안녕 하세요!!
THIS CHAPTER IS DEDICATED TO BabySuna. Yeheeeeeeeeeeeeet. Enjoyyyyyyyyy readingggggggg
'A make over session with Tita Miña and A make out session with Kai'
Kyunsoo' s Pov
"Thank you sa pag hatid Kai." Sabi ko at niyakap siya.
"Su-sure. Susunduin kita mamaya ng 8:00 hah" sabi niya. Bumitaw ako at nginitian siya
"Sige, see you later. Bye" sabi ko papasok na sana ako ng bahay ng bigla akong tinawag ni Kai
"Ahm, D.O Andyan pa ba si Taeoh?" Tanong niya, medyo nagulat ako kaya isang tango lang ang naibigay ko sa kanya.
Bakit niya tinatanong kung andito pa si Taeoh?
Bigla siyang ngumiti, nginitian ko na lang din siya
"Ah sige, una na ako" sumakay na siya sa kotse niya at ako naman tumalikod para pumasok ng bahay. Kasabay nun ang pagtanggal ko sa ngiti na nakapaskil sa mukha ko.
Gusto kong maghiganti sa kanya, pero bakit ba ako naawa?
"Kyungsoo, di ba sinabihan na kita tungkol dyan?" Salubong sa akin ni Tita Miña, na ikinagulat ko
"GAWD!! tita miña!! Minsan ka na nga lang mabanggit ni author manggugulat ka pa?!" Singhal ko
"Anung author sinasabi mo? Luko kang bakla ka! Change topic ganon?!" Sabi niya
"Eh Tita naman kasi, ang daming beses na nating pinagtalunan to."
"Dahil hindi ako magsasawang ipaalala sayo kahit ilang beses pa yan, na hindi paghihiganti ang tamang solusyon. Baka nakakalimutan mong yang lalaking gusto mong saktan ay ama ng pinakamamahal mong anak?! Atsaka mas bagay kaya kayo nung si Kai, kaysa dun sa Taemin na yu----"
Di pa siya tapos dumakdak ay pinangunahan ko na siya
"Tita, ilang beses ko din ba sasabihin sa inyo na wala ng makakapigil sa desisyon ko. Atsaka, Tita itigil na muna natin to ha?"
"At bakit?" Masungit niyang tanong
"Eh, magbabar kasi kami mamaya. Magpapatulong sana ako sa susuutin ko" sabi ko
"Oo, siya yung nag aya sa akin---samin. Bakit ba tita?" Inis kong tanong
"Talaga?! Omg!! Dapat maganda ayos mo. Dapay sexy ka!! Para mahulog na sa iyo ng talaga si Kai. Para hiwalayan mo na yung sobrang seloso mong boyfriend! HAHAHAHAH tapos malalaman niya may anak kayo tapos ikakasal kayo. iiiiiihhh tapos bibigyan niyo na ng kapatid si Taeoh hihihi omg kinikilig ako" mapangarap na sabi ni Tita. Baliw na ata to
"Bakit ba gustong gusto mo si Kai para sa akin, eh parang dati naman galit na galit ka sa nangyari. Tandang tanda ko pa nung umalis kami dito sabi mo bubugbugin mo si Kai makita mo lang siya." Tanong ko
"Wala kang pake baklita kong pamangkin. Teka parang gusto kong gupitan at kulayan yang buhok mo." Pag iiba niya
"Nag pagupit na ako nung isang isang isang isang isang linggo ah atsaka kakapakulay ko pa lang ng itim ah, kukulayan mo ulit?" Tanong ko
"Eh ako na bahala. Maligo ka na at ihahanda ko na yung mga gamit." Saad niya kaya tumango ako
"Oo, teka si Taeoh nga pala?" Tanong ko ulit
"Ahh, nasa kwarto." Sagot ni Tita
"Himala, anong ginagawa sa kwarto?"
"Nanonood lang ng pororo at kumakain pa din ata" sagot niya
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Sweetest Revenge
Fanfic"He ruined my life, Its time for me to return the favor." -Do Kyungsoo