Chapter One: You'll Fall For Me

999 7 0
                                    

“PAU, ‘ayan na iyong love mo oh!” untag sa kanya ng kanyang matalik na kaibigang si Missy kaya naman mabilis siyang nagtaas ng tingin mula sa binabasa niyang chick lit na libro.

Hayun nga si Julian, papalapit sa katabi nilang mesa kung saan naroon ang mga kaibigan nito. Bigla ay parang nag-init ang mga pisngi niya. Malakas-lakas kasi ang boses ni Missy.

Mukha naming hindi iyon narinig ng mga kaibigan nito. Patuloy lang siyang nakatingin kay Julian habang nakikipag-usap at nakikipagbiruan. Hindi niya napansin na tulala na pala siya. Marahil ay naramdaman ni Julian ang mainit na titig niya dito kaya napatingin ito sa kanya nang nakakunot. Nagtitigan sila.

Ngunit saglit lang iyon dahil nagbawi agad siya ng tingin dito wari namang nakita ni Missy ang buong pangyayari kaya naman nagbunghalit ito ng tawa. Bruha talaga ang babaing ito!

“Missy, ano ba?”waring galit na saway niya dito.

“Peace! Hindi ko kasi mapigilan eh. Parang eksena sa pelikula ‘yong nakita ko,” sabi nitong itinaas pa ang naka-peace sign na mga daliri.

Tumingin ito sa orasan at niyaya na siyang umalis papunta sa kanilang susunod na klase. Bago lumabas ng lounge ay muli niyang sinulyapan si Julian. The man she has ever loved.

***

“Ano ba naman kasi ang nakain mo at na-inlove ka kay Julian? Alam mo naman na hindi maganda ang reputasyon niyan sa campus. He’s rude as hell though devilishly handsome.  Pero kahit na, I can’t imagine my friend to be with that scumbag,” ani sa kanya ni Missy habang naglalakad papuntang parking lot. Maaga silang pinalabas ng kanilang professor ng araw na iyon dahil nag-quiz lang sila.

Listening those words from her dearest bestfriend is somewhat sad. Gusto niya kasing matanggap nito si Julian. “I know that, Missy. Pero I know deep inside na  mabait iyon si Julian. Did I told you, noong naging part siya ng theater—“

“I already know that. He helped you carrying those things and so and so. You know, friend, I hate to say this but he became a part of your play last year just because he was failing his English course.  At iyon ang binigay sa kanyang kondisyon ng professor niya.  Ito pa, he possibly threatened the said professor“

Lumabi siya, “Eh basta, I know he’s kind-hearted. Malay mo, hidni naman totoo ang mga tsismis na iyon no. Malay mo may reason naman kasi kung bakit siya ganoon di ba?”

Tumingin ng matiim si Missy sa kanya. “Hay, bahala ka na nga sa buhay mo. Basta sinabihan na kita ah. Ayoko kasing masaktan ka nang Julian na iyon.”

Ang sweet talaga ng bestfriend niyang ito kaaya niyakap niya ito ng mahigpit. Maya-maya ay pumasok sa isip niya ang bagay na napagdesisyon niya noong makalawa pa.  “Hey, ahm... Ano, I want to tell you something. I’ve been thinking really hard about this and I want you to support me.“

Kumalas ito sa kanya. “What is it?”

“Well, I’ve been thinking since I am really sure about my feelings for him, I would want to confess to him right away.”

Until You're Mine [Filipino]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon