Chapter 25 (Why is He acting weird?)
KATH’S POV
“Kath, Daniel and I talked earlier. I found out na si Daniel ay naka tira sa inyo? Is that true?”
Hala? Sinabi ni Daniel? Ugh…
“Yes! Nakatira si DeeJay sa bahay!” pag-amin ko. Ano pa nga bang magagawa ko kundi aminin ang totoo.
“Oh! Pero… Gusto mo ba na patuluyin ko nalang sa Pad ko si Daniel? You know, You’re a woman, he’s a man…” I cut him.
“Ano kaba naman! Haha. Alam ko naman yon eh! In fact naisip ko nay an bago ko pa siya patuluyin. Alam ko namang hindi masamang tao si Deejay at ayos nga din yon eh, para naman may kasama ako sa bahay!” sabi ko. Of course alam kong magagalit sakin yun kung sakaling ipag tabuyan ko siya sa pad ni Quen. Tsaka saglit lang naman ata siya titira sa bahay.
“Paano kung maging burden siya—“
I cut him once again.
“My decision was final.” Paikli kong sagot.
“Hmm.. Okay. But just tell me kung may kailangan kayo.” Tapos nag lakad na siya paalis. He’s acting weird. What’s with him?
Hmm.. Anyway, 1 subject nalang at dismissal na kaya nag madali na akong pumunta sa Math building.
Hayy.. Kung bakit ba naman may Math pa sa course ko na pinaka iiwasan ko. Hahaha..
DANIEL’S POV
Saturday na. Si Kath Maagang umalis dahil may group project daw sila. I have all this day para mag apply. Sana naman makuha na ako. Since I was 18, siguro naman qualify na akong maging working student. Inayos ko muna ang mga papeles ko na hiniram ko pa sa Registrar ng school. Birth Certificate copy, nag dala nadin ako ng I.D. Sinuot ko ang dala kong polo para naman mukhang desente tignan. Hindi ko muna tinaas ang buhok ko at di ko muna nilagyan ng Gel. Pinabayaan kong bagsak ang suklay.
Ayaw ko sa mga sikat na fast food chain gaya ng McDo dahil alama kong madaming makaka kilala sakin don. Partikular na ang mga ka-school mate ko. Ayaw ko din na kumalat na nagtatrabaho ako kaya naman sumubok ako sa isang restaurant. Sabi tatawagan nalang daw ako. Alam ko naman kung ano ang ibig sabihin noon kaya naman humanap pa ako ng iba. Mas malapit sa bahay na tinitirhan namin ni Kath.
Nahanap ko ang isang Restaurant na tinatawag na Star Restaurant. Isa itong medyo sosyal na Restaurant. Pag pasok ko ay may mga nagtinginan saking mga waitress na sigurado akong ka-edad ko. Hinanap ko muna ang office at tinanong kung tumatanggap pa sila ng employee.
Pinatuloy naman ako ng manager.
Inin-terview ako at tinignan ang mga requirenments.
Tanggap na daw ako at pwede na mag simula bukas. Ang oras ay 7-10 ng gabi. Tamang tama dahil uwiaan naman namin ay 6 p.m pero tiyak na wala akong pahinga.
“Gusto ko lang sana na ipaalala sayo na huwag kang makikipag-away sa mga customer, You know the motto ‘The customer is always right’” paaalala ng manager na si Mr.Dizon.
“Opo sir.” Sagot ko.
“ Hmmm.. I must say na medyo maswerte na ako sayo, alam mo kasi, sa itsura mo ay tiyak na dadami ang regular customer ko na mga babae. Pero sana wag mo silang i-snob. Pero wag mo ding papatulan ha? Ayaw ko namang magka-gulo.” Sabi niya na natatawa pa.
“opo sir!” sabi ko. Buti nalang at hindi niya ako nakilala. Alam ko namang yon ang isa sa mga rason kaya hindi ako tinanggap nung pina-applyan ko kanina. Nung nakita niya kasi ang I.D ko at Birth Certificate ay napangiwi siya. Sabi panga niya: “Sigurado ka na gusto mo mag waiter?” sabi niya. Sumagot naman ako pero sabi niya ay tatawagan nalang niya ako.
“Oh! Sandali at tatawagin ko si Barbie, pamangkin ko yon na nag part time din dito, ka-edad mo siya pero medyo mas matagal na siya dito. Sasabihan ko siyang tulngan ka sa unang araw ko at isalaysay sayo ang mga rules dito.” Sab niya sabay lumabas. Wala pang ilang saglit ay muling pumasok ang manager na may kasamang babae. Masasabi kong maganda siya dahil may kakinisan ang balat niya at maputi pa.
“Barbie, siya si Daniel. Ang bagong waiter natin. Gusto kong tulungan mo siya bukas sa mga pasikot sikot dito sa resto!” tumango naman si Barbie at napadako ang tingin sakin.
“Daniel, eto nga pala ang uniform. Bukas ka mag simula. At ayaw ko ng late!” sabi ng manager.
“Sige maaari na kayong lumabas.” At tumayo na kami para lumabas sa office.
“Hello! Ako si Barbie, Ang cute naman ng name mo, Daniel! Haha, anyway bukas nalang tayo mag-usap tungkol sa mga rules at mga dapat gawin dito sa resto! Friends? I’d love to!” sabi niya at inilahad ang kamay niya sakin.
“Hi! Salamat! Sure! Friends!” sabi ko sabay tanggap sa kamay niya.
Nag smile lang kami sa isa’t isa.
A/N: Please read my new story : Hate That I Love My Competitor
Thanks! Vomment po! Sorry for long NO UPDATES! Busy! :))
BINABASA MO ANG
Different World creates Different Love(KathNiel)
Teen Fiction♀KathNiel♂ FanFic :) Different World = Different Personalities = Different Kind Of Love What if 2 different persons with different personalities met? Do you think they can live in one roof?! Find out and start reading! Night and day, white and bla...