"Ate bilisan mo naman..!"
Inip na inip na 'ko kakaantay sakanya dito sa bahay..gabi na kasi'y hindi pa sya umuuwi..may pinabili pa naman akong pizza sakanya
"Izza pauwi na 'ko okay!..wag ka ngang atat.sige na mamaya nalang."-sya saka na in-end ang tawag
Napabuntong-hininga nalang ako saka binalik ang pagbabasa sa librong hawak ko
Maya-maya'y may narinig akong ingay sa baba..agad kong binitawan ang librong hawak
Baka nandyan na si ate..
Dali-dali akong bumaba ng hagdan..naglakad pa 'ko papunta sa sala..walang ate..pumunta ako sa kusina...wala parin
Umupo ako sandali sa benches na naroon sa sala
Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla syang sumulpot sa tabi ko saka sya umupo sa isang upuan
"Oh ate.!kamusta lakad nyo?.teka!naibili mo na ba 'ko ng pizza?" ako habang nakatitig sakanya.
Hindi sya sumagot sa halip ay nakatitig lang sya akin..medyo ang weird naman ata ngayon ni ate..
"Huy!..sumagot ka naman..ano bang nangyari sayo?" natatawa ko pang sabi sakanya pero talagang wala syang imik
Ngumiti sya sakin ng nakakatakot saka umalis..sinusundan ko lang ng tingin ang weird kong kapatid..maya-maya ay bumalik sya na may dalang isang tray na may lamang juice..nilapag nya yun sa harap ko
"Oh anung gagawin ko jan?..yung pizza ang hinahanap ko hindi juice..ate naman?!" Kakamot-kamot sa ulo kong sabi sakanya
Ngumiti nanaman sya sakin ng kakaiba..maya-maya'y may nag-doorbell..tatayo na sana ako para buksan..pero nagulat ako ng mas maunang tumayo si ate at naglakad papunta sa itaas..umiling-iling nalang ako saka binuksan ang pinto
"Andito na 'ko..pasensya na kung natagalan sa pag-uwi..etong pizza mo oh ubusin mo." si ate..na nakangiti..
Halos hindi ako makapaniwala..tumingin ako sa hagdan..mamaya kay ate..tapos sa hagdan ulit..mamaya kay ate nanaman
Sinundan ko lang si ate..nakita nya ang juice saka nya ito ininom
"Wow..ang sarap ng juice ah.talagang nag-abala ka pang ipagtimpla ako"
"Di-diba ikaw ang nagtimpla nyan?" Sabi ko sa nanginginig na boses
Tumigil si ate sa pag-inom at biglang tumingin sakin na parang niloloko ko sya
"Nababaliw ka na ata eh!.kita mong kararating ko lang"
Tumitig ako sa hagdan..ng marealize kong may kakaiba ay sumigaw ako
"Uy ano ba?!..bakit ka ba sumisigaw?"
"Ma-may mu-multo..s-sa t-taas.!"
"Eeekkkkkkkk.!!" .--si ate na sumama ang muka saka nya hinagis ang basong may lamang juice na tinimpla ng kamuka nya
BINABASA MO ANG
Horror Files
HorrorBuklatin at basahin ang iba't-ibang kwentong magpapakilabot sayo at sa katabi mong hindi mo nakikita