Mission 2 - Boxers

662 18 18
                                    

Gloss//Ariela Lopez

"Ariela, pakidala nitong ginawa kong kape kay Sir sa taas." Agad kong kinuha 'yung tray na may nakalagay na dalawang tasa ng kape. Dalawa? May kasama ba ang matandang 'yun? Siguro'y 'yung Roderico'ng manyak nanaman! Argh! Ka-imbyernang makatingin ang ungas na 'yun.

Nagakyat na ako sa hagdang kumikinang at nagtungo sa isang pam-publikong opisina ni Mr. Dela Fuente. Tss, hindi na lang bumaba, pa-sosyal pa huh! Agad naman akong kumatok. "Come in," Sabi sa loob. Syempre, papasok ako. 'Yun naman ang pakay ko diba? Pagkapasok ko ay may katawagan siya.

"Huwag mo akong gagalitin, Suarez. You know that I don't want any lame excuses when it comes to my business. Baka naman palpak ang mga tauhan mo kaya delay na delay release ng bawat shipment?" I activated my old-earring listening device. Lumakad naman ng malayong distansya si Mr. Dela Fuente, but fortunately, abot pa ng listening device range ang kanyang layo. Hinalo ko muna ang kape niya para makabili ng oras at hindi agad ako lumabas.

"What?! Ni-raid 'yung warehouse natin sa Galboa?! Lintek naman oh. Hindi pa ako nakakapag-amass doon, Suarez! Langya, ayoko pang maglie-low sa ngayon!" Tumahimik bigla siya.

"Fine. Gawan mo ito ng paraan bago ang nakatakdang panahon ng pagla-lie-low natin. I need to amass big money there. Over."

Napangisi ako sa narinig ko. Sht lang. But that was one of the proofs na may kinalaman si Mr. Dela Fuente sa nangyayaring drug operations dito sa Pilipinas. Well, gotcha. "Sir, ayos na po ang kape niyo." Tumango siya at umupo at trono-tronohan niya. May araw ka rin.

"Ariela, pakisabi kay Lorna na aalis kami mamayan after lunch at kasama siya. Ikaw muna ang matitira dito sa pamamahay ko." Was I hearing what I'm hearing? Ako muna dito sa mansiyon niya? The heck, this is my chance!

"Sige po sir. Masusunod."

 

 

"And I want Caldereta for lunch." Tumango na lamang ako at lumabas na naglulundang at tuwa. God, this is almost too easy. I just need to get inside that one hell of an office there, 'yung pinagbalaan ako ni Manang na huwag na huwag akong papasok doon. Instincts, I bet nandoon ang lahat ng baho ni Mr. Dela Fuente.

Pagkababa ko'y sinabihan ko agad si Manang. Niluto na rin niya ang caldereta'ng gusto ni Mr. Dela Fuente. Paborito raw pala niya 'yun. Ohhh. Maya-maya pa ay bumaba na si Mr. Dela Fuente. Nag-bow muna kami ni Manang bago siya umupo sa hapag-kainan. Sosyal huh! Kelangan may ganun!

Tinikman niya ang luto ni Manang. "Wow. Ang sarap, Lorna!" Sabi niya habang nilalasap 'yung Caldereta. Grabe 'toh, di man lang nangaalok!

How Ms. Undercover Agent FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon