Parang ang bagal ng oras. Parang ayoko nang pakawalan pa tong lalaking nasa harapan ko. Tuwing titingin ako sa mga mata niya, nakikita ko yung sarili ko. Nakikita kong ako lang talaga. Nararamdaman ko yung pagmamahal niya.
Hinawakan niya ulit yung kamay ko. Naglakad-lakad kami at walang ni isa sa'min ang umimik. Naghihintayan kaming may magsalita hanggang sa nagkasabay kaming magsalita.
"Alam mo ba-" sabi ko.
"Bakit nga pala-" ang sabi niya.
Parehong naudlot ang sinabi namin at nung nagtinginan ulit kami, tumawa kami.
"Sige na.. Ikaw na muna." nagpapaka-gentleman na tong lalaking to. Wala naman akong magagawa kundi magkwento na.
"Kanina... sa Snow World... nahirapan akong huminga. Buti napansin ni Elizone na nagva-violet na yung labi ko at namumutla na ako. Kaya nilabas niya agad ako dun. At..." tignan ko muna siya. Hindi ko alam kung pati yung pagyakap ni Elizone ay ikekwento ko.
"Hmm?" sumenyas siya sa'kin na ituloy ko lang.
"Siguro natakot rin siguro siya... kaya niyakap niya ako?" patanong ang tono ng pagbigkas ko ng huling sentence na yun.
"Kaya pala." sagot niya.
"Kaya pala ano?"
"Kaya pala ang awkward niyo kanina. Buti nalang pala tumawag na ako."
"Eh ikaw? Ano yung sasabihin mo?"
"Itatanong ko nga sana kung bakit namumutla ka kanina e."
"Sakto lang pala yung kwento ko." tumawa ako pag sagot ko nun. Ngumiti siya sa'kin. Inakbayan niya ako at naglakad ulit kami ng tahimik.
Nakasalubong namin yung apat. "Damn, dude!!! Halos ikutin na namin tong buong Star City sa kakahanap sainyo. San ba kayo galing?" halos hinihingal pa si Edward nung sabihin niya yun.
Tumawa lang si Jeno. "Sino bang nagsabing hanapin niyo kami? Naglilibot nga kami e."
"Bonding na nga nating lahat e! Tara na!" sabay sabay kaming lumapit sa tapat ng Surf Dance nung tinuro yun ni Edward.
"Masaya dito. Pila na tayo." ang awkward na naman dahil nung sabihin ni Lenard yun, nakatingin lahat sa'kin. Hindi ko alam kung nagkataon lang pero lahat talaga sila.
"Kaya ko." dahil parang yun ang hinihintay nilang sabihin ko, sinabi ko na lang talaga.
Habang nakapila kami, hindi inaalis ni Jeno yung tingin niya sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanya para magbigay ng assurance na kaya ko nga.
Sumakay kami. Ginitnaan ako ni Jeno at Elizone. Ang pwesto namin, from left to right e ganito, 'Lenard, Martin, Elizone, Ako, Jeno at si Edward'
Hindi ako nakaramdam ng takot dahil sobrang saya ng tawanan nila. Lahat sila tumatawa at nag sisigawan. Enjoy na enjoy talaga. Pero si Jeno at Elizone, tahimik lang. Ngumingiti lang sila kahit ako, tumatawa narin.
Success! Wala ngang nangyaring masama sa'kin. Pagbaba namin e nagyaya agad silang bumili ng hotdogs. Ewan ko ba sa mga yun. Pinabili ko rin si Jeno. Kaya lahat sila, nandun. Ako naman, nagpaiwan akong nakatayo lang sa gilid ng isang halaman.
May humawak bigla sa wrist ko. Isang lalaki, siguro mga nasa-25 ang edad niya. Nagpumiglas agad ako pero mahigpit yung pagkakahawak niya.
"Miss..."
"Ano ba?!" napasigaw na ako.
"Magpapakilala lang naman ako..."
"Hindi ako interisado. Bitawan mo'ko!"
BINABASA MO ANG
Forget Me
RomancePaano kung akala mo, perpekto na ang storya ng buhay niyong dalawa? Paano kung biglang isang iglap, kailangan niya ng magpaalam? At ang mas masakit... pinili niyang kalimutan mo siya. *This is somehow based on a true story*