Kyungsoo's Pov
naglalakad lakad ako ngayon, pupunta sana ako ng library bago kumain ng lunch kaso sarado
"Girl, nakita mo ba yung transferee? ang cute niya noh?" sabi ni Suzy
may bagong transferee? makapag eavesdropping muna.
"Yeah! correction! cute and hot sana mapansin niya ako" sagot ni Bora
"Okay na ba yung make up ko?? mapapansin ba ka agad ako? eh kung lagyan ko pa ng konting black??" tanong ni Tiffany
makaalis na nga, ang kikire nila. sa gilid ko may napansin ako, may pinagkakatuwaan na naman itong si Chen tinilapid niya yung lalaki kaya napadausdos to sa patuyo ng putik, un siguro transferee, ngayon ko lang siya nakita eh. agad akong nagtago dito sa may poste. tumayo yung lalaki sa mismong harap ni Chen hindi nalagyan ng dumi yung mukha niya tanging yung Tshirt niya lang at kamay, hindi nga siya ganun katangkad pero bawing bawi naman sa itsura.
"Ay sorry?! Oh! yung Transferee pala na mayabang. hahaha ilan na huli mo?! ako nga pala si Chen, school troll. kaya kung ako sayo wag kang masyadong mapagmataas, ayan tuloy bumagsak ka kaagad." sabi ni Chen na nakaani ng tawanan. para naman nakakita ng multo tong si Sehun
"C-chen wag na..." sabi ni Sehun
"nakita mo ba ang nangyari sa Tshirt ko dahil sa ginawa mo??" tanong nung Transferee
"oh tapos??" tsktsk gago talaga tong si Chen, nagulat ako ng biglang maghubad ng tshirt si kuyang Tranferee at ginawang punasan ng kamay yung damit niya. OMG!! ang puti niya. akala ko ako lang ang nagulat, pati pala yung ibang tao na nakatingin, pati nga din si Chen at yung barkada niya except kay Kai
"Sayo ba yang bag na yan?? sumagot ka.." sabi niya at umirap inipit niya muna sa waste band ng patalon yung maduming dami
"eh ano naman kung akin to?" sagot ni Chen kaya agad hinablot at binuklat yun ni Kuyang Transferee, may kinuha siyang tshirt dun tapos binato na yung bag pabalik kay Chen at sinuot na yung tshirt niya na nakuha niya.
"So 'Chen the school troll' Alam mo, minsan kilalanin mo ang mga taong tinitrip mo. Ako nga pala si Kim Minseok, tandaan mo ang pangalan na to ha *smirks & le kuha ng maduming damit niya sa waist band niya at ibinigay kay Chen* Eto souvenir. kita na lang tayo next time. bye" sabi nito at umalis na. Gosh!! ang fierce at sassy niya. ang cool pa niya... para siya si Luhan at Baekhyun.
"Puta, anong nangyari? napahiya si Chen. syeet!! For the first time in FOREVEEERRR!~" kanta ni chanyeol, bwiset ang sagwa
wala ng show, alis na ako. agad akong pumunta sa Canteen , andun na si Luhan at Baekhyun wait kasama ba nila yung transferee? agad akong lumapit sa kanila.
"Oh!! Kyungie!! may ipapakilala ako sayo. siya si Kim Minseok or Xiumin, childhood bestfriend ko. Xiu, si Kyungsoo pinakabata satin." sabi ni Luhan
"He's such a cutie!! hi! nice to meet you" sabi ni Minseok
"nice to meet you din" sabi ko at umupo sa tabi ni Baek
"Xiumin, so nagkaboyfriend ka na ba?" tanong ni Baek kay minseok, agad itong ngumiti
"Yuuup" he replied
"you're gay?" tanong ko
"hahaha, grabe tama nga kayo hindi malakas ung gay senses niya. yes baby kyungsoo, bakit?" tanong niya
"hindi kasi halata eh, atsaka ang tapang mo kanina. hinarap mo si Chen" sabi ko at nagsmile, tumawa naman siya
"andun ka pala, sorry nakita mo pa yun. ang panget siguro ng first impression mo sa akin" sabi niya
"hindi, ang galing mo nga eh. ang sassy mo dun kanina!!" sabi ko
"Ano? nakipag away ka kay Chen?"sigaw ni baek
"Yeep, sa kanya nga tong tshirt, nadumihan yung akin kaya kinuha ko yung nasa bag niya. pero infairness ha mabango" sagot ni Minseok.
kaya nagtawanan kami.grabe, ang layo ng attitude niya ngayon sa nakita ko kanina. hahahaha
------
hehe, siningit ko lang si Xiumin. UB eh... hahahaha okay sarreh!!
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Sweetest Revenge
Fanfiction"He ruined my life, Its time for me to return the favor." -Do Kyungsoo