jeepney ride

2.8K 75 13
                                    

Kung sasakay kayo ng jeep ay siguraduhin nyo munang hindi kayo ang nag-iisang pasahero..





******************

Isa akong college student sa isang simpleng college school..pero araw-araw akong nag-cocommute papunta o pauwi sa paaralan



Isang gabi ng ako'y pauwi..nilakad ko ang way papunta sa terminal ng jeep..medyo na-late na 'ko sa pag-uwi dahil marami pa 'kong tinapos na report saka requirements para sa darating na graduations..oo dahil gagraduate na 'ko kaya hindi talaga ko madalas magpa-gabi dahil narin wala ng jeep na dadaan ng ganitong oras at swerte ka nalang kung may dadaan pa




Sa malayo pa lamang ay may dalawang ilaw akong natatanaw at napangiti ako..alam kong isa yung sasakyan..



Sa malapitan ay mas napangiti pa 'ko..isa itong jeep pero wala ng masyadong pasahero kundi ako nalang kung sakali




"Miss..sumakay ka na para magkapasahero naman ako!"sabi sakin ng driver..kaya walang pag-aalinlangang sumakay ako



Ng nasa kalagitnaan kami ng kalsada ay bigla nyang iniba ang ruta..kinabahan ako dahil hindi ito ang ruta o daan pauwi sa lugar namin





Bglang pumasok sa isip ko ang mga kwento-kwento tungkol sa isang pasaherong walang ulo ng makita ng driver sa rearview mirror nito kaya iniba nya ang ruta para makaiwas sila sa aksidenteng pwedeng mangyari..



Habang binabagtas namin ang kalsadang hindi na talaga pamilyar sakin ay nagtanong na 'ko.



"Kuya..b-bakit nyo po ba iniiba ang ruta?.n-nakita nyo po ba 'kong walang ulo sa salamin nyo..?!"kinakabahan kong tanong dahil nagsisimula ng magtaasan lahat ng balahibo ko



Nakakunot-noong nilingon ako ng driver..kaya mas lalo akong kinabahan



Pero sa sinabi nya ay natulala ako.:



"Sira..!anong walang ulo pinagsasabi mo..kaya ko iniba ang ruta ay dahil may mga pulis na nag-checheckpoint roon sa kalsadang dadaanan sana natin..wala kaya akong lisensya dahil hindi ko pa natutubos at baka hulihin ako.,anong pinagsasabi mong walang ulo..kayo talagang mga kabataan ang lalawak ng imagination nya..grabe di ko mareach..!!"---Sabi ni manong driver






***************************************************************


A/N: merry christmas sainyo mga readers..(in advance)

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon