Lumabas ako agad ng bahay para tanungin si Elizone. Marami akong mga katanungan. Maraming bumubulabog sa isipan ko.
Bakit niya naman ako bibigyan ng mga bulaklak? At pano niya ako nakilala bukod sa pagkakakilala ko sakanya dahil kay Jeno?
Pag labas ko, pumunta ako sa harap ng bahay ni Elizone. Nagdadalawang isip pa ako kung pipindutin ko na ba tong door bell...
Pipindutin ko na...
Eto na...
Eh! Ayoko.
Ngumuso ako at yumuko. Nahihiya ako.
"What are you doing here?"
May tao sa likod ko. Isang lalaking alam kong kilala ko...
Si Jeno?
"Uhm..."
"Are you looking for Zone?"
"Uh... Nnn... no. No."
"Eh ano namang ginagawa mo dito?" sabay ngumiti siya.
"Halika na nga." niyaya niya akong lumayo sa gate nila Elizone.
Lumingon ako at tinitigan ko parin ang bahay nila Elizone. Hindi maalis ang tingin ko. Mukhang wala siya sa bahay niya...
Nung binalik ko ang tingin ko kay Jeno, ngumiti siya sa'kin at inabutan niya ako ng isang bouquet ng roses.
Tinanggap ko 'to ng may halong pag-aalinlangan. Ano to? Bakit din siya nagbigay sakin nito?
"I... Uh... I.. I like you, Liana." napansin kong nahihiya siyang bigkasin ang mga salitang yun.
Pero hindi ko rin naiwasan na magulat. Hindi na ako nagsalita.
May kinuha siya sa bulsa niya... isang kwintas. Kwintas na alam kong tunay na espesyal.
"Please keep this. And kung may chance na akong magustuhan mo rin ako, suotin mo."
"Jeno... ano kasi eh... Uhm. Hindi ko to ineexpect..." unti-unti ko ring binigkas ang mga yun. Hindi ko alam ang tamang mga salitang dapat kong gamitin.
"I know, Liana. But please... give me a chance."
Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko na alam kung anong iniisip ko. Masyadong naghalo-halo ang mga thoughts sa utak ko.
"And pwede bang mag request? Pwede bang gawin ko na ang step 1 ko para magustuhan mo rin ako?"
"Uhm, what?" tanong ko habang medyo natatawa na ako. Hindi ko alam kung bakit parang natatawa ako nung mga oras na yun.
"Please. Let's spend this day together. Kung kailangan kong magpaalam sa parents mo, gagawin ko."
"No need. Wala naman rin akong gagawin today. Kaya, okay lang."
"Thanks." naeexcite siya habang nagpapasalamat siya.
Maya-maya... biglang may dumating na sasakyan sa harap namin. Itim na Porsche Camry. Peste. Nanlaki nanaman ang mga mata ko.
Pangarap ko tong masakyan... makakasakay na ba ako ngayon dito?
"Yep, dito tayo sasakay" mukhang nahalata niyang naexcite ako bigla kaya medyo nahiya ako.
Bigla kong naalalang nakapambahay lang ako. Nakashorts na maong at yellow shirt.
"Pero... ganito lang ang suot ko?" tanong ko. Napatingin siya sa kasuotan ko.
Ngumiti siya sa'kin at lumapit siya sa driver ng kotseng sasakyan namin. Binulungan niya 'to. At maya-maya pa'y umalis na ang sasakyan.
At lumapit ulit siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Forget Me
RomancePaano kung akala mo, perpekto na ang storya ng buhay niyong dalawa? Paano kung biglang isang iglap, kailangan niya ng magpaalam? At ang mas masakit... pinili niyang kalimutan mo siya. *This is somehow based on a true story*