NEW DIALOGUE FORMAT
...
Previously...
Joven: Alam kong may bumabagabag pa rin sa iyo Y/n. Pabulong nitong saad na nagpa hinto naman sakin. Nginitian ko na lamang siya at sinabihan siyang huwag na siyang mabahala gawi upang siya'y magbuntong hininga.
Dahil sa sinaad niya ay napa isip nanaman ako. Tama siya, binabagabag pa rin ako ng aking isipan. Ang nangyayari sa San Fabian, lalo na si Miguel at ang pag patay sa kaniyang mga magulang. Wala lahat ito sa istorya patungkol sa buhay ng mag asawang Del Pilar. Hindi ito nabanggit ng Nanang Amanda. Ito kaya ang sinasabi niyang totoong istorya ng mag asawa? Ngunit parang nakaka pangamba.
...
Octubre 1899
Habían pasado tres días
A la una ng madaling araw
Y/n's POV
Nagising na lamang ako sa aking mahimbing na pagkatulog nang may narinig akong humahagulgol. Ako'y tatayo na sana nang maalala kong nasa tabi ko pala si Miguel at wala sa kaniyang cuarto. He left his room at exactly 10:00 P.M. because of a nightmare and went straight to my room.
I sighed and caressed his hair, pulling the blanket up to his chest, and left the bed to see what was going on. Pagkalabas ko ng aking silid ay mas lumakas ang tunog na nagpagising sa akin. Kumunot ang aking noo dahil ang akala ko'y sa silid ni Kuya Vicente nanggagaling ang tunog, at baka napano na naman ang kaniyang mga sugat na pagaling pa lamang.
I went straight to the end of the hallway and stopped right in front of Goyo's room, at dito ko nga nakumpirma ang tunog. Binuksan ko nang marahan ang kaniyang pinto. Nang pumasok ako, sumikip ang aking dibdib sa nakita kong pigura ni Goyo. Siya'y nakapikit, ngunit halatang nababagabag ang kaniyang isipan ng bangungot. Nakakunot ang kaniyang noo at bumubuhos ang kaniyang luha habang hawak-hawak niya nang mahigpit ang kaniyang kumot. Malakas din ang kaniyang hagulgol.
I sat in the chair beside his bed, punong-puno ng pag-aalala, at saka hinaplos ang kaniyang buhok upang siya'y gisingin. "Goyo, goyo... parang awa mo na, gumising ka." Pilit kong paggigising.
"Dios mío, Goyo, gumising ka. Heneral!" Napalakas ang aking boses at sabay dito ang biglang pagbangon ni Goyo sa kama. Mabilis ang kaniyang paghinga at mulat na mulat ang kaniyang mga mata habang patuloy pa rin ang kaniyang pagluha. "Sandali at kukuha ako ng tubig na iyong maiinom." Dali-dali kong saad, at tatayo na sana, ngunit bigla niya akong hinila.
"Huwag... hu-- dito ka lamang, Remedios." Saad ni Goyo, basag ang kaniyang boses sa kaiiyak. Umupo ako sa kama at saka muling hinaplos ang kaniyang buhok. Madalang lamang maglabas ng emosyon ang heneral, gayon na lamang siguro kabigat ang nasa kaniyang isipan.
He laid his head on my lap, and I let him. Kuya Vicente be damned.
Goyo's so quiet at mas lalo pa akong nag-alala. Tumigil na ang kaniyang pagtangis at siya'y nakatitig lamang sa akin. "Ako'y nag-aalala, Goyo." He made a noise at the back of his throat, a sign that he was not ready to talk. "Ako'y nandirito lamang; hihintayin ko hangga't handa ka na." Saad ko muli at saka pinunas ang mga luha sa kaniyang pisngi.
Ilang minuto rin namuo ang katahimikan sa aming dalawa nang narinig naming may pasimpleng umubo sa pintuan ni Goyo. Napatingin kami roon at nakita an Kuya Vicente, nakataas an kilay, nakasandal sa pader at hawak-hawak ang pagaling niyang sugat sa tiyan. Agad na umupo si Goyo sa kama nang makita ang kuya.
YOU ARE READING
History
Tarihi KurguA Young lady from the present was sent to the past, finding out the real story about the del Pilar pair's History. Y/n Ingrid Enriquez, Apo ni Col. Vicente Enriquez. Magagawa niya kaya and kaisa-isang bilin sa kaniya? Ang bilin na makapagdedesisyon...
