"Ano pinalayas ka na ng mga magulang mo?!" si sandra,kaibigan ni aya
Halos tumirik ang mata ni aya sa sobrang inis..alam na nga nyang hindi kami lagi nagkakasundo nila mama eh nagtatanong pa..naisip nya
"Malamang..ano ba sa tingin mo?!..may alam ka ba dyan na pwede kong upahan muna..?" aya habang naka-upo sa sofa ni sandra
Matagal na silang magkaibigang dalawa..,kaya lang ay pagdating sa pag-uugali ay magkaiba sila..si sandra ay matalino at palaisip samantalang si aya ay ambisyosa pasaway at kung minsan ay napapa-away..may lihim na galit si sandra sa kaibigan nya dahil nga sa sama ng ugali nito pero sa kabila nun ay hindi nya 'to matitiis
Ano kaya kung turuan ko nalang sya ng leksyon?!--sa isip ni sandra
Napangiti sya sa naisip
"May alam akong pwede mong upahan..dyan lang sa taas yung 13th room..wala pang umuupa dyan mura lang naman dito sa apartment."-sandra
"Sigurado ka bang maganda dun?.ayoko sa bulok na kwarto."
Lalong gusto ni sandra na dun patuluyin si aya dahil sa mga usap-usapan na walang nakakatagal sa kwartong yun..
"Okay." sabi ni aya..sinamahan sya ni sandra sa kasera ng apartment at dun napag-usapan ang balak na paglipat nya
Makalipas ang tatlong araw..
Sa kwartong inuupahan ni aya ay madalas syang nakakarinig ng kung anu-anong nakakatakot..minsan parang may gumagalaw ng upuan sa sala kahit walang tao..minsan naman ay bumubukas sara ang pinto sa banyo..
Hanggang sa isang gabing natutulog si aya..sa kagitnaan ng kasarapan ng tulog nya ay gumagalaw ang kama nya..napatayo sya sa kama at takot na takot..maya-maya'y may nakita sya sa taas ng ceiling fan na isang kulay itim na nakalutang sa taas..mahahaba ang kuko nito at mabalahibo ang katawan mapupula ang mga mata at nakangiti ito ng nakakatakot mismo sakanya
Sa sobrang takot ni aya ay nagmamadali syang nagtatatakbo papunta sa pinto ng kwarto..huminto muna sya ng may makitang babae sa kusina..sa unang tingin ay nakatayo lang ito pero maya-maya'y nagmamadali na itong naglakad papunta sakanya patakbo na sakanya ang babae mas lalo itong nagmukang nakakatakot
Sumisigaw syang lumabas ng kwartong yun
"Aaaaahhhhhhhhh.!ayoko na uuwi nalang ako samiiiiiinnnn" nag-iiyak na sigaw ni aya
"Haha.!!buti nga sakanya yan kasi masyadong suwail sa magulang.,sana naman ay may natutunan syang leksyon sa madalas nyang paglalayas."-nakangising sabi ni sandra habang hawak ang isang box ng props na ginamit sa pang-sindak kay aya
BINABASA MO ANG
Horror Files
TerrorBuklatin at basahin ang iba't-ibang kwentong magpapakilabot sayo at sa katabi mong hindi mo nakikita