Tuwing gabi ay hindi ako nakakatulog..hindi ko alam kung may insomnia ako o talagang hindi lang ako makatulog
Lagi lang akong nakatitig sa katapat na bintana ng bahay..maganda naman doon pero wala pang tumitira roon.
Nagulat ako ng isang araw ay may naririnig akong tunog ng sasakyan..ng silipin ko ang bintana ng kwarto ko ay nakita ko ang isang pamilya na may binababang mga gamit..at sa palagay ko'y sila na ang bagong lilipat sa kaharap namin
Lagi lang akong nakamasid roon sa bintana ng kwarto ko..meron ang mag-asawa na anak na binata..pero hindi ako nagkakaroon ng tansyang makita sya kaya nalulungkot ako
Hanggang sa isang gabi ay nakita ko ang binatang anak ng kapitbahay namin..nasa bintana sya na katapat na bintana ko..naisip kong pagmasdan sya tutal mukang may pinagkakaabalahan sya kaya hindi nya 'ko makikita
Gwapo nga ang lalaking yun..kaya napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng kung ano roon
At nakatulala na pala 'ko sakanya na hindi ko namalayang kumakaway na sya sakin..nakangiti ito sakin kaya agad akong nagtago sa kama ko..at isa lang ang narealize ko..kinilig ako
Tuwing gabi ay ganun ang nangyayari..nakikita ko sya at palihim na pinagmamasdan..at ganun din na madalas nya 'kong nahuhuli..ngingiti sya at kakaway at ako naman ang magtatago
Hanggang sa isang araw..habang sinusuklayan ko ang mahaba kong buhok sa kwarto ko ay nakarinig ako ng mga ingay kaya tumingin ako roon
Yung binatang gwapo..lumapit sa tatay ko na nagwawalis sa bakuran namin..nakangiti ito
"Magandang araw po..may itatanong lang po sana ako.".magalang na sabi nya
Nakita kong tumigil ang tatay sa pagwawalis saka hinarap ang binata
"Oh magandang umaga naman iho..diba ikaw yung anak ng bagong lipat dyan.?!anong maipaglilingkod ko?"..si tatay
"Ahm.itatanong ko lang po sana kung anong pangalan ng babae na nasa silid na madalas kong makita..tuwing gabi po kasi eh nakikita ko sya sa bintana,?"..medyo nahihiya pang tanong nito
Napakamot ng ulo si tatay saka tinignan ng nakapagtataka yung binata
"Pero iho..imposible 'yang sinasabi mo..!"
Pati yung binata naguluhan
"A-ano po bang sinasabi nyo..bakit naman po?"..yung binata
Dahil alam ko na ang isasagot ni tatay ay nalungkot ako..kung ganun malalaman na ng binata ang tungkol sakin
"Pero iho..wala'ng--
Saglit na pinutol ni tatay ang sasabihin
"Iho..imposible 'yang sinasabi mong nakikita mong babae sa bintana dahil wala naman akong anak na babae binabae meron..at dyan ang kwarto nya sa tinuro mo..!"
BINABASA MO ANG
Horror Files
HorrorBuklatin at basahin ang iba't-ibang kwentong magpapakilabot sayo at sa katabi mong hindi mo nakikita