Habang naghahalungkat ng mga lumang gamit si carmina sa kanilang attic ay may nahulog sa paanan nya..agad nya itong tinignan at halos mapakunot ang noo ng makita ang lumang maliit na notebook..dinampot nya iyon at isa-isang binuklat ang mga pahina
Napangiti sya ng makitang puro iyon cellphone number ng mga naging kaibigan nya noong highschool days palamang nya..hindi nya pa pala naitatapon ang notebook na iyon
Nawala ang ngiti nya ng madako ang mga paningin sa iisang cellphone number na naroon..number ito ng kanyang bestfriend na si aya..saglit pa nyang tinitigan ito at kahit alam nyang imposible syang sagutin nito ay sinubukan nyang tawagan..kinuha nya ang kanyang cellphone sa bulsa saka dinial ang numero..ilang ring pa bago may sumagot
"Hello.?!carmina?"..halos mapaluha si carmina ng marinig ang boses sa kabilang linya..sumagot nga roon si aya..
"H-hello.!aya!"..halos magkandautal si carmina at hindi alam ang gagawin..sinagot ng bestfriend nya ang tawag kahit alam pang matagal na ang numero nito
"Kamusta ka na carmina?.bakit ngayon ka lang tumawag?..bakit ngayon lang?!si james.bakit hindi nya 'ko tinatawagan?"..sunod-sunod na tanong ng babae sa kabilang linya
Maluha-luha si carmina habang pinapakinggan ang boses ng bestfriend nya..
"Carmina ano ba?!sagutin moko..bakit ngayon ka lang tumawag?si james..bakit hindi pa sya nagpaparamdam?"..pag-uulit ng babae
Huminga muna ng malalim si carmina..kahit takot na takot ay sinubukan nyang kausapin ang babae
"Si-si james..coma parin sya hanggang ngayon..hindi mo ba talaga natatandaan ang lahat aya?!magkasama kayo noon dahil magtatanan na sana kayo..kaya lang nabangga ang sinasakyan nyong ko--
"Ano?!.carmina bakit kaylangan mong mag-imbento ng kwento.?!bakit ba kasi ngayon ka lang tumawag?saka si james bakit hindi na sya nagpaparamdam?"..iba na ang tono ni aya
Sa sobrang takot at pinaghalu-halong emosyon ay hindi na kinaya ni carmina
"DIBA SABI KO SAYO..COMATOSE PARIN SI JAMES.ILANG TAON NA ANG NAKAKARAAN..KASI PATAY KA NA AYA..MATAGAL KA NG PATAY..!"
namatay bigla ang tawag..imposibe man pero sinubukan ni carmina na tawagan ulit ang bestfriend..pero wala na syang ibang naririnig sa kabilang linya..
Kundi.."TOOT..TOOT..TOOT!"
-------------***--------------
A/N:..not originally..:3
BINABASA MO ANG
Horror Files
HorrorBuklatin at basahin ang iba't-ibang kwentong magpapakilabot sayo at sa katabi mong hindi mo nakikita