Baekhyun's Pov
Nagkakagulantang yung mga pinag sasabi ni Kai kay Kyungsoo--- err---D.O
Ano bang sinasabi niya. Nawawala na ba siya sa sarili niya?
Ni Isa samin ay hindi nakapagsalita. Halos marinig na namin yung bawat abnormal na paghinga ng lahat.
*PAKK*
bigla na lang sinampal ni Kyung si Kai. Kaya napatigil din ng saglit ang paghinga namin. Haha
"Haha, s-sorry hehehe I-Ikaw, nagpapractice ka na naman ng acting mo. In fairness, lalo kang gumaling hahaha" awkward na sagot ni Kyungsoo
"Ah?! Practice? A-acting?!----- ah? Hahaha oo, t-tama nagpapractice nga ako. He-he-he" pabalik naman na sagot ni Kai.
Teka, oo galit ako kay Kai dahil sa ginawa niya kay Kyung. Pero nafeel ko na nag aalala talaga siya kay Kyung. At pati yung mga sinabi niya, malamang totoo. Kita sa mukha niya yung pag nagulat sa sinabi niya at pati na yung mata niya nagpakita ng malungot na aura, dahil siguro nasaktan siya ng akalain ni Kyungsoo na nag acting lang siya.
Matinding katahimikan na naman ang bumalot sa amin.
"Teka!!? Hoi mga baliw!! Bakit nga pala kayo andito?!" Tanong ko kanila Tenga
"Ah, eh ayaw niyo kaming pasamahin, kaya sinundan na lang namin kayo" kalmadong sagot nitong higanteng daga na ito
"Lay! Dapat di na lang kayo pumunta dito. Alam mo naman di ba?" Rinig kong bulong ni Suho kay Lay
"Eh nakalimutan ko kasing dito pala kayo papunta kaya naki-join ako sa kanila. Eh saka ko lang na-realize na papunta nga pala kayo sa bahay na to nung nasa tapat na kami. Sorry babe. Sorry Kyung" bulong na sagot ni Lay at hinalikan si Suho sa pisnge.
"Tsk! Umalis na nga kayo guyseu. Makakaabala kayo sa gagawin namin" sigaw ni Usa. Haha sasabog na sa inis to. Nafifeel ko na. Hahah konting konti na lang.
"D.O, heheh. Kakapalan ko na yung mukha ko. since nandito na naman kami. Pwede bang makisali na kami sa kung ano man ang gagawin niyo ngayon?! Hehe" sabi lang naman ng putanginang si Oh Sehun. Lintek, mahabang na nga baba, makapal pa mukha. Hahah jooooke
"Ah, s-sige. Andito na kayo rh. Alangan namang palayasin ko pa kayo? Hahah" sagot ni Kyung na tila kinakabahan. Dahil 11 na at ano mang oras ay pauwi na ang inaanak namin
"Sir D.O kumain na po muna kayo nito. Paluto na din naman po ang pang lunch niyo." Sabi nung mayordoma nila Kyungsoo kasama pang isang maid na may dalang tray. Inilapag yun sa table dito sa Salas nila Kyung.
Ang sosyal talaga nila. Well, sa amin naman kasi sosyal din. Pero mas sosyal dito dahil kung gaano kadami ang kwarto dito sa bahay nila ay ganun din kadami ang maids nila. Hiwalay pa dun yung driver, guard at Butler nila.
Putanginis, Super RK lang bruuuh.
Agad na kaming nag siupuan sa may couch para kumain.
Habang nilalantakan namin yung mga chips at cookies, ay nag bukas ng TV si Kyungsoo.
News.
Breaking news: korean model named D.O from US was spotted at **** mall yesterday at seoul. It wa---
Di pa nakakatapos ng pagsasalita yung reporter ay inilipat na ni Kyungsoo yung channel
"Bakit mo inilipat?!!!" Hysterical na tanong ni Kris.
"Shut up, eh sa gustong ilipat ni Kyung yung channel eh. Makapag reklamo. Bahay mo?!" Sita ni Tao sa kanya
"Sabi ko nga" sagot ni Kris at akmang tutungo dahil napahiya
"Oi putangina wag kang tutungo!! Baka mamatay ka!! Gago!!!" Sigaw ni Tao
"So nag aalala ka na pala para sa kin ngayon? Hehe " pang aasar ni Kris kaya namula si Tao. Bilang ganti ay binato siya ni Tao ng unan.
"Bakit ka lumabas kahapon?!" Sigaw ko kay Kyungsoo
"Duh?! I need to withdraw some cash. nabored ako, atsaka nakalimutan ko lang naman magsuot ng mask. Atsaka Malay ko ba na marerecognize ako ng iba" sagot ng kwagong bitch na ito na may kasamang irap.
"Gago Gago Gago, ikaw si D.O from US. Model turned to young actor tapos ganyan ka? Tangina ah? Edi 'kaw na peymus" sabi ko sa kanya habang nakangiti. Hahah asar na yan
t(•.•t) ---> kyungsoo
"So kung ganun nga, edi napaka sikat mo pala t-talaga kyu--D.O??? Edi a---"di pa nakakatapos si Kai ay may sumigaw kasabay nun ay ang marahang pag bubukas ng Butler ng pinto mula sa labas.
"Eomma, Taeoh ith Home na!!!!---" napatigil si Taeoh ng pag sasalita ng makita kami. "Oooh!! Ninang Baekkie, Ninang Lulu, Ninang Thuho, Ninang Thiumin and Ninang Tao ith here "
Agad niya kaming kiniss. At pumunta kay Kyungsoo at kiniss din ito. "Look, star!!" Sabi ni Taeoh kay Kyungsoo. Nginitian naman si Kyungsoo at sinabing very good si Taeoh. Pero halata sa kanya na kinakabahan na siya.
"Teka? Ninang?" Tanong ni Chen
"May problema ka bibe?!" Sigaw ni Xiumin. Tanga ng siopao na to. Akala siguro niay kinukwestyon ni Chen yung kasarian niya.
"Diba dapat ninong?" Tanong ni Chen. Ayy gago. Tanga din pala. Akala ko naman nag taka siya kung paano kami naging Ninang nung bata =_=
"Ninang Thuho, boypwend mo?" Tanong ni Taeoh kay Suho nakasandal kay Lay. Kaya tumango na lang siya
"Yaah, San mo natutunan yan?" Tanong ni Tao kay Taeoh. Pero nag kibit balikat lang ito at humagikgik.
"Baek, paano kayo naging ninang niyang bata?!" Tanong ni Chanyeol malaki tenga sakin. Tangina Tangina ano isasagot ko?!
"Ah eh kasi.. Ah?! Hehe" di ako makasagot ng ayos. Kaya napatingin ako sa mga kaibigan ko, pati na din kay Chanyeol at katropa niya na nag iintay ng sagot. Isang maling sagot ko lang, maaaring mabuking si Kyungsoo
"Ah kasi, kaibigan na malapit namin yung nanay ng bata na yan." Sagot ni Luhan, kaya tumango naman sila Chanyeol, Chen, Kai, Sehun at Kris.
"Hi I'm Taeoh. Wait, ninang Who are they?" Tanong ni Taeoh sakin habang itinuturo sila Chanyeol. Tignan mo itong batang to, magpapakilalala sa taong di kilala
"They are ou---" di tapos na sabi ko dahil sumagot si Tao. "Our dogs.. Hahah"
"They aren't dogth(dogs) *points at Chanyeol* he'th a giant daga. *points at Chen* a duck *lumapit kay Kris at Sehun* why are your chinth that thharp? (Chins that sharp?) *umalis tapos lumapit kay Kai* huh? He lookth like a *his eyes widened before he gasped* Appa??"
Jusko Taeoh?!?! Ano ba ang sinasabi nitong batang to. Waaah. Puta kambal nga pala yung dalawa. Napatingin kami kay Kyungsoo.
"Taeoh, that's not your appa." Bulong ni Tao, na pinaniwalaan naman ni Taeoh. Kaya nagshrug na lang ito at nag sabi ng 'oookayyy'
Nag tawanan naman sila Chanyeol dahil sa kacutean ni Taeoh, kaya nakitawa kami kahit peke. Hahaha pero aminin nasaktan yang mga yan. Hahahaha kasi naman, yung bata di marunong magsinungaling.
"Teka sino nga pala yung kaibigan niyo na nanay nitong bata?" Tanong ni Sehun. Putang ama. Bakit ba kailangan nilang malaman?
"Pake mo ba? Basta kaibigan namin." Inis na sambit ni Suho. "Chill lang babe" suway ni Lay. Buti nasa katinuan si Lay ngayon. Baka kasi mamaya siya pa ang madulas.
"Tigil na guys yung bata baka marindi" Sita ko sa kanila. Hahahah syempre pabida ako eh. Hahah
"Kung ganon ikaw din ba Kyungsoo, Ninang ni Taeoh?!" Pang uusisa ni Chen. Juskqqqqqqqqqqq
"Ah--eh?! Oo?" Nag aalinlangan na sagot ni Kyungsoo.
"Hmpf?! Why are you lying?! Bad yun. You're not my Ninang!!! Eomma kita diba!! *humarap kay na Chen* Thhe'th (she's) my eomma." Sabi ni Taeoh at kiniss si Kyungsoo sa labi. "Thee?? (See?) Hehe eomma. Eomma ko"
TAENA, Teka ano daw?!
Kyungsoo's Pov
PUTAHAMNIDA!! I'm doomed!!!!
-----
Pabebe fever ala Kaisoo. Ctto of the pic.
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Sweetest Revenge
Fanfiction"He ruined my life, Its time for me to return the favor." -Do Kyungsoo