puno sa tapat ng bahay

6.8K 139 5
                                    

"Okay mukang ayos na 'to..!!"
Mag-isa lang akong nangungupahan sa isang maliit na bahay..kakalipat ko lang ngayon at nag-aayos ako ng mga gamit



Ginutom ako kaya naisipan kong bumili nalang ng lutong pagkain sa tapat ng inuupahan kong bahay



Ng nakapunta ako ay titig na titig sakin ang babaeng nagbabantay sa karinderya..medyo nasa 40's sya at muka namang mabait



"Ale pabili naman po ako ng isang order na kanin saka dalawang okoy..salamat po." ako sabay upo sa isa sa mga upuan na naroon..



Talagang napagod ako sa paglilinis pero sulit naman dahil napakalinis na ng uupahan ko..yung huli daw kasing lumipat ay hindi inayos ang bahay bago umalis..nagdadalawang-isip pa nga 'ko nung una kasi parang ang sungit nung landlady



"Eto na ang order mo.!!.teka iha ikaw ba ang bagong lipat dyan sa tapat?"tanong ni ale



"Ah opo kakalipat ko nga lang po ngayon ako po si agnes..ang ganda po pala dito sa area na 'to"sabi ko habang nagsisimula nang kumain


Nakatitig lang sakin si ale pero kinakausap naman nya 'ko..hindi naman pala sya mataray



"Ako naman si yuning pero may alam ka na ba tungkol dyan sa bahay na lilipatan mo?" aling yuning


Umiling lang ako sabay ngiti

"Hindi po eh!!bakit may history po ba 'yang bahay?"



"Ay agnes..!dapat bago ka lumipat ay inaalam mo muna kung sino ang huling tumira o kung anong klase ba meron sa bahay."aling yuning



Tumingala ako at nagtatakang tinanong sya



"Bakit aling yuning ano po bang meron sa bahay?.wala rin naman po kasing nababanggit sakin ang landlady na si ms,torres." Sabi ko




"Syempre hindi nya babanggitin yun sayo dahil alam nyang pag-nalaman mo ang tungkol sa bahay ay hindi mo na ito uupahan at mananatili nanaman 'yang bakante..mukang pera yang si ms,torres palibhasa'y matandang dalaga"




"Pero ang totoo..ilang taon nang walang nangungupahan dyan kaya nga nagulat nga ako dahil bigla ka nalang sumulpot at sinabi mong ikaw ang bagong nangungupahan eh akala namin ay habang buhay ng walang titira pero alam mo ba na karamihan sa umupa dyan ay linggo lang ang tinatagal..ang totoo nyan ang huling tumira dyan ang itinagal lang ay hanggang dalawang araw kasi naman hindi kinaya ng mag-asawa ang nangyayari..ako nga o ang ibang tindahan ay pagsapit ng alas-singko ay nag-sasara na dahil ayaw naming makakita ng kung anu-ano." aling yuning




"Pero..hindi ang bahay ang totoong may problema kundi ang punong 'yan na nasa tabi ng bahay." sya sabay turo ng punong balete sa tabi..ang laking puno..bakit ba hindi ko yan napansin kanina..?siguro'y dala ng gutom at pagod ay hindi ko na napansin




Ayokong takutin ang sarili kaya ng matapos na 'kong kumain ay nagpaalam agad ako para bumalik na 'ko sa loob



Muka namang normal ang unang gabi ko sa bahay pero yun din ang akala ko..dun pala mag-uumpisa ang mga kakaibang pangyayari



Minsan sa gabi may bigla nalang kakatok..pag-bukas ko ay wala namang tao puno lang ang nakikita ko at mga katabing bahay na nakasara ang mga bintana at pinto..marami pa pero itong isang 'to ang hindi ko makakalimutan


Gabi na noon at kauuwi ko lang galing sa trabaho..
Nanonood ako ng tv ng may biglang kumatok..pagbukas ko ay isang misteryosong babae ang napagbuksan ko..nakangiti sya sakin




"Magandang gabi..ako nga pala si matet ikaw ang bagong lipat diba?"


"Ah-oo ako nga..tuloy ka"pag-aanyaya ko sakanya



"Hindi na kaya lang naman ako nagpunta rito para ibigay sayo 'to."-sya sabay abot ng isang box..hindi ko sana tatanggapin pero mapilit sya kaya tinanggap ko narin napilitan lang naman ako


"Buksan mo."utos nya


"O-okay." ako sabay dahan-dahan sa pagbukas ng box



Halos manlaki ang mata ko at lumobo ng ulo ko dahil sa nakita ko sa loob ng box



Isang dumudugong labi at isang tenga..inuuod pa ito.,napataas ako ng ulo ng marinig ko ang nakakatakot na pagtawa ng babae sa harap ko



"Hahaha..!!yan ang bagay sa mga tsismosa..dapat tinatanggalan ng tenga at bunganga.aalis na 'ko..kung may kaylangan ka ay puntahan mo lang ako sa puno ng balete." sabi nya habang nagiging isang hangin




Napatingin ako sa puno at nakikita ko ang isang pigura ng hugis tao..madilim kaya hindi ko maaninag..bumalik ang tingin ko sa box at nakita naman ang ulo ni ms,torres na tumatawa pa habang magulo ang buhok



Naihagis ko ang box sa kung saan at nagtatakbo palayo..hindi na 'ko lumingon pa sa bahay na 'yun o sa puno baka sa susunod ay mamatay pa 'ko sa makita ko..!!

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon