Kyungsoo's POV
"Kyungsoo, ano na ba talagang plano mo" agad na bungad ni kuya sakin bago pa man ako makasubo ng pagkain.
"Kuya wag naman sa harap ng hapag-kainan at sa harap ng bata" sagot ko sa kanya. Ayoko marinig ni Taeoh ang lahat.
"Kyungsoo, Alamin mo na sa sarili mo kung ano talaga ang plano mo. Alam ko naman, na deep inside dyan sa puso mo, ayaw mo ng ituloy. Make your decisions clear, hindi pwedeng gagawa ka na naman ng bagay na pagsisisihan mo. Baka naman mahal mo pa pala at hindi mo lang matanggap sa sarili mo." Mahabang turan niya. Hanggang sa humaba na ng humaba ang sermon niya sakin. Pero habang nagsasalita siya eh wala ng umikot sa utak ko sa huling sinabi niya.
Mahal ko pa nga ba siya?
hindi alam kong si Taemin na ang laman ng puso ko.
O ginamit ng mismong utak ko si Taemin para piliting makalimutan si Kai.
Hindi ganun yun, atrimitida ka. Pinagmukha mo pang rebound si Taemin.
Baka naman kaya ambilis mong maging okay, ay dahil ginamit mo si Taemin upang punan ang mga hindi na punan ni Jongin sayo?
Ano? nababaliw na ata ako.
Na sa sobrang mahal mo sa kanya, ay ipinilit mong kay Taemin ibigay yan, dahil masyado kang sinaktan ni Kai. Manggagamit ka kyungsoo.
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Sweetest Revenge
Fanfiction"He ruined my life, Its time for me to return the favor." -Do Kyungsoo