tinapik ni Lenard para magpakilala.
Mabilis lang ang mga pangyayari. Pero tinitigan ko yung mga mukha nila. Lahat sila, mukhang may kaya. Ano naman kayang ginagawa nila dito sa Crame? Mukhang anak sila ng mga mas mataas ang ranggo. Pero halos panakaw lang ang tingin kong yun.
"Hi." sinabayan ko nalang rin ng ngiti. Ngumiti naman sila. Pero yung Elizone, sa malayo nakatingin.
Nanahimik yung Jeno. Pero siya parin ang nasa harap ko ngayon. Nakangiti parin siya.
Nagpaalam na ako dahil kailangan ko na magmadaling bumalik sa kapatid ko. Kumaway naman sila. Kahit si Elizone na napilitan lang. Onti onti na akong lumayo. Pero kahit nasa labas na ako ng grocery, pag lingon ko, nakatingin parin yung Jeno sakin. Ano kayang meron dun? Hindi kaya galit na galit siya akin at kailangan niyang tandaan ang mukha ko? Wag naman sana.
Bumalik ako ng bahay. Binubulabog parin ako ng mga nangyari kanina. Sino kaya ang mga yun? Kahit na nagpakilala sila, napapaisip parin ako. Ang gwapo niya kasi. Ang gwapo ni Jeno. Hindi matanggal sa isipan ko yung mukha niya... yung ngiti niya. No! Hindi to love at first sight! Please lang. Hindi ako naniniwala dun.
Hay.
Magkikita pa kaya kami? Malilibre ko pa ba siya ng Tropicana?
BINABASA MO ANG
Forget Me
RomancePaano kung akala mo, perpekto na ang storya ng buhay niyong dalawa? Paano kung biglang isang iglap, kailangan niya ng magpaalam? At ang mas masakit... pinili niyang kalimutan mo siya. *This is somehow based on a true story*