Chapter 9: Magnanakaw

705 1 3
                                    

Kinabukasan, niyaya kami nila Edward na pumunta ng Star City. Sabi niya, mag tatampo daw yung Mom niya kung hindi niya gagamitin ang kahit isa sa 

mga libreng tickets na nakuha ng Mommy niya.

Excited na ako dahil magkakaron ulit kami ng panibagong bonding moments ni Jeno... pati narin ang mga kaibigan niya. Mga ilang minuto nalang, 

susunduin na nila ako dito sa bahay. Ewan ko ba kung bakit ang tagal nila. Kanina parin ako naghihintay.

Nagtext na sa'kin si Jeno. Malapit na daw sila. Agad ko namang kinuha ang bag ko at umupo sa couch. Lumabas na 'ko nung nakarinig ako ng busina. 

They're here! Tara let's!

Sa front seat ako umupo dahil si Jeno ang nag dadrive. Halos hindi matagal ang byahe dahil hindi kami nagsawang magtawanan at mag kulitan. 

Nung makarating kami sa Star City, nauna na yung tatlo. Naiwan kami ni Jeno sa sasakyan dahil siya pa ang nag park at nagmadali na yung tatlo  

papasok. Nung nasa may entrance na kami, nag-uusap yung tatlo. Lumapit kami ni Jeno.

"Okay. Dahil wala ang girlfriend ko, bawal ang couples!" hirit ni Lenard. 

"What the heck?" sagot ni Jeno. 

"Tama lang yun dude, only girl si Liana oh." sabat naman ni Edward. 

"Maraming chicks dito. Maghanap nalang kayo. Hahaha!" napatingin ang lahat nung sinabi ni Elizone yun. Para bang gulat na gulat sila.  

"By partners tayo ha. Pero bawal mag sama si Jeno at Liana." kumunot na ang noo ni Jeno nung sabihin ni Edward yun. 

Tinignan lang ako ni Jeno. Para bang humihingi siya ng senyales kung tatakbo na ba kami para humiwalay o sasama sa trip nila. Then I smiled at him. 

"Okay lang sa'yo, Liana?" tanong ni Lenard. 

"Sure. Basta pag lunch break, pwede na kaming magsama?" sagot ko naman. Nakapout na si Jeno nung sinabi ko yun. 

Tumungo si Edward at Lenard.

Biglang may lumapit na isang lalaki sa'min at kinalabit si Jeno. 

"Dude!" bati niya. 

"Uy! Martin! Nandito ka rin pala. Mag isa ka lang?" sagot ni Jeno. 

"Yup. Mag isa lang ako." 

Tumingin samin si Jeno at pinakilala niya si Martin. Nag desisyon silang isama nalang si Martin na kaklase ni Jeno.

"Sakto! By partners na ah!" sigaw ni Lenard. 

Nung ipinagpatong-patong namin yung kamay namin na parang mga batang maglalaro ng maiba-taya, kinabahan ako. Dahil kung sino mang magiging partner ko, 

makakasama ko sa buong araw. Sana wag yung Martin dahil hindi ko pa siya kakilala.

Yung white at black pinaghiwahiwalay. So tig tatlong tao na per group. Tapos kung sino ang matalo sa rock, scissors, paper, mag tatanggal ng isang member. 

At para magkaron ng partner yung matatanggal na yun, yung pinakahuling taong dumating yung magiging partner niya, which is Martin. 

White ako. Kasama ko si Elizone at Edward. Nung mag-picks sila Elizone at Lenard, natalo si Elizone. 

Sana hindi ako yung tanggalin ni Elizone dahil ayokong maging partner si Martin. Sana lang, please.

"Liana." tinignan ko si Elizone. Lumalakad na ako papalapit kay Martin dahil alam ko ng siya ang partner ko dahil tinanggal ako ni Elizone. 

Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon