Mission 23: His Birthday - Make It Times Three! (pt.3)

436 11 6
                                    

"W-what?! Ikaw si Ariela?" Gulat na tanong ni Jacob sa kanya.

"Ang sama mo! Para mo namang sinasabing ang pangit ko kapag walang make-up!" Singhal niya rito. She can't believe it! Ang buong pananaw niya'y maganda siya, may make-up o wala.

"Stop it you two." Saway naman ni Leviste na natatawa. "Kailangan na nating lumabas, okay?" Matapos sabihin iyon ni Shane ay muling kinabahan si Ariela. It's like there's thousand of butterflies inside her stomach trying to get a slot. Halos ulit-ulitin niya sa kanyang utak na ngayon lang siya nakaramdam ng ganito.

Tumikhim si Jacob. He diverted his eyes outside the party. "Y-yeah right." Nauna itong maglakad habang silang dalawa ni Shane ay nasa likod nito. Para siyang bata na nagatatago pa sa likod ni Shane dahil sa hiya. Of course! Now that they're walking and making a grand entrance from that door, talagang matatawag ang pansin ng lahat. Most of them has mouthed an amazement for what they were seeing.

"She's the girl earlier diba?! Hala...." Sabi ng isa.

Kahit ang mga lalaki na bisita ni Sam ay hindi maiwasang ipukaw ang malalagkit na titig sa kanya. 'Yung iba pa sa kanila'y nakuhang pumito. For a moment, unti-unting lumakas ang loob niya. She feels like regenerating. And yeah, sino nga bang hindi mapapatingin? She's drop-dead gorgeous, at inborn iyon.

"Shane, salamat talaga. Pero paano Shane kapag nangailangan nila ng katulong? Hindi naman ako basta makakatakbo nito diba?" Alala niyang tanong kay Shane. Nagaalala siya na baka sa kalagitnaan ng selebrasyon ay tawagin siya ng kanyang amo't paglinisin. That is damn embarassing kapag nagkataon.

Shane smiled. "Don't worry. Tatawagin ko 'yung buong kampo ng katulong sa bahay namin para pumunta dito." Tumawag ito sa cellphone nito at madalian kinausap ang kabilang linya. "No worries. Kung gaano kasaya si Manang Lorna, ganun ka rin dapat! This is a party!" Hindi na siya naka-reklamo pa dahil hinatak siya nito sa isang exclusive-for-vip na lamesa.

"Sh-Shane.." She uttered. Despite the regeneration, hindi niya mapigilang hindi pansinin ang mga pares ng mata na pumapasada sa kanya. Kung bilang Irace Montreal ang magsasalita, tatarayan na niya ang mga ito. Duh, staring to someone na hindi mo ka-close is definitely rude.

Hinarang nito sa harap ng bibig niya. Perhaps, telling her to stop talking. Napayuko siya dahil napagtatanto niya ang kakulitan. Naiinis kaya si Shane? Isip niya. Maya-maya pa'y lumapit ito sa kanya na waring may sasabihihn.

"Ariela..." Wika nito at ngumiti ng nakakaloko sa kanya.

"A-ano?"

"Maya-maya, tingnan mo si Sam ah?" Sagot nito at humagikhik. Napakunot-noo siya. Anong sabi nito? Tingnan si Sam? Speaking of that monkey, grrrrrrrr. Naiinis siya dito dahil sa pagtingin nito kanina. Gusto ba siya nitong pagselosin? Well, you got me. Tss! Sa totoo lang, kahit paulit-ulitin na kalimutan ng utak niya, nagseselos talaga siya. Siya dapat ang kapartner nito. You refused, Ariela. You refused! Darn.

"Bakit?"

"It's for you to find out." Ngumising-aso ito at kinuha ang champagne na nasa gitna ng table.

Naiinis siya. Gusto niyang tingnan si Sam. Pero hindi niya magawa dahil ang upo niya ay nakatalikod sa katayuan nitong kasalukuyang nasa trono nito sa unahan, kasama ang dalagang si Aira na ayon kay Shane ay walang awang ginagahasa ng tingin si Sam. She wants to strangle it's neck to death.

Maya-maya'y biglang nagpalakpakan ang mga tao. Si Shane ay napasinghap ng malakas at muntik pang mabitawan ang champagne na hawak. At dahil sa mga reaskyon ng tao, hindi niya napigilang tumingin sa likod.

Make it times three than Shane. Napasinghap siya ng bongga at engrandeng napatayo kasabay ang isang malakas na reaksyon.

"BAKIT MO SIYA HINAHALIKAN?!!"

Lahat ay napatulala, habang nakatingin sa kanya. Yes, everybody is dumbfounded. But not him; na ngumisi pa ng pagkatamis-tamis.

--------------------------------------------------------------

Author's Note: Ya! Annyeong! Part 3 pa lang tayo ah? Marami kasing parts ang birthday celebration niya kaya unti-untiin natin eh? :) Salamat!

Kahit hindi na kayo BUMOTO....COMMENT na lang, at kahit 'yun lang. Please?

>> Sam @ MM

How Ms. Undercover Agent FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon