Isa akong bagong lipat dito sa baranggay na ito..ako si jackie at isa akong buntis..
Nagpaalam ako sandali sa asawa kong papasok na sa trabaho para bumili ng tinapay sa labasan..pumayag naman ito kaya naglakad na 'ko palabas ng aming bahay..
Napadaan ako sa isang bahay na tama lang sa laki..may bintanang malaki sa gilid ng pinto kaya makikita mo ang nasa loob..naisipan kong tignan ang dun sa bintana kung may tao para naman magkaroon ako ng bagong kumare since kakalipat nga lang namin ng asawa ko dito.
Tahimik sa loob pero tanaw kong may bulto ng tao na naglalampaso ng kanilang tiles na sahig,may hawak pa itong walis habang nakayuko dahil abala sa nilalampasong sahig..medyo mukang bata pa yung babae..nakita kong tumigil ito sa ginagawa saka ako nilingon..kumaway ako sakanya habang nakangiti pero bigla syang tumakbo sa ibang direksyon..nahiya siguro sakin
Ligtas naman akong nakabili ng tinapay..naglalakad na 'ko pabalik sa bahay ko ng mapatingin nanaman ako sa bintana..nakita ko ulit ang babae kanina na nagwawalis naman ng sahig..napangiti ako habang hawak ang tyan ko..sana kung babae ang anak ko ay kasing sipag nya..naglakad na 'ko pauwi
Lumipas ang umaga na lumabas ako para maglakad-lakad..naabutan ko ang isang babaeng kasing-tanda ko lang siguro na nagwawalis ng mga natuyong dahon..lumapit ako
"Hi..ako nga pala si jackie.!"...magiliw kong sabi
Ngumiti naman ito sakin saka hininto ang ginagawa para harapin ako.."ako naman si marie..bago lang kayo dito?"..tanong nya
Tumango ako..
"Wow mabuti naman at may bago ulit na ka-baranggay ko..!"...sabi nung marie..hanggang sa makapalagayan kami ng loob at naging mag-kumare..halos araw-araw kapag buryong ako sa bahay ay lalabas ako para maglakad-lakad.
Madalas ko ring makita ang babae sa loob ng bahay ni marie..lagi syang naglilinis..minsan naabutan ko pa syang nanonood ng tv..nakaupo sya sa sofa at mukang seryoso sa pinapanood..dinungaw ko ang ulo ko sa bintana
"Hi..ako nga pala si jackie..anak ka ba ni aling marie?!ang sipag mo..lagi kitang nakikita na naglilinis.!"...nakangiting sabi ko pero nakatingin lang sya sakin..wala man lang syang karea-reaksyon..
Sakto naman na naglalakad na sa direksyon ko si aling marie..may mga bitbit itong grocery bags..napangiti ito sakin..
"Oh jackie..anong sinisilip mo dyan?!"...natatawang tanong nya
"Ah..yung anak nyo.kinakausap ko lang..saka itatanong ko sana kung nandito ka sa loob ng bahay..bibigyan sana kita ng pancit na niluto ko..!"...sa sinabi ko ay nakita ko ang pagkunot ng noo ni aling marie
"Anak ko?..nakauwi na ba si albert dito?..nagpaalam sakin yun na mamaya pa makakauwi yun dahil may project pang tinatapos sa bahay ng kaklase nya.."...muka talaga syang nagtataka..
"Albert..?!ay hindi aling marie.yung isa mo pang anak..yung babae,naka-upo sya dyan sa sofa at mukang nanonood ng tv..alam nyo ang sipag ng anak nyong yan aling marie..lagi kong nakikitang--
Agad na pumasok si aling marie sa loob..napatingin sya sa tv at ng makitang bukas ito ay nabitawan nya ang mga dala nyang supot..mas lalo naman akong na-curious sa kinikilos ni aling marie saka ko dinukwang ang ulo ko para makita sya sa loob..halos manginig si aling marie kaya kinabahan ako..pinasok ko sya saka pinaupo sa sofa para pakalmahin..umatake nanaman daw ang nerbyos nya..
Kinuwento nyang matagal ng patay ang nag-iisa nyang anak na babae..si alyanna..namatay daw ito dahil sa kaka-lampaso ng tiles eh nadulas daw at napalakas ang paghampas ng ulo nya sa sahig kaya nabagok..
"Diba sabi mo madalas mong makita si alyanna dito..ano bang madlas nyang gawin kapag nakikita mo sya..?"...sabi ni aling marie na tumutulo ang mga luha
"Madalas ko syang makitang naglilinis..tapos kapag kakausapin ko sya eh aalis o mawawala nalang sya bigla..!"...sabi ko
Habang pinapakalma si aling marie ay may nahagip ang mga mata ko sa hagdan..ng tignan ko yun ay nakita ko yung alyanna na nakaupo sa hagdan habang nakatitig sakin..binalik ko ang tingin kay aling marie at hindi pinahalatang natatakot ako dahil sa hitsura ni alyanna na puro dugo ang muka na may nandidilat na mga mata..
**********************************************************************
A/N:..hindi kayo maniniwala readers pero si mama ang nag-suggest ng kwentong 'to..nakialam sa tablet ko kaya ayan..nabasa nya lahat ng horror stories dito..sabi nya hindi daw sya natatakot..
Sabi nya..mas nakakatakot pa raw sya lalo na kapag galit..
BINABASA MO ANG
Horror Files
TerrorBuklatin at basahin ang iba't-ibang kwentong magpapakilabot sayo at sa katabi mong hindi mo nakikita