Chapter Seven: Happy For You

153 0 0
                                    

Last night was amazing. Yakap-yakap pa rin ni Pauline ang kanyang unan habang paulit-ulit na nirereplay ang nangyari kagabi sa utak niya.

Pagkatapos ng play ay agad siyang hinatak ni Julian. Ni hindi pa nga siya nakakapagbihis kaya  tinext na lang niya ang kaibigan niya sa club na ilagay na lang nito sa locker ang kanyang mga gamit. Agad siyang pinasakay ni Julian sa motor nito and off they go.

At saan siya dinala nito? Sa isang barbeque stand, of all places. Malapit iyon sa parke kaya habang kumakain sila ay pwede silang maglakad-lakad. Wala siyang angal. Solb na siyang makakasama niya ng gabing iyon si Julian. Bonus na nga lang maituturing ang halik na binigay nito matapos siyang ihatid nito sa kanto ng bahay nila. She insists na doon na lang siya nito ihatid. Hindi naman dahil sa naaalangan siya dito kundi dahil hindi pa talaga niya alam ang nararamdaman nito para sa kanya.

Of course, she really really wanted him to be his girlfriend.At pag nahuli sila ng magulang niya anong sasabihin ng mga ito? She never brought any guy even Samuel to their home. They would be disappointed na hindi niya boyfriend ang lalaking kasama niya pauwi.

Also ginawa niya iyon to save Julian's ass. Alam niyang kikilatisin ito ng mga magulang niya. So in the meantime, she will be content being with Julian with no complications or anything.

Kinatok ng mommy niya ang kanyang pinto. "Sweetie, baka malate ka."

"Yes, mom," tumayo na siya at naglakad papuntang banyo. Hindi pa rin nawawala ang matamis niyang ngiti sa mga labi.

***

She was alighting from her car when she saw Julian. Nakasandal ito sa big bike nito at nakatingin sa kanya. Her heart skipped a beat. Lumapit siya dito na ngiting-ngiti. Nakangiti din ito sa kanya.

"Hey, handsome!" bati niya rito. "You've waited for me? Aren't you the sweetest?" tinapik niya ang braso nito.

"Yeah, so give me a kiss now," sabi nitong nanunudyo. Nilapit nito ang mukha sa kanya.

Nanlaki ang mata niya bago umiwas dito. Alam niyang pinaglalaruan lang siya nito kaya tinignan niya ito ng masama.

"What?"

"Well, honey, I am not into PDA." Nilapit niya ang bibig sa tenga nito at binulungan, "How 'bout some private place where we can make out, huh?"

Namula ang mukha ng lalaki sa ginawa niya. He is so cute! sabi niya sa sarili. Alam niyang nanalo siya sa tuksuhan. Sandali lang ay nagseryoso na ang mukha nito. Binelatan niya ito ngunit hinawakan ang kamay nito. Their fingers interlocked.

"You're making me insane, woman," sabi nito sa mahinang boses.

"Julian!" narinig niyang tawag ni Kyle mula sa likod. Lumingon silang dalawa ni Julian. Gumawi naman ang tingin nito sa kamay nilang magkahawak.

"Woah, am I missing something?" sabi nito sa tonong bigo.

"Get lost, bro. Mine now," sabi ni Julian dito. Hinila siya nito papasok ng building ng college niya, tumatawa habang iniwan si Kyle na tulala pa rin.

"You are so mean! Bakit mo iniwan si Kyle?" ani Pauline.

"Don't worry. He'll get by from his heartache," birong sagot nito.

She just rolled her eyes. Tinuon na lang niya ang kamay na hawak pa rin ni Julian.

Nang makarating sa labas ng kanyang classroom, nakita niya si Missy na kausap si Gilbert. Kinawayan niya ito. Ngumiti ang kaibigan niya at dahil doon lumingon si Gilbert sa kanila. Tulad ni Kyle ay gumawi din ang tingin ni Gilbert sa kamay nila.

"Wow, you have to explain about that, dude!" bulalas ni Gilbert habang nakapinta ang pangamba sa mukha ni Missy.

"Well, you also have to explain the two of you," sabi naman niya sa dalawa. Ibig niyang magtampo sa kaibigan. May hinala siyang mag-on na ang dalawa pero hindi man lang ito nagkukwento sa kanya samantalang katext niya ito kagabi.

***

"Hey, Pau. Huwag ka na magtampo oh!" nagmamakaawang ani Missy sa kanya. Nasa canteen sila nito.

Inirapan niya ito. "Okay, sa isang kundisyon. Ilibre mo ko ngayon ng lunch tapos sabihin mo lahat ng tungkol sa inyo ni Gilbert. As in lahat lahat."

Bumuntong hininga ito. "Okay..." saka pumunta na ito sa counter.

Ramdam niya ang pagiging tahimik ng kaibigan niya habang kumakain sila. Hindi iyon normal. Ang normal ay hindi siya nito titigilan kakatanong sa nakita nito kanina sa kanilang dalawa ni Julian. Nang makatapos kumain ay nagsimula na siyang mag-usisa.

"You don't look fine," sabi niya rito. "I forgive you na. Okay lang kung ayaw mo talagang sabihin sakin iyong tungkol kanina."

Hinawakan nito ang kamay niya. "Pau, promise me you won't tell. Even my dad."

She nodded.

"Kami na ni Gilbert."

"Oh my God!" she shriek. She was so happy for her friend she can't contain her feelings.

"Shhh. Be quiet, Pau. I don't want anyone to know except you and Gilbert's friend dahil lagot ako kay Dad pag nalaman niya."

"Oh my God, I'm so happy for you!" sabi niyang pinipigil ang sariling mapatili na naman. Pinangako niyang hindi niya sasabihin sa ama nito ang nalaman.

"I'm so happy, too."

"Pero paanong?"

"Matagal ko nang gusto si Gilbert, freshmen pa lang tayo. Sinekreto ko lang. I'm sorry hindi ko nasasabi sayo at nagkunwari pa kong nagalit sayo na binigay mo iyong number ko sayo. Dahil sayo, thank you very much," nakangiti na nitong sabi sa kanya.

Masayang-masaya siya para dito kaya niyakap niya ito ng mahigpit. Ah, how she loves love stories!

"Well, that's a very dramatic scene!" untag ni Bilog na dahilan ng pagbitaw niya kay Missy.

"Oh hi, Bilog!" bati niya dito. "What can I do for you?"

"Iimbitahin ko sana kayo sa birthday ko sa Saturday. Private island iyon so expect na may beach at required and swimsuit," anito. "Kasama ang buong Kinetics," habol nito habang kumindat.

Nagkatinginan sila ng kaibigan at sabay nagsalita, "We would love too!"

Until You're Mine [Filipino]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon