"Okay ka lang ba, Pau?" untag sa kanya ni Frankie nang mapansin siyang nakatingin sa kawalan.
"I'm sorry nasaan na nga ba tayo?" tanong niya rito.
Napailing na lang din ang kanyang kagrupo sa paggawa nang thesis. Mabuti at hindi siya ang naging leader nang thesis na iyon kundi ay walang mangyayari sa kanila.
It's been a week since her break up with Julian at hindi pa rin siya makaget over sa mga sinabi nito sa kanya. Hindi siya makapaniwalang ginawa lang siyang past time nito. Na ang gusto lang pala nito ay ang makuha ang katawan niya.
"I'm suggesting na idivide natin ang mga gagawin. For example, ikaw ang responsible sa mga kailangang reading materials. Si Joan ang bahala sa pagtatype. Si Remy naman ay sa survey, statistics at interview. Ako naman, sa proofreading," paliwanag sa kanya ni Frankie.
Tumango siya sa sinabi nito at nagsimula na uling magproceed si Frankie sa pageexplain. Nasa garden sila nang campus. Iyon ang sikat na tambayan ng mga estudyante ng kanilang college. May mga table at chairs doon kaya pwede ring doon magreview para sa quizzes at exams. Hindi pwedeng mag-ingay sa library kaya s-in-uggest ni Remy na sa lugar na iyon sila mag-meeting.
Namimiss na tuloy niya si Missy. Nung makalawa lang kasi ay nakipagtanan ito kay Gilbert. Tulad niya ay nalaman nang ama nito ang tungkol sa kasintahan kaya nagpasya ang mga itong lumayo. May nadama siyang inggit sa kaibigan dahil pinaglaban nito ang pag-ibig kay Gilbert pati na rin ang katotohanang mahal talaga ni Gilbert ang kanyang kaibigan.
Tiningnan niya muli ang kanyang cellphone mula sa bag. Nagmessage sa kanya si Gilbert. Agad niya iyong binuksan,
Hi, Pau! Nakitxt lng ako kay Gilbert. I hope ur doin fyn. Nand2 na kmi sa bahay ng mama niya. We're doin fyn hir, I guess. :) Miz na kta. xoxo
Napangiti siya sa text ng kaibigan. Mabuti na lang ay nakarating ito ng maayos. Pero alam niyang hindi magtatagal ang mga ito roon dahil matinik ang ama nito. Hahanapin at hahanapin ito ng ama at ayaw niyang isipin ang possibleng gawin nito sa kanyang matalik na kaibigan.
Nang matapos ang meeting ay niyaya siya ng kanyang kagrupo mag-lunch na pinaunlakan naman niya. Mga kaibigan din nila ito ni Missy kaya hindi siya masyadong lonely sa klase. Alam din ng mga ito ang nangyari sa kanila ni Julian, pero they never had a clue on why they broke up.
Wala siyang ganang kumain kaya sandwich lang ang binili niya. Naglalakad siya patungo sa table ng kanyang mga kaibigan nang makita niya si Julian kasama ang isang seksing babae. Nakahawak ito sa mga braso ng lalaki halatang ibinubunggo ang mga dibdib nito. Nang maglandas ang mga mata niya kay Julian, ay nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. Walang emosyon ang mukha nito nang makita siya.
Nag-iwas siya nang tingin dito at nagsimula uling lumakad. Ayaw niyang magpaapekto dito. Why, he's a jerk! Pero kahit lagi niyang pinapaalahanan ang sarili ay hindi niya mapigilang ma-miss ang lalaki. Mahal pa rin kasi niya ito.
***
Nang sumunod na mga araw ay naging busy siya sa paghahanap nang kakailanganing references para sa kanilang thesis.
"Pauline!" sabi ng baritonong boses mula sa kanyang likod.
Pumihit siya paharap at nakita si Samuel. Sinara niya ang librong hawak at binalik iyon sa shelf.Tinaas niya ang kanyang kilay dito ngunit nakangiti.
"Shh. Pagagalitan ka ng librarian," sabi niya rito. "Why are you here? Fine Arts people never go to the library."
"Opps, Sorry," hininaan nito ang boses. "Hindi na kita nakikita sa cafeteria kaya tinanong ko si Frankie at sinabi niya na nandito ka daw."

BINABASA MO ANG
Until You're Mine [Filipino]
Novela JuvenilMinahal ni Pauline si Julian kahit na ba hindi maganda ang reputasyon nito sa loob ng campus. A badboy and a certified playboy. Ngunit kahit ganoon ay minahal pa rin niya ito at isang araw ay naisipang magtapat dito. Ngunit pinahiya lang siya nito...