Si anna ay isang batang babaeng madalas kong nakikita sa tapat ng isang malaking bahay na may blue na gate..
Kaya ko nalaman ang pangalan nya ay dahil yun ang nakalagay sa uniporme nya sa may kanang dibdib..
Mapa-araw man o mapa-ulan ay lagi lang syang nakatayo roon at parang may pinagmamasdan..
Isang hapon ay naabutan ko ulit syang walang galaw at nakatayo lang sa tapat ng malaking bahay na yun na blue ang gate..
Nilapitan ko sya..
"Anna..anong ginagawa mo dyan?"tanong ko
Ng lumingon sya sakin ay halata ang lungkot sa mata nya pero pinilit nyang ngumiti..
"Kasi..--ate pwede po ba 'kong humingi ng favor?"sya sa cute na boses..
Ngumiti ako sabay luhod sakanya..
"Ano yun?!""Pwede nyo po bang kunin ang teddy bear ko sa loob ng bahay na 'yan..mahalaga po kasi yun sakin dahil bigay po yun ng yumao kong mama." sya na halos paiyak na..
Nagulat naman ako sa sinasabi nya..paano yun?!..aakyatin ko ang bahay na 'yan?mamaya'y makita ako ng may-ari at idemanda pa 'ko..
"Ate sige na po..wala naman na pong nakatira dyan eh hindi ko po kayang akyatin ang bahay." sya na paiyak na..
Lalo akong nag-panic ng bigla syang pumalahaw ng iyak..pinat ko ang ulo nya..
"Oo na sige na..aakyatin ko na ang teddy bear mo basta wag ka nang iiyak huh!!?"
Ngumiti sya kaya napanatag ako
Tumayo ako at nagsimula nang humarap sa gate na kulay blue..bumuntong hininga muna 'ko..hay naku..!!nalintikan na wala na..napasubo na 'ko..
Nagsimula na 'kong umakyat sa bakal na gate..nang nakapasok ako ay sinalubong ako ng malamig na hangin
Nilingon ko pa sa huling pagkakataon si anna at nakangiti lang sya sakin..ngumiti lang din ako sabay balik ng tingin sa harap..nagsimula na 'kong pumasok sa loob ng lumang pinto
Pagpasok ko ay ganun nalang ang pagtataka ko..bakit parang nasunugan ang buong bahay..?samantalang ang linis at ang ganda sa labas..
Nagtuloy-tuloy ako hanggang marating ko ang sala..nagulat ako dahil ang gulo..parang dinaanan ng bagyo..may nakita akong anino na itim kaya sinundan ko ito paakyat sa hagdan..
Naisipan kong sundan ang anino..umakyat ako sa taas pero nakita kong pumasok ito sa isa sa mga kwarto
Nakita ko ang mga nagkalat na stuff toys na nasunog pati na ang mga lumang kama..
Nakita ko sa ilalim ang isang dilaw na teddy bear..napangiti ako..yun na siguro ang pinapakuha ni anna..
Kinuha ko iyon at akma nang aalis ng may mahagilap ang mga mata ko..agad akong napalingon sa banyo at nanlalaki ang mga mata..si anna..pano sya napunta dito..?
"A-anna?.pano ka nakapasok..?"gulat na tanong ko
Ngumiti sya sakin..mas lalo akong natakot dahil nakalutang sya sa hangin habang papalapit sakin
"Wala po ba talaga kayong ideya.?.itong bahay hindi nyo ba natatandaan?..ako ay ikaw ikaw ay ako..iisa tayo ikaw ang reincarnation ko ikaw si anna..!!" sya na biglang nagbago ng ichura at naging isang sunog na nilalang
BINABASA MO ANG
Horror Files
HorrorBuklatin at basahin ang iba't-ibang kwentong magpapakilabot sayo at sa katabi mong hindi mo nakikita