Sumpa ng Pag-ibig

242 1 0
                                    

I have this one friend.let's call him Al.napakabait na tao at hindi madamot until nakilala nya si Denise


Nagkayayaan kaming magbabarkada na mag-inuman.yung isa sa mga barkada naming si Danna dinala itong si Denise na kapatid nya.since katabi ko si Al sa upuan eh binulungan nya 'ko


"Ang ganda nung kapatid ni danna noh?" Tumango lang ako



"Hindi mo sinabi samin na may maganda ka palang kapatid danna.bakit ngayon mo lang dinala rito?" Yun si al na naman yung nagsasalita.sila danna tumatawa lang.tapos ng mga nakalipas na oras pansin ko nalang na malagkit sya kung tumingin dun sa kapatid ni danna pero dahil busy ako sa paglamon  ng pulutan eh hindi ko nalang pinansin



Nung lumipas yung umaga.pumunta si Al sa bahay namin.umiiyak sya.ng tinanong ko kung bakit sabi raw nya dahil kay Denise,nung pagkatapos ng inuman namin na sila lang naman ang umubos ng alak eh naglakas loob raw syang kausapin si denise.tinanong kung pwede raw ba syang manligaw.itong si denise may boypren na pala kaya binasted sya.nung nagpipilit si al syempre lasing kaya medyo makulit.nagalit si denise sakanya tapos sinampal pa raw sya



Ng mga sumunod na linggo hindi na kami gaanong nagkita dahil abala sa school,pero ng maisipan kong puntahan si al sa bahay nila nanduon sya.pinapasok ako since wala raw parents nya at may nilakad




Napansin ko sakanya,mabaho sya,parang hindi na naliligo,messy hair pa sya na parang walang suklay na words sakanya.tapos kalahati ng portion ng bahay nila madilim.pinapasok nya ko sa kwarto nya kasi raw may ipapakita sya sakin na pinag-aralan pa raw nya




Nung pagpasok ko nagulat ako.kalalaki kong tao pero kinabahan ako.sa kwarto nya kasi madilim,tanging kandila lang ilaw tapos color black pa.merong manika tapos batya na maliit at kung anu-anong karayom na iba't-ibang laki


"Al ano 'yan? Bakit may ganyan ka dito?"



"Brad ito ang mga gagamitin ko para makaganti kay denise!"sabi nya habang tumatawa pa..natakot ako kay al kasi parang ibang tao na yung kaharap ko.parang nakita ko in flesh yung demonyo.



"Al tigilan mo 'yan.hindi ka naman ganyan ah! Hindi ikaw 'to brad.masama 'yang gagawin mo!" Nagalit ako sakanya kasi may ideya na talaga ako kung anong gagawin nya..kukulamin nya si denise



"Natutunan ko 'to sa albularyo.nagbayad pa nga ko ng malaki eh,tignan mo pre manood ka!" Sabi nya and i tried all my best para pahintuin sya sa gagawin.pero nakakagulat kasi ang lakas nya,nung magsusuntukan na kami tumalsik ako sa dingding.sa sobrang takot ko napatakbo ako palabas.hindi ko na alam kung paano basta nakaalis agad ako sa bahay nila



Nung mga sumunod na raw nanahimik ako pero inusig din ako ng konsensya..naisipan ko ring pumunta sa bahay nila danna kahit may kalayuan para sana magbabala.pagpunta ko dun mama lang nya naabutan ko.umiiyak habang nagpupunas ng sahig.pansin kong may mga bulati at salagubang sa sahig na nagkalat


"Tita sila danna po?!"


"Nanduon sa albularyo,sinamahan nya kapatid nya kasi hinala namin baka kinulam.nagsuka si denise kanina ng bulati,kahapon nagsuka sya ng ipis.tapos may tumutubong malalaking butlig na puro tubig sa katawan nya!"  Tinanong ko kung saan banda yung albularyong pinuntahan nila.agad na kong nagpunta roon at nakumpirmang nanduon nga sila danna


Awang-awa ako ng makita si denise.sobra syang namayat tapos nag-dry ang balat.si danna umiiyak na



"Nakulam ang kapatid mo.matinding galit ang dahilan.yun ang hinala ko!" Sabi ng albularyo.sumabat ako


"Danna si Al ang kumulam sa kapatid mo.nagkagusto sya kay denise pero nabasted nya kaya ganyan ginawa nya"



Nagalit si danna.bakit daw sa dami ng gagawa si Al pa.noon din sinabi nyang dapat daw ibalik kay Al yung ginawa nga kay Denise.nag-alala ako pero wala akong magawa



Noon din pumayag ang albularyo at gumawa ng ilang ritwal.sabi nya hindi pa raw ganun kagaling at eksperto yung nangkukulam kaya magagawan pa raw ng paraan


Ng matapos sa ginagawa may binigay na pangontra kay denise.sabi ng albularyo makalipas lang daw ang dalawang araw babalik na sa dati si denise.naibalik raw kay Al ang pangungulam



Makalipas ang apat na araw dumalaw ako kila danna.magaling na si denise tapos balik na sa dati.noon din naisipan kong dalawin si Al dahil wala narin kaming balita sakanya



Napaiyak ako nung sa palabas palang ng eskinita papunta kila Al may mga naglalamay.sa itaas nakita ko yung banner indikasyon na patay na si Al.lumapit ako sa nanay nya na umiiyak at nagtanong



"Ano pong kinamatay ni Al?"


"Hindi na kumakain,hindi na nga lumalabas ng kwarto nya,nakita nalang nung kapatid nya ng pasukin yung kwarto nya na naaagnas at maraming bukol sa katawan,nilalangaw at namamaho.may mga maliliit na bulate narin ang lumalabas sa tenga't mata nya."



Noon ko lang din naisip yung kulam na ginawa nya kay denise.bumalik sakanya dahil wala pa sya gaanong lakas kumpara sa ekspertong albularyong nilapitan nila danna




Mahal ko ang barkada naming yun pero hindi ko rin ito-tolerate ang anumang masamang gagawin ng isa sakanila.hindi kami dapat umasal demonyo ng dahil lang sa pagkahumaling sa pag-ibig

Horror FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon