sa taxi ni kuya nelson

4.7K 121 1
                                    

Si kuya nelson ay isang taxi driver mabait sya at palangiti..bawat tao sa subdivision area namin ay sakanya talaga madalas sumakay dahil nga hindi sya gaya ng ibang taxi driver na gusto lang mandaya




May dalawang anak si mang nelson..si ian at si rico parehas nakatapos sa kolehiyo at nagkaroon ng magagandang trabaho pero hindi naging dahilan yun kay kuya nelson para itigil ang hilig sa pagiging taxi driver..




Ika nga nya..dito na 'ko kumikita sa pagtataxi dito ako kumukuha ng panggastos namin noon sa araw-araw..dito ko napatapos ng pag-aaral ang aking dalawang anak at dito narin ako mamamatay




Nagulantang kaming lahat noon ng balitang naging tulala daw si kuya nelson..hindi na nakakausap at parang natatakot sa tuwing makakakita ng taxi..kahit ang mga anak nya ay hindi rin malaman ang biglaang pagkakaganun ng ama..naging ganun daw si kuya nelson simula nung gabing umuwi sya galing sa pamamasada




Noon naman ay bigla din ang paggaling ni kuya nelson kaya nang bisitahin ko sya noon ay dun na nya kinuwento sakin ang dahilan ng pagkakaganun nya




Noong gabing yun ay nasa gilid ng highway si kuya nelson at naghihintay ng pasahero..nagbabasa raw sya ng dyaryo noon at naka-upo sa driver's seat



Inamin sakin ni kuya nelson na ang taxi raw na nabili nya ay nire-novate lang..dati raw yun nasunog at namatay ang tunay na may ari sa loob mismo ng taxing yun na sakanya na ngayon



Nagulat daw sya dahil may lalaki nang naka-upo sa likod at naka-yuko pa..wala naman daw syang kamalay-malay noon at hindi nya naman daw namalayang sumakay ito



Nilagay nya ang binabasang dyaryo sa tabi ng upuan nya at tinanong ang lalaki



"Sir san po tayo?"tanong ni kuya nelson sa pasahero nya



"Ihatid mo 'ko sa sampaguita st..dyan sa eastwood" lalaki sa malalim na boses


Pinaandar na ni kuya nelson ang taxi..habang nasa byahe ay kinausap nya ito



"Dun po ba kayo nakatira sir?-" kuya nelson


"Oo." tipid na sagot ng lalaki


Ng nakarating sa mismong bahay ay dire-diretsong bumaba ang pasahero at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay na yun..naghintay pa sandali si kuya nelson dahil may nakalimutan ang lalaki



Ilang sandali pa ay lumabas ang katulong siguro ng bahay kaya nagtanong sya


"Ah miss,,.nasan ang amo mo?" Tanong ni kuya nelson doon sa kasambahay



Bigla raw kumunot ang noo ng katulong doon at nagtanong



"Anong amo?.si mam  po ba?..wala pa po sya di pa umuuwi bakit anong kaylangan nila?"


"Ibig kong sabihin yung amo mong lalaki..sumakay kasi sya sa taxi ko eh hindi pa nagbabayad." kuya nelson



Nahalata daw agad ni kuya nelson ang gulat sa muka ng kaharap


"Matagal na pong patay ang amo naming lalaki..nasunog po ang kotse nya at naiwan sya sa loob kaya hindi narin po sya nailigtas." Ani ng katulong


Naguguluhan naman si kuya dahil kanina lang ay sumakay pa ito sakanya



Umuwi nalang si kuya nelson..dahil sa nalaman nya sa katulong ay bigla syang nanlumo..multo nalang ba yung pasahero nya..?!



At dahil na-curious noon si kuya nelson ay nag-imbestiga sya..nalaman nyang ang taxi palang nabili nya ay ang kotseng pagmamay-ari ng lalaki na mismong namatay sa loob at ng naging pasahero nya kani-kanina lang..

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon