Chain Message

3.7K 76 0
                                    

Meron akong cellphone na talaga namang napakaganda at yun ang matagal ko ng pinapangarap dahil sa bagong brand ito

Noong graduation ko pa kasi niregalo sakin ng papa ko kasama na ang simcard..

Pero dahil din doon ay naging mitya ng muntikan ko ng pagkamatay...

Nangyari ito last year pa...bakasyon noon kaya lagi kong hawak-hawak ang cellphone ko na parang hindi ko na gustong bitawan ito..

Gabi na ng humiga ako sa kama ko para sana matulog ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko..pupungas-pungas pa 'ko habang kinukuha ang phone sa sidetable..

Pilit kong dinilat ang mata ko para basahin ang message..

#094089*****.
Ako si aryanna at namatay ako ngayong gabi..basahin mo 'to at ipasa sa 20 katao ngayon din..kapag pinasa mo 'to sa 20 katao ay maliligtas ka pero kapag binalewala mo ito ay mamamatay ka at dadalawin kita sa pagtulog at hindi kita titigilan..

Nagtaka lang ako dahil unknown ang numero at wala sya sa phonebooks ko..saka hindi ko naman kilala ang aryanna na yun..

Kaya imbis na pansinin ay padabog ko nalang iyong binalik sa sidetable..

'Tss.!istorbo..hindi naman yan totoo..!'---nasabi ko nalang saka na bumalik sa mahimbing na pagtulog..

Kinabukasan ay gumising ako na parang masama ang pakiramdam..bumaba na 'ko para mag-almusal at naabutan ko sila mama na kumakain..

'Honey are you okay?!..maputla ka..!---si mama

Ngumiti ako ng pilit kahit deep inside parang may abnormalities sa pakiramdam ko..

'Wala po..napuyat lang ako sa kakatingin sa bago 'kong phone..'--pagsisinungaling ko na agad naman nilang sinang-ayunan

'Iha..wag ka masyadong nagpupuyat dahil masama yan'---si papa habang nagbabasa ng dyaryo..tumango nalang ako at nagsimula ng kumain

Habang nasa terrace ako ay nag-vibrate nanaman ang phone kaya tinignan ko kung sino ang nag-message..kumunot ang noo ko..

#094089*****.
Mukang hindi mo sinunod ang tinext ko sayo kagabi..pwes..!paniniwalain kita sa chain message..

Medyo naguluhan ako sa nag-text..natandaan ko rin na yung number na 'to ang nag-text sakin kagabi..para malaman ay nag-reply ako..

Sino ka ba?kilala mo ba 'ko?..kung gusto mo lang manakot at mag-prank..sorry pero hindi kita papatulan sa kalokohan mong 'yan..iba nalang ang pestehin mo..

Pagka-send ay nilagay ko na sa bulsa ko ang phone,.hindi naman sya nag-reply kaya napangiti ako..baka natakot sya sa sinabi ko sa text...!

Kinagabihan ay hindi ako makatulog..kahit anong pilit ko ay hindi ako madalaw ng antok..umupo nalang ako sa kama..madilim sa paligid dahil pinapatay ko talaga ang ilaw ko bago matulog..tanging ilaw lang na nanggagaling sa buwan ang tanglaw ko..

Nilibot ko ang paningin hanggang sa mahagilap ng mga mata ko ang isang babae..nakatayo sya sa sulok sa paanan ng kama ko..kunot ang noo ko dahil hindi ko matanaw ang itsura nya..

'Mama?!..ikaw po ba yan?..yaya..?'---ako.

Nagulat ako ng bigla nya 'kong dakmain kaya malakas akong napahiga..nakaibabaw sya sakin..hindi ko malaman ang gagawin ko..

'Hindi ba't sinabi ko naman sayong hindi kita titigilan dahil hindi mo sinunod ang nasa chain message..papatayin kittaaaa...'--pagkasabi noon ay sinakal nya ko..halos hirap akong makahinga..pilit kong sinisigaw ang pangalan nila mama..

Ng matitigan kong mabuti ang muka ng babae ay halos mapatili ako sa takot..puro putik ang muka nya..namumula ang mga mata at basag ang kalahati ng muka..marumi rin ang suot nyang mahabang damit..

'Tulonngggg...!mama papaaaaaa....!!!...'''----halos pakiramdam ko'y katapusan ko na ng biglang bumukas ang ilaw at dali-dali akong pinuntahan at niyakap nila mama..inalo nila ako..

Halos mangiyak-ngiyak na ko sa takot..nanginginig parin ang buong katawan ko..nagpalinga ako at wala na ang babae..

'Honey are you okay?!naririnig ka naming sumisigaw..?'---papa

'Sam ikuha mo muna sya ng gamot..yaya ikuha mo kami ng tubig..'---pagkasabi ni mama ay sabay na umalis sila papa at yaya..

Yakap parin ako ni mama..pakiramdam ko'y ligtas na 'ko..

'Mama..natatakot po ako..'----ako

'Ikaw naman kasi..hindi ka manlang marunong sumunod!'---nag-taka ako sa sinabi ni mama..tinignan ko sya...halos mapatili ako sa takot dahil nag-iba ang muka ni mama..

'Ikaw naman kasi..hindi mo sinunod yung chain message na pinasa ko sayo..!!...----mama

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon