Mission 21 - Nostalgia

500 15 7
                                    

That kiss. Bakit ganito ang nararamdaman ko? It's so nostalgic yet it's like the first time. Marami ng humalik sa akin pero ito lang beses na nagkaganito ako— no, this is the second time. Pangalawang beses na parang nababaliw ako sa hindi ko malamang dahilan. He's just a typical playboy, yet why? Ano ka ba talaga sa'kin Sam?

"Kahapon ka pa tulala Ariela, may sakit ka ba?" Napaiktad ako sa biglaang pagsasalita ni Manang Lorna. Lumilipad na nga yata ang isip ko dahil pati napakasimpleng salita ni Manang, kinagugulatan ko.  

"W-wala po. Iniisip ko lang po 'yung mga kapatid ko." Pati pagsisinungaling, hindi ko feel. Bakit ba ako ganito?! Bulls-hit!

"Bakit? May problema ba?"

"Wala naman po. Nami-miss ko lang po sila."

"Edi inbitahin mo sa birthday ni Sam."

"Wag na po, hindi po 'yung mahilig sa mga ganoon."

"Ganun ba? Sayang naman. Ipapakilala ko pa naman kayo sa anak ko." Nginitian ko na lang si Manang. Malapit na nga pala ang birthday ni Sam at hanggang ngayon hindi po rin alam ang ire-regalo sa kanya. At ano nga ba ang mukhang ihaharap ko sa kanya? Sht. Bakit ba affected ako sa halik niya? Nakakainis talaga!

"Saan po ba ang venue ng party ni Sam?" tanong ko.

"Dito mismo sa mansion." Sagot ni Manang. Napabuntong-hininga na lang ako. Wala regalo, wala rin akong susuotin. Obvious naman na puro sosyal ang mga attire nung kabarkada niya lalo na si Aiyah at siguro pati na rin 'yung mga ka-negosyo ni Mr. Dela Fuente.

"Ahh." Eh kung gamitin ko kaya 'yung sweldo ko? Mahahalata naman yata ako nun. Nanahimik muna ako ng ilang sandali para makapag-isip, pero wala talaga. Aish.

"Manang, ano po ba pwede kong suotin sa party?" Napa-kunot ng noo bigla si Manang.

"Akala ko ba alam mo na?"

"Alam po ang alin?"

"Eh nung isang araw kasi may dala si Sam na isang malaking kahon, sabi niya sa'yo raw 'yun." Alam niyo 'yung biglang tumigil ang oras? Sa aking mundo 'yun. Hindi ko alam kung magtataka ako o kikiligin. Sa akin iyon?

"A-ano po?"

"Mayroon ka ng susuotin, ano ka ba." At ngumiti siya ng nakakaloko.

"Hala, manang. Baka nabibingi ka lang? Imposible naman po iyon. Ako? Ibibili ng anak ng may-ari ng mansiyon na ito? Hello, Manang? Malabo noh."

"Sus. Kinikilig ka naman e, sa'yo nga iyon!"

"H-ha? P-pero bakit?"

"Aba, malay ko. Baka type ka ni Sam." Kung alam mo lang Manang.........

Biglang nag-ring ang cellphone ni Manang. Aba, may cellphone pala siya. Pagkahugot ni Manang ay nagulat ako— naka-Ascend siya! Sht. Grabeng katulong 'toh. Ini-loudspeaker naman ni Manang, dahil na rin siguro sa hindi masyado makaintindi ng tawag.

"O anak?"

("Ma, andito ako ngayon sa Paris' Mall. Ano gusto mong kulay para sa susuotin mo sa birthday ni Sam?")

"Ha? Naku, Aira! Tigilan mo ako. Ang mahal diyan!" So, Aira pala ang pangalan niya?

("Ma...sagot ko naman e. Sige na, anong kulay?")

How Ms. Undercover Agent FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon