Ako si marian dimaano..lumaki ako sa lola ko kaya lola's girl kung tawagin
Si lola sita ay isa sa mga mababait kong lola..marami syang baong kwento samin ako raw ang pinaka-paboritong apo nya kaya mahal na mahal ko rin sya
Isang gabi habang nasa kwarto ay kaharap ko ang laptop..gumagawa ako ng thesis para maipasa ko kinabukasan ng may kumatok sa kwarto ko..nilapag ko muna sa kama ko ang laptop sabay bukas ng pintuan..
Si lola na nakangiti..pinapasok ko sya
"La,tuloy po kayo..upo po" aya ko saka sya inalalayan para makaupo..sumunod naman sya
"La,,ano po kasi..may kaylangan po akong thesis na tapusin kaya hindi ko po mapapakinggan ang kwento nyo pero kung gusto nyo pong panoorin ako ay okay lang naman po sakin."
"Apo kaylangan kitang kwentuhan ngayon dahil ito na ang huling kwentong babanggitin ko sayo wala na 'kong susunod na maikekwento sayo." Sabi nya
Tinimbang ko muna ang mga mangyayari..kaylangan kong tapusin ngayon ang thesis pero magtatampo naman sakin si lola kapag hindi ko pinakinggan ang kwento nya
Tumango ako saka ngumiti..
"Gan'to nalang po..habang ginagawa ko po 'to ay magkwento na po kayo maririnig ko naman po eh para sabay na."
"Sige apo." sya sabay ayos ng upo
"Sa isang bayan ay may mag-lola..mahal na mahal ng matanda ang kanyang apo at ganun din naman ang bata sakanyang lola..isang gabi ay pinasok sila ng mga magnanakaw dahil wala ang bata ay ang lola ang napag-diskitahan ng mga magnanakaw..pagkatapos manakawan ng mga gamit ay walang habas na pinatay nila ang matanda sinaksak nila ito sa likuran na syang sanhi ng pagkamatay ng lola"
Natigil ako sa pagta-type sa computer at nagtatakang napatingin kay lola
"What's with you la?.parang ang creepy naman ata ng kwento nyo ngayong gabi?.diba puro fairytales ang madalas nyong ikwento?"
Ngumiti lang sya sakin..
"Halloween na iha..ito lang ang gusto kong kwento sa lahat diba nga sabi ko ay ito na ang huling kwento ko sayo dahil halloween." Aniya
Naweweirduhan ako sakanya..ano kayang nangyayari dito kay lola.?!.inatake nanaman siguro ng alzheimers nya
"So balik po tayo sa kwento nyo kanina..ano pong nangyari dun sa apo..?" ako habang nagta-type sa laptop
"Umiyak ng umiyak ang apo..gulat na gulat sya sa sinapit ng lola nya nakita nya itong nakahandusay na may tatlong kutsilyong nakatarak sa likod nito..kawawang matanda." lola na umiiling pa..medyo naawa rin ako sa kwento nya dun sa apo
"Ay nakalimutan ko..buti naalala ko agad marian apo iinom pa pala 'ko ng gamot sige ituloy mo na 'yang ginagawa mo." si lola sabay tayo
Nilingon ko sya sabay ngiti..
"Kayo talaga lola..wag nyo pong kakalimutan ang gamot nyo." ako habang nakatingin parin sakanya
"Sige apo alis na 'ko..gabi narin."sya sabay labas at sara ng pinto ng kwarto ko
Bumalik ang tingin ko sa laptop..teka..!!
May mali rito...!!
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa pinto kung saan lumabas si lola kanina..halos malaglag ang laptop na hawak ko
Tumutunog ang doorknob na parang gustong buksan
Si lola..pagtalikod nya sakin kanina para lumabas ng kwarto ko ay may tatlong kutsilyong nakatarak sa likuran nya at panay sa pagtulo ng dugo ng damit nya
Ng marealize ay tuluyan na 'kong napasigaw ng pagkalakas-lakas..
BINABASA MO ANG
Horror Files
TerrorBuklatin at basahin ang iba't-ibang kwentong magpapakilabot sayo at sa katabi mong hindi mo nakikita