Chapter 19: Is It Really You?

618 1 3
                                    

“Who are you?” that moment, I am very sure that my heart was struck, it was struck so hard. Hindi ko akalaing manggagaling sa bibig ni Jeno ang mga salitang yun.

“You don’t know me?” pilit kong pinipigilang tumulo ang luha ko. Bakit ko ba naman ipapakitang nasasaktan ako? Baka pinagtitripan lang ako ng lalaking to.

“Actually, I’m very sure that I don’t know you. Sino ka ba?” gusto kong lumuhod at mamilipit. Gusto kong tumakbo pabalik ng hotel para dun umiyak ng umiyak. Pero pano ko gagawin yun kung yung taong hinahanap ko, nasa harapan ko na?

“Ako? Ako nga pala si Liana.” Ngumiti ako at inabot ko ang kamay ko para makipagshakehands Palakpakan niyo ako dahil nagawa ko  yun.

“Oh, hi. Pinoy ka rin pala.” Hindi niya nga ako kilala. Napakamot siya sa ulo niya. Iniisip ko paring pinagtitripan lang ako nito kaya makikiride ako.

“Yep, bakasyon lang. May hinahanap kasi ako dito sa Singapore.”

“Wow, ano naman?” ngumiti siya.

“Tao ang hinahanap ko eh.” I chuckled.

“Oh. Bakit nga pala kilala mo ako? I don’t remember anyone named Liana.” Napatalikod ako sa sinabi niya. Umubo ako kunwari. Tumulo na talaga ang mga luha ko. Bakit Jeno? Kailangan mo ba talaga akong saktan ng ganito?

“I was your friend back then. Sa Crame.”

“Oh! Kamusta na sila Elizone?” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit kilala niya sila Elizone? Bakit sila, kilala niya? Ano ba talagang problema ng lalaking to?

“Okay naman kami.” Biglang may sumagot na lalaki sa likod ko. Si Elizone pala. Hindi ko alam kung gano na siya katagal na nakatayo dun. Pinapanood niya lang siguro kami.

“Uy dude!” niyakap ni Jeno si Elizone. “Kamusta na kayo?” ngumiti siya.

Hindi agad sumagot si Elizone.

“Girlfriend mo ba?” tanong ni Jeno. Umiiyak na talaga ako. Hindi ko na napigilan. Tinignan nila akong dalawa.

Inakbayan ako ni Elizone. “Yes dude.”

“Bakit siya umiiyak?”

“LQ lang, dude. Don’t worry.” Napatingin ako sa sinabi ni Elizone. Sinenyasan niya lang ako at nginitian.

“Ahh. So kumusta na kayo? Sila Lenard?”

“They’re good. San ka nga pala nagstay dito? At bakit ka nandito?”

Tumawa si Jeno. “Ako dapat ang magtanong niyan. I haven’t seen you guys for 3 years. Bakit nga ba pakiramdam ko, walang masyadong nagbago? Oh well. May bahay kami dito. Baka gusto niyong bumisita?”

Nat@nga ako sa sinabi ni Jeno. 3 years? Eh halos buwan pa lang ang lumipas simula nung umalis siya ng Pilipinas. Anong nangyayari? Bakit ganito? Tinitigan ko yung hawak niya. Pulang lobong heart shape na maliit.

Napansin siguro ni Jeno yung titig ko sa mga hawak niya. “Ay, oo nga pala. Kailangan ko pa tong ibigay kay Andrea. Will you guys give me your hotel room number? Sunduin ko kayo mamaya.”

“Andrea?” sabay naming tinanong ni Elizone.

“Yes, Andrea. Yung fiancée ko.” Ngumiti siya.

Siguro nasanay na ang puso ko. Hindi na ako nakaramdam ng kahit ano. Parang manhid na talaga sa sobrang sakit.

Lumapit si Elizone kay Jeno at hiniram yung phone niya. Dun nilagay ni Elizone yung hotel room number namin. Tapos nagpaalam na si Jeno. Madaling-madali siya. Siguro sabik na sabik na siyang Makita ang fiancée niya.

Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon