numero sa notebook

3.2K 73 1
                                    

Si edward ay isang lalaking madalas magtelebabad sa telepono..

Isang araw ay nakita nya ang kanyang lumang maliit na notebook na naglalaman ng mga telephone number ng mga dating kaibigan sa highschool..isa-isa nya itong tinawagan..

Marami syang nakausap at masaya sya..nakita nyang may huling numero pa ang hindi nya natatawagan at naalala nyang ito ang numero ng pinaka-kaibigan nung 2nd year na si aldo..

Sinubukan nyang tawagan ito..tumunog muna ito ng tatlong beses bago may sumagot

"Hoy aldo..si edward to!kamusta na?"--ako

'Aba!..ayos naman ako edward..buti naman at natandaan mo pa ang numero ko..ikaw kamusta?..bakit ngayon mo lang ako tinawagan?--sya

"Busy kasi sa schools eh..pasensya na ah..pero kung gusto mo magkita tayo..or pupunta ako sainyo..--ako

Pupunta ka?..mukang hindi magandang ideya 'yan..--sya

Noong una ay nahirapan si edward na kumbinsihin si aldo na pumunta sa bahay nito pero bandang huli ay pumayag din ito..

Kinabukasan ay naglakad si edward hawak ang isang pirasong papel na naglalaman ng address na sinabi sakanya sa telepono ni aldo..

Excited na syang maka-bonding ang kaibigan..

Pero napahinto sya ng makita ang mismong address ni aldo..kunot-noo syang tumingin doon..

Isa itong abandonadong bahay na nasunugan..pero hindi ako pwedeng magkamali dahil ito ang mismong bahay at address na binigay sakin ni aldo..

Naglakad sya papasok sa sunog at medyo-luma ng bahay..nakita nya ang isang telepono na halatang sunog narin..nagulat sya ng bigla itong nag-ring..

Hindi na sana nya papansinin dahil alam naman nyang sira na iyon pero sinubukan parin nyang sagutin..

Halos manginig ang buong katawan at gapangin ng kilabot ang buo nyang katawan dahil sa pamilyar na boses sa kabilang linya

"Sinabi ko naman sayong hindi magandang ideya 'yan edward.."--aldo

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon