Mission 16 - Crimson & Nemesis

590 15 7
                                    

Birthday niya. Paulit-ulit na aniya sa sarili niya. 

Simula ng humilatay siya sa kanyang kama ay hindi na magkamayaw ang kanyang utak sa kaiisip. Iniisip niyang, hindi ba't nakakahiyang magbigay ng regalo kay Sam? Lalo't isa siyang hamak na katulong? There's no way for her to give him such astonishing gift with her current status. Kung kukuhanin naman niya ang sweldo ay baka mapaghalataan siyang hindi niya ito ipinapadala sa mga kapatid niya at sa halip ay ibinubulsa na lamang. At isa pa, baka lalong pag-initan siya ng nobya nito'ng si Aiyah. She don't want any more arguements with her. Marahil ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili at tuluyan na niyang malimutan ang misyon. She can't afford to lose everything, dahil kapag nagkataon, maaring pati buhay niya ay madamay. 

Pero nais niyang bigyan ito ng regalo! And there's a part of her insisting to do it. Pero paano nga ba? 

Arggg! Napaka-komplikado naman nito!

Napaupo siya sa kanyang kama at napatingin sa kalendaryo. "Kelan ba birthday ng mokong na 'yun?" Naipahilamos niya kanyang kamay sa mukha niya. Hindi niya alam ang petsa ng kaarawan nito, pero kung umasta siya parang bukas na iyon. This isn't like her, for pete's sake! Ni-minsan ay hindi siya nagkaganito for just a one guy. 

Mahigit alas-dos na ng madaling araw ng siya'y makatulog. 

Kinabukasan.

"Ariela, wake up! Hey!" Bahagya siyang napamulat ng makita niyang nasa harap si Shane na tuwang-tuwa.

"M-ma'am...este S-Shane? B-bakit?" Napatingin siya sa relong naka-sabit sa kwarto nila ni Manang Lorna. Ala-sais pa lamang ng umaga at mabigat pa ang talukap ng kanyang mga mata. Pero wala siyang karapatang umangal kapag inuutusan siya nito dahil katulong naman ang katayuan niya sa mansiyon. Dali-dali siyang napatayo ng kama at uminat. Kulang pa ang tulog niya at nananakit ng kaunti ang kanyang katawan.

Natawa naman ito habang nakatingin sa kanya. "Ang ganda mo pa rin kahit bagong gising ka." Komento nito. Bahagya rin naman siya'ng napatingin sa salamin. Kahit bagong gising siya ay mapula-pula pa rin ang pisngi niya. Pati na rin ang manipis niyang labi na mala-rosas sa pula. Napangiti siya sa walang kupas niyang taglay na ganda. Dr. Parker's works was indeed outstanding and professional, pero kahit anong gawin nitong mukha para sa kanya ay hindi pa rin nito matatalo ang tunay niyang ganda tulad ng mukha niya na gamit ngayon. Alam niyang bawal ito, but she insisted her chief to allow her decision for once. Naisip niya kasi na maaring ito na ang huli niyang misyon, since her father already told her to stop being an undercover agent and try to live a normal life once again. Kung sakali man, she want this mission to be memorable like no other. Pero kahit na ganoon pa man, hindi niya basta-basta iiwan ang trabaho. Limang taon'g gulang pa lamang siya ng pagsanayin siya ng iba't ibang bagay. Bagama't delikado, bata pa man siya'y nakakahawak na siya ng baril. Marami na rin siyang napagdaanan kaya ang pagiwan niya sa trabaho ay isang bagay na hindi niya basta-basta magagawa. Isa pa, dise-otso pa lamang siya. 

"Magma-mall ako, and I want you to come with me." Nakangiti nitong wika. 

"S-Sharpy?" 

"Sharpy? The who is that? Still dreaming?" Iniling-iling niya ang sarili. Naalala niya rito si Sharpy. Mahilig itong mag-mall at lagi siya nitong isinasama para mamili ng damit. Minsan ay nakikita niya rin si Sharpy sa ugali nito.

"A-ah? W-wala. Hehehe!" Napakamot na lamang siya sa ulo.

"Magbihis ka na."

"Eh? Pero, bawal akong sumama. Katulong ako dito saka walang papalit sa'kin."

"That's okay! Nasabihan ko na si Sam na umorder na lang. Saka may pupuntahan din ang mga 'yun. Hindi ba't nakakalungkot ang mag-isa? So, you're coming with me! My treat. Get dress and I'll wait for you. 40 minutes okay? Period." 

How Ms. Undercover Agent FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon