Chapter Eight: Officially With You

159 0 0
                                    

Hangang-hanga si Pauline habang pinagmamasdan ang white sand beach-cum-island na pagmamay-ari ng pamilya ni Bilog. Halatang iyon din ang nararamdaman ni Missy na katabi niya.

"Bilog, this place is so nice. I'm really glad you invited us!" sabi niya dito nang buong galak.

Maluwang na ngiti ang sagot ni Bilog sa kanya pagkatapos ay tinulungan si Julian sa pagbubuhat ng kanilang mga dala. "Wala iyon. Alam ko kasing malulungkot itong si Julian at Gilbert kung hindi kayo kasama."

"Aw, man. Ang daya. You didn't tell us na pwede palang magdala ng chicks dito. Tiyak lonely kami dito ni Howie," ani Kyle na nag-sad face pa tsaka inakbayan si Howie at kunwaring humagulgol.

"Tahan na, bro. Mahal naman kita eh. Hayaan mong painitin kita mamayang gabi," sagot naman ni Howie habang mahigpit na niyakap si Kyle. Natawa na lang silang dalawa ni Missy sa nasasaksihan. Natural na ang pagiging dramatiko nang dalawang lalaki. Sa totoo lang ay chicks magnet ang dalawang ito.

Binato ng mansanas ni Gilbert ang dalawa. "Magsitigil na nga kayo sa pinaggagawa niyo. Tulungan niyo kami magbitbit ng mga dalahin. Pagkatapos ay pakiset up ung barbeque grill," ani Gilbert, as always, the planner.

Biglang nagbitaw sa pagyayakap ang dalawa, sabay sigaw ng, "Yes, boss!" at sumaludo.

Napapailing na lang si Julian sa dalawang kaibigan. Pinagmasdan ito ni Pauline at nang magtama ang kanilang mga mata ay kinindatan siya nito. Nag-init na naman ang mukha niya, kanina pa kasi iyong ganoon. Sa buong biyahe ay katabi niya si Julian, hawak ang kanyang kamay na para bang ayaw na siya nitong bitawan. Kahit na nga ba, namamawis na ang kanyang kamay dahil sa nerbiyos dahil na rin sa pagiging magkatabi nila ng matagal.

Halata namang masaya rin sila Gilbert at Missy. Mabuti at pinayagan si Missy mag-overnight ng kanyang striktong daddy. Alam niyang susulitin ng magkasintahan ang araw na itong magkasama sila. Sa lugar kung saan hindi nila kailangang itago ang kanilang relasyon, na nagmamahalan sila.

Thinking about this, she envy Missy. At least, may certainty ito na mahal talaga ito ni Gilbert. At patunay doon ang pagiging magkasintahan ng dalawa. Kahit sikreto lang ay alam niyang nag-eeffort talaga ang lalaki sa kanyang best friend. Kung tatanungin kasi ang estado ng relasyon nila ni Julian ay maikukumpara iyon sa hangin. Mararamdaman mo pero hindi mo alam kung saan patungo at nanggaling.

She shoke her head. Di ba sinabi na niya sa sarili na icherish na lang niya ang araw na makakasama ang lalaking ito? Loko talaga ang puso niya. Naghahangad pa ng sobra.

Bigla may humablot sa kanyang kamay. Si Julian. Nakangiti ito. "Race 'till the bouys?"

"Cool. I'm in."

***

Nang gumabi ay nagtayo ng bonfire ang grupo. Nilabas ni Missy ang mga marshmallows at hotdog mula sa rest house. Nilapag nito ang mga dala sa isang maliit na coffee table na gawa sa rattan, na nilabas nila mula rin sa loob. May mga beer in can din na nilabas sina Howie at Kyle.

Inalok si Pauline ni Kyle. Kinuha niya iyon kahit hindi siya iinom. One time kasing uminom siya ay nagka-rashes siya. Which was horrible, lahat ata ng parte ng katawan niya ang may pulang butlig. Pasalamat siya at bakasyon iyon nangyari sa kanya.

Until You're Mine [Filipino]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon