Not so horror story

1.1K 24 1
                                    


A/N:,hindi ko alam kung nakakatakot itong next entry ko pero try ko parin,,


*********************************

(Mario's POV)

Nakatayo ako,,sa harap ng isang medyo may kalumaan pero maganda at simpleng bahay,,kakalipat ko lang dahil sa kadahilanang trabaho ay malapit dito



"Oh iho anong kaylangan mo?!",,nawala sa bahay ang atensyon ko kundi sa ginang na nagsalita sa aking harap,tantya ko nasa early 60's na sya,nakangiti at mababakas ang kabaitan sa kulubot nyang anyo



"Ako po yung naka-reserve na lilipat sa bahay!",magalang na sagot ko sabay turo sa kaharap kong bahay,,tumango naman sya




"Ako nga pala si nida,,ang may ari ng bahay na uupahan mo,halika pasok ka at kanina pa kita hinihintay,,",aniya kaya sumunod ako,,pagpasok sa loob ay maganda nga pero madilim pa,,maaraw pa naman kaya maliwanag rin sa loob pero walang bumbilya sa itaas



Umupo kami sa isang kahoy na upuan



"Kapag may kaylangan ka o gustong itanong ay magsabi ka lang sakin ha?yung bahay ko e katabi lang nitong bahay mo,,libre na kuryente at tubig,",


"Ah manang bakit po mura ata?alam nyo po kasi imposibleng magpapaupa sa murang halaga kung walang problema,kundi po sira ang bahay e pinamumugaran naman ng mga mul--



"Walang probema dito iho,,ako na ang nagsasabi sayo,paano aalis na ko at baka hinahanap na ko nung dalaga kong anak,,!",tuloy-tuloy na syang lumabas kaya hindi ko narin sya nakausap,,iba kasi ang pakiramdam ko e


Nung unang gabi ay wala akong naging problema sa bahay at akala ko magiging maganda ang kahihinatnan ko roon,,pero nagkamali ako



Habang kumakain ako mag-isa sa sala ay bigla akong nakaamoy ng masangsang na parang nabubulok na patay,,sa sobrang pandidiri ay nagpunta ako sa lababo at nasuka ng tuluyan,,nanghihina akong nagbalik sa upuan ko at hindi na tinapos ang kinakain dahil sa naaamoy ko parin yung nabubulok na patay,,hindi ko maintindihan pero naging uneasy ako



Ng sumapit ang umaga ay naghalungkat ako sa basurahan sa labas,,naabutan ako ng may ari sa ganung lagay



"Oh mario anong ginagawa mo dyan?",takang tanong nito


"Ah naghahanap po kasi ako ng patay na daga dito sa basurahan,!",ani ko na hindi na sya nakuhang tignan



"Anong gagawin mo sa patay na daga?"


"E kasi po ililibing ko nalang,,masyado po kasing sumisingaw ang amoy nila lalo na sa gabi,,hindi po ako makakain saka makatulog sa sobrang baho!"



Natahimik kaya nag-angat ako ng tingin,ang mas weird e iniwan nya ko ng walang pasabi,,


Habang padaan ng padaan ang mga araw at gabi ng panunuluyan ko roon ay mas lalo kong naaamoy ang mabahong amoy,,suka narin ako ng suka,,naghanap na ko sa basurahan o sa paligid ng bahay,sa kasuluk-sulukan ay wala naman akong nakitang kahit ano na magdudulot ng mabahong amoy


***********************


"Aling nida,,tao po!",,


Nagpunta ako sa bahay ni aling nida na katabi lang nitong akin dahil magbabayad na ko ng upa sakanya,,kanina ko pa kasi sya hinihintay pero antagal naman kaya ako na ang kusang pumunta



Nagbukas ang screendoor at bumungad ang antok na antok na muka ni aling nida,,maitim ang paligid ng mata at gulu-gulo ang buhok

"Ah-eh,aling nid--


"Pasok ka iho,,!",matamlay nyang sabi saka na naglakad sa loob kaya tumuloy nalang din ako,,nakita kong maganda rin pala dito sa bahay nya,,naglapag sya sa kaharap kong mesa ng isang tasang kape



"Iho pasensya ka na,,napuyat ako,yung dalaga ko kasing anak hindi rin makatulog,,sinamahan ko sya!",,ah kaya pala indikasyon ng itsura nya,tumango ako at akmang ibibigay sakanya ang pera ng tumayo sya


"Sandali lang at iihi ako,hintayin mo ako!",sa ikatlong pagkakataon,,iniwan nanaman nya ko mag-isa,,

BLAG

BLAG

BLAG

(*lady sobs*)

Nagulat ako dahil sa kalabog na nanggagaling sa second floor nitong bahay,parang may naglalakad ng padabog na may kasamang pag-iyak ng babae,,naisip ko agad yung sinasabi ni aling nida na anak nyang dalaga,



Dala ng kuryosidad ay napaakyat ako sa hagdan,,hindi ko alam pero parang may sariling buhay ang mga paa ko,,nasa ikaapat na palapag palang at malapit na sa pinakataas ay bigla nanaman akong napatakip sa ilong,,humahangin at kasabay nun ay ang masangsang na amoy na ilang gabing hindi nagpapatulog sakin ng maayos

Nahinto ako sa isang kwarto pangatlo sa hagdan,,pinihit ko ang doorknob at nagulat na hindi ito naka-lock,,dahan-dahan kong binuksan..maaga pa naman pero nakakatakot na lalo na't mahangin sa bintana ng hallway at ang nakakakilabot na tunog ng bisagra,,


Mas lalong umalingasaw ang baho pero tinakpan ko ang ilong,,halos mangilabot ako sa nakita at pakiramdam ko'y napakalamig kahit summer



Nakahiga sa isang kama ang agnas na katawan,,ang daming uod na yung iba e nasa dingding tapos pababa sa kama,,napakabaho nya at nakakasulasok,,sobrang nakakadiri at parang babaligtad nanaman ang sikmura ko




"Oh iho,,natutulog pa ang anak ko,,bakit ka naman umakyat dito?!",,nilingon ko sa likod ko si aling nida na natatawa pa,,mabilis pa sa alas-kwatro akong bumaba at umalis ng bahay nya,,umaalingasaw parin sa kwarto ko ang baho nung bangkay at maisip palang yung itsura ay hindi ko na ata malulunok ang alinmang pagkain



Bandang huli ay nag-alsa balutan ako at agad na umalis doon,,kaya pala sabi sakin ng isang nadaanan kong babae dati nung palipat palang ako na wala raw nagtatagal kay aling nida ay alam ko na ang dahilan



May sayad ang taong yon..naatim nyang pabulukin ang katawan ng anak nya,,kung buti sana ay sya lang ang napepeste ng bangkay,,kaya siguro hindi matahimik yung kaluluwa ng anak nya at nanatiling nasa itaas lang ng bahay nila,,nagdadabog at umiiyak

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon