Meron kaming matandang kapitbahay dati,sya si lolo luisito o mas kilala bilang lolo sito,namatay sya dahil sa sakit na hindi ko alam kung anong tawag pero malalaman mo naman agad yun kapag tinignan mo sya.yung likod nya is baluktot kaya para syang kuba,yung mga binti nya twisted na pati mga braso nya.ang sabi ni mama meron daw syang sakit kung saan madaling mabaluktot ang mga buto nito at mabilis mabale
Nung mga unang araw ng lamay kay lolo sito ay wala namang kakaiba until yung nangyari sa apo nya.doon kasi samin merong tulay na puro kahoy,sa ilalim noon ay mababaw na kanal,
Gabi na nung nakauwi si joan galing sa paglalaro,ng dumaan raw sya sa tulay ay may nagsisitsit sakanya,paglingon daw nya sa ibaba nandoon si lolo sito.madilim kaya hindi nya matanaw kung bakit naroon ang lolo nya,eh si joan apat na taong gulang kaya walang kaide-ideyang patay na lolo nya,edi syempre huminto sya sa tulay tapos tinawag lolo nya
Yung pagkaka-describe ni joan is yung lolo daw nya habang papalapit sa tulay ay gumagapang,since mababaw lang yung kanal kitang-kita,mapaiyak si joan kasi raw natatakot sya sa itsura ng lolo nya,baluktot daw kasi buong katawan tapos puno ng putik dahil nga nasa kanal sya gumagapang,kwento samin ni tita annet nanay ni joan,nung umuwi yung bata sumisigaw habang umiiyak kasi raw nakita nito lolo nya.para raw gagamba na ambilis ng gapang
Yung huling kwento naman tungkol kay lolo sito is sa apo pa nyang si jeffrey na kuya ni joan,kakalibing lang daw nun ni lolo sito.yung mga nakipaglamay daw lahat nasa labas ng bahay kasi doon sila kumain saka naghuhugas ng mga kamay sa pinakuluang dahon ng bayabas bago pumasok ng kabahayan
Pumasok si jeffrey diretso sa kusina para uminom ng tubig,nagulat daw sya nung makarinig ng malakas na kalabog,kita raw nya yung kaldero nasa sahig na.akma nyang kukunin yung kaldero ng makaaninag ng nakatayo,lumaki yung mata nya kasi kitang-kita nya si lolo sito na nakatayo sa pintuan ng banyo,bigla raw gumapang patakbo sakanya,para raw nyang nakita si mama yung sa horror movies.nagsisigaw sya nung lumabas at iyak ng iyak,kwento ni tita annet na naihi nga si jeffrey sa short dahil sa sobrang takot.kwento kasi ni jeffrey na sobrang pula daw ng mga mata ni lolo sito tapos parang gagamba yung itsura
BINABASA MO ANG
Horror Files
HorrorBuklatin at basahin ang iba't-ibang kwentong magpapakilabot sayo at sa katabi mong hindi mo nakikita