"Ate ate may tao sa hagdan..!!"
Yan ang laging sinasabi ng limang taong gulang na si elvin sa ate nyang si emma..lagi namang tumitingin sa hagdan si emma pero wala naman syang nakikita
"Elvin ano ba?!!itigil mo na nga yang kakasabi mo ng ganyan..!lagi mo nalang sinasabing ate,,ate may tao sa hagdan pero samantalang wala naman akong nakikita bukod sa luma at sinasapot pa na hagdan."-iritang turan ni emma sa kapatid
"Pero ate totoo naman po talaga eh may tao po talaga sa hagdan.!!lagi nga po syang nakatingin sayo eh." sabi ni elvin
Sya namang takot ni emma pero hindi nya pinahalata
"Wag ka ngang mananakot ng ganyan bata ka!!pag-ako nainis itatali kita sa hagdan para makasama mo yung taong nakikita mo palagi" -sabi ni emma sabay upo sa sofa at nag-simula nang manood ng tv
Hindi naman makapag-pokus si emma sa pinapanood..maya't-maya ang lingon at tingin nya sa hagdan..wala na si elvin roon at nasa kwarto na nito para matulog
Luma na kasi ang bahay nila na minana pa sa kalolo-lolohan nila..panahon pa raw ng mga hapon ay nandoon na ang bahay wala naman ang mama't papa nya dahil nasa ibang bansa at mga katulong lang ang kasama nila
Nakakaramdam rin sya ng takot kapag nakatingin sya sa hagdanang 'yun
Isang araw ay nakita nya si elvin na umiiyak sa labas ng gate..agad naman syang pumasok para aluin ang kapatid
"Elvin bakit?bakit ka umiiyak?..may umaway ba sayo?"
Umangat ang muka ni elvin na basa na ng luha..yumakap sya kay emma
"Ate yung taong lagi kong nakikita sa hagdan..nasa ikalimang palapag na sya ate papunta na sya sa kwarto natin..naatakot ako sa muka nya ate."umiiyak na sumbong ni elvin
Halos maawa at matakot si emma sa mga pinagsasabi ng kapatid..hindi naman gumaganito si elvin kung wala talaga itong nakikita
Isang gabi ay bumaba si emma para uminom ng tubig ng nasa kusina sya ay nakita nya si elvin na nakatayo lang sa hagdan..tanaw kasi sa kusina ang hagdan
Nilapitan nya ito..
"Bakit elvin.?naiihi ka ba?nauuhaw.?"
Dumiretso lang si elvin sa banyo..umupo muna sandali sa sofa si emma para hintayin ang paglabas sa banyo ng kapatid at para sabay na silang pumanhik sa itaas
Nagtaka si emma dahil ilang minuto na ang nakalipas ay wala paring elvin na lumalabas.
Pupuntahan na sana nya ang kapatid sa banyo ng bigla syang napahinto..nanlalaki ang mga matang tumingin sya sa hagdan
"Ate nauuhaw ako..saan ka ba pupunta?!" sabi ni elvin habang pupungas-pungas pang nakatayo sa hagdan at nakatingin sakanya
BINABASA MO ANG
Horror Files
HorrorBuklatin at basahin ang iba't-ibang kwentong magpapakilabot sayo at sa katabi mong hindi mo nakikita