Narinig pa niyang nagsisigaw si Aiyah mula sa pool dahil sa ginawa niyang pagsagot. She felt bit relieved dahil nailabas niya ang inis rito. Isa rin sa pinaka-ayaw niyang bagay ang iniinsulto ang kanyang pagkatao lalo't alam niyang mas lamang siya rito. Well, that's the nature of her, as Gloss. Patungo siyang kusina para kumuha ng tubig dahil sa pagkakabilaok ng kanyang among si Sam. She put the apron first. Ayaw niyang ma-insecure ng husto sa kanya si Aiyah dahilan upang pag-initan ang kanyang mga hita.
Agad siyang kumuha ng isang basong tubig at nagtungo pabalik sa pool. Inihanda niya ang kanyang sarili dahil alam niyang bubungad nanaman sa kanya ang nagtatalak na bunganga nito.
Inabutan naman niyang naguubo pa si Sam, kaya dali-dali niyang iniabot ang tubig. But to her shock, tinabig ito ni Aiyah. Bumagsak ang baso sa marmol tiles na nakapalibot sa pool.
"Don't you dare! I'm his girlfriend and I should be the one to ease this!" Sigaw nito sa kanya.
"Sige. Kayo na lang, Ma'am." Pagpaparaya niya. Hindi niya kakulangan kung anong mangyayari kay Sam dahil una, kita ng lahat ang nangyari. She was doing her job, that's all. Hindi niya sakop kung ayaw ng girlfriend nito ang ginawa niya at mas lalong hindi niya sakop kung nabilaukan ito matapos niya itong puriin na hindi naka-boxer, dahil pangalawa, hindi niya naman ito kontrolado.
"Aiyah, will you stop being childish?!" Singhal ng isang babaeng si Shane, habang pinapainom ng isang basong Coke si Sam.
"What the fvck, Shane?! Gimme that!" At inagaw niya ang baso sa kamay nito. What a brat! Kung ako sa'yo Sam, ibe-break ko na 'yan. Aniya sa sarili niya habang pinapanood ang pagpapainom nitong sapilitan. Lumapit siya rito at siya naman ang umagaw ng baso. This time, hindi naka-reklamo si Aiyah dahil marahan niya itong pinatabi. Dahan-dahan niyang ipinainom rito ang laman ng baso habang tinatapik ang likod nito.
"Ayos na po kayo, Sir?" She asked very soft but in sexy voice. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon siya tuwing natitigan ang pagmumukha nito. Bigla na lang siyang nag-init ng mapagtanto niyang nakatitig na ito sa kanya. Blangko ang ekspresyon nito sa mukha. At mas lalo siyang naginit dahil sa layo nila sa isa't isa na tantiya niya ay 5 inches lamang.
5 inches apart! Sht. Pigilan niyo ako, Lord.
"I'm now fi--------." Magsasalita sana pa ito ngunit hindi ito natuloy dahil itinulak siya ni Aiyah. Bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa ginawa nito. Napaapak ang kaliwa niyang paa sa mga bubog ng basong tinabig ni Aiyah at na bumagsak sa marmol tiles.
"Ah, shit!" Bulalas niya. Agad naman na nagdugo ang kanyang paa dahil sa sugat na natamo niya. Madaliang lumapit sa kanya si Sam pati na rin ang babaeng si Shane.
![](https://img.wattpad.com/cover/5508677-288-k748924.jpg)
BINABASA MO ANG
How Ms. Undercover Agent Fall
RomansIn order to catch the criminal drug-lord named Bartolome Dela Fuente; Irace Montreal, code-named Gloss must disguise herself as Ariela Lopez and should apply to the Dela Fuente Household as it's maid. However, an unexpected encounter to it's son mad...