Chapter Six: Love and Hate Collide

441 4 2
                                    

“Pauline, is it true? Mag-on na kayo ni Julian?” excited na tanong ni Missy sa kanya. Tumawag ito sa phone niya kinabukasan.

“Yes!” sabi niya. She’s so happy. Akala niya kaninang paggising niya ay panaginip lang ang nangyari noong nakaraang araw. Pero may pruweba siya,ang balitang iyon na nalaman ni Missy kay Gilbert and Gilbert is a friend of Julian.

“Oh my God! You should tell all the details later,okay? See yah!” iyon lang ay pinatay na nito ang cellphone.

May ngiti pa rin sa labi ni Paulinewhile preparing to go to school. Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na siya para magtungo sa dining room. Nakita niya ang daddy niya, si Sen. Gustavo Reyes, na nagkakape habang nagbabasa ng broadsheet. Niyakap niya ito at masiglang binati, “Good morning, dad.”

“Oh hija, good morning din. How’s school?”

Napasimangot siya rito. Hanggang ngayon ay tinuturing pa rin siya nitong bata. She’s an only child. Hindi na siya nabiyayaan ng isang kapatid dahil nagkakomplikasyon ang kanyang ina at tinanggalan ng matris. Kaya sobra ang pag-iingat sa kanya ng kanyang mga magulang. Naiintindihan naman niya ang mga ito though minsan may pagka-kill joy ang mga ito. At overprotective.

Maya-maya ay bumaba na rin ang kanyang mommy. Naka-suit na ito at ready na upang humarap na naman sa korte. Hinalikan nito ang kanyang ama sa labi. Sa totoo lang ay nakokornihan siya sa mga ito minsan pa nga ay sinasabihan niya itong, “Parent, go get a room!” habang tatawa lang ang mga ito sa kanya.

Ngayon ay parang iba ang pakiramdam niya sa nasaksihan niya. Parang gusto rin niyang maging ganoon sila ni Julian pagdating ng araw. Napangiti siya dahil doon. Napansin siya ng kanyang ina. Kumunot ang noo nito.

“Wow, honey, walang atang MTRCB ngayon,”sabi ng kanyang ina sa kanyang ama. Natawa ang kanyang ama at umiling-iling.

***

Pagkababa niya nang kanyang kotse ay nakita niya si Julian na naghihintay sa kanya. Nakasandal ito sa motorsiklo nito at maaliwalas ang mukhang nakangiti sa kanya.  Iyon lang ay parang buong-buo na ang araw niya.

“Hi!” bati niya dito habang palapit dito. “Aw. You’re so sweet. You’re actually waiting for me huh?”

“Well, I have no choice but to agree with that,”sabi nitong kinindatan pa siya.

Sigh, if only she could kiss him right there.

“Pauline!” narinig niyang sigaw mula sa likod niya. Lumingon siya at nakita niya ang bestfriend niya. Kumaway siya dito. Kasama nito si Gilbert na ngiting-ngiti sa kanila.

Lumapit ang mga ito sa kanila. Hinila siya ni Missy. “Can I borrow her for a while?” tanong nito kay Julian na tumango at bumalik sa usapan nila ni Gilbert.

“Sorry to break your first day as a couple, honey but you have unfinished business with me. So what happened?”

Pinaikot niya ang mata niya at nagsimulang magkwento dito habang naglalakad sila patungo sa knilang first subject.

Until You're Mine [Filipino]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon