Mission 22 - Gown & Muse

458 15 2
                                    

Kinakabahan na parang ayaw pero sasabog ako sa kinatatayuan ko dahil gusto kong pumunta sa room niya. Oh my god, ano na ba talagang nakain ko sa pamamahay na ito at para yatang nagiiba ang ihip ng pagkatao ko? Kani-kanina lang, nanlalambot ako dahil sa takot na mahuli ako pero ngayon, sheesh! Naramdaman kong parang umungot si Manang Lorna, nagising ko yata.

Lumabas na lang ako ng kwarto at nagsimulang mag-kalma sa sarili ko dahil tanaw ko na ang kwarto ni Sam. Bwisit na lalaki 'yun! Ano kayang dahilan at pinapapunta ako 'nun sa kwarto niya?

Keep calm and barge quick into his room. Ano ba! Damn this thoughts.

"Kalma kasi..." Bulong ko sa sarili ko at nagsimula ng maglakad patungo sa kwarto ni Sam. Parang may naghihintay lang na aswang sa pupuntahan ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. UGH! Think and act as a maid; isang katulong na maghahatid ng pagkain sa anak ng amo niya! Think and act as a maid, Ariela, for god's sake!

"Here I am...." I heaved a sigh and knocked upon.

"Come in." Wika sa loob. Piling prinsipe lang. Pero hindi agad ako nakapag-react nang binuksan ko ang pinto. Shems! Ano bang kasalanan ko sa diyos ng kagwapuhan at pinaparusahan ako ng ganito?! Naka-sando lang siyang white at kitang-kita ang pagkalalaki ng katawan niya. God.

"Quit staring, c'mon." Pagkapasok ko ay ibinato niya agad sa akin ang isang malaking kahon na naglalaman ng kung-ano. Ang gentleman lang niya, bwisit. Pwede namang ibigay ng maayos, bakit kailangan pang ibato?

"Ano 'toh?" Tanong ko.

"Why don't you see for yourself?" Seryoso niyang tanong.

"Galit ka?" Tanong ko uli.

"What do you think?"

"Oo...yata?"

"Then stick with it." Sagot niya. I rolled my eyes heavenwards. God! Napaka-walang kwentang kausap din naman pala nito kapag minsan. Hindi ko na lang siya pinansin at sa halip ay binuksan ang malaking kahon. Namangha ako sa nakita ko, isa itong evening gown. Damn! Is this for me?!

"Gown? Para sa'kin ba ito o ipinabibigay mo lang? If so, akin na ang name at address ng pagdadalahan natin." Tanong ko na may halong pagtataka. Like hell! Si Sam bibigyan ako ng ganito? Kahit nga iyong kwento ni Manang Lorna hindi ko pinaniniwalaan, ito pa kayang aktwal? To see is to believe my arse!

Lalo pang sumeryoso ang mukha niya. Hala, nagtatanong lang naman ako ah? "Just accept it, alright?"

"O-oo na, akin na 'toh. Point ko lang naman ay bakit mo ako binibigyan ng ganito?"

"You'll be my muse." Simple niyang sagot.

"Ha?!" He's not making any sense. Me as his muse? No way. Nakakahiya kaya! Ako? Haharap sa maraming tao? And take note, as Ariela Lopez? I can't. Hindi sa ikinahihiya ang sarili ko, god! Sa ganda kong ito, ikahihiya ko sarili ko? Bitch please. It's just, puro sosyal ang mga taong kahaharapin ko, maaring kaibigan niya na mas sosyal pa kina Shane o kaya ay mga business partners ni Mr. Dela Fuente, from legal and illegal. Tapos what if, tanungin nila ako kung saan ako nagmulang bundok? There is assurance na hindi mabubuking ang identity ko, pero parang may bumabagabag sa akin na hindi maintindihan. Tapos, tunay ko pang mukha ang gamit ko. 

Inilapit niya sa akin ang mukha niya, "Most of the girls are crawling towards me just to have my arms on them," Naiinis ako sa sinabi niya pero hindi ako makapag-react! Inches apart lang ang mukha niya sa mukha ko. And bah, my heart is onto race again!

"So, ibinibilang mo ako sa kanila?" Iritadong kong tanong habang iniiwas ang tingin sa kaniya.

"No. It came reverse. I was the one who's chasing your arms now." He adverted his gaze as my heart went crazy. Nananaginip ba ako? 

"A-are you for real? C'mon Sam, no jokes. I hate jokes," Wika ko at tumawa akong pilit ng sarkastiko.

Hindi siya sumagot. Ano ba itong nararamdaman ko? Ang hirap.

"L-lalabas na ako. Salamat dito sa gown mo pero hindi ko 'toh matatanggap. I am not even worthy of that. Marami pang ibang babae diyan sa labas na mas maganda sakin. " Sabi ko. Inayos ko ang gown at inilagay ito sa malaking kahon. How I wish to become his muse...pero parang hindi talaga ako kumportable. Bawat hakbang palabas ng kwarto ay isang kirot sa puso ko. Ano ba, gusto kong isuot yung gown at maging center of spotlight sa birthday niya, aminado ako! Hindi ko alam pero gusto ko talaga, paulit-ulit mang sabihin, pero may parte sa loob ko na pumipigil sa akin. I hate this.

"I'm sorry..." I uttered.

Bubuksan ko na ang pinto pero hinigit niya ako. "Why? You're the only one I want to become my girl." Diretso niyang wika sa'kin.

"Sam, intindihin mo ang posisyon ko sa bahay na ito. Ano na lang ang iisipin ng mga tao kung ang makikita nilang muse sa birthday mo ay ang katulong pala sa mansiyon na 'toh? Ano na ang sasabihin ng mga tao sa akin? Opurtunista? Gold-digger? Hindi ko gusto 'yun. Mas mabuti pang maghanap ka na lang ngbabaeng mapapantayan ang estado ng buhay mo at pabayaan mo na lang ako,"

"Wala akong pakialam sa estado ng buhay mo! Please, Ariela....ikaw lang ang gusto ko."

Masaya akong marinig na wala siyang pakialam sa estado ng buhay ko, ang iniisip ko lang talaga ay ang pagkatao ko at posisyon ko sa lugar na ito.

 Nginitian ko siya at tiningnan ng diretso sa mata, "All I can do for you is to watch you from afar."

"Watch me from afar?" Tumawa siya ng sarkastiko. "Seriously." Dagdag niya at isiniil niya ang kanyang mga labi sa labi ko. Bahagya ko siyang itinulak pero huli na para mapagtanto kong rumeresponde na ako sa bawat halik niya. His lips were so sweet. Awtomatikong kumalabit ang dalawa kong braso sa kanyang batok at marahang sumagot sa kanyang nagnanasang makapasok na dila. For the first time, I was obliged to open my mouth for  someone's tongue. Sa oras na iyon ay parang nalilimutan ko ang lahat ng bagay sa mundo maliban kay Sam. Napaka-init ng sensasyong nararamdaman, but not until he distanced, bahagya akong napakunot-noo.

He smile sarcastically,

"You might get jealous If I let other girl accompany me. I hope you don't cry."

A-N// Okay, sabaw na UD. HAHA

Damn it, birthday na ni Sam sa next chapter. LOL! :D

How Ms. Undercover Agent FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon