Mission 20 - Fckin' Jealous

534 19 4
                                    

Ariela Lopez

Halos mabaliw-baliw ako habag iniisip ang kalaswaang nangyari kahapon! Shucks. Iyon ang unang beses na sobrang na-arouse ako or rather--tempted and turned on. Tapos nakita pa ni Sam ang katawan ko, sobrang nakakainis! Bakit ang walanghiya pa iyon sa lahat ng lalaking nakilala ko?! God. Aish! Nakakainis na hindi ko maisipan.

8:37 AM, iyon ang oras na umalis ang buong barkada nina Sam. Iyong iba uuwi na sa kani-kanilang mansiyon, including Jacob and Shane. Pero bago raw umuwi, pupunta muna sila sa Neopolis para tumambay sa Mall. Dumating na rin sina Mr. Dela Fuente at Manang Lorna kasama na rin si Rico'ng manyak! Dobleng nakakainis dahil wala man lang akong nasasagap pa na impormasyon tungkol sa illegal works ni Mr. Dela Fuente except sa nalaman kong may laboratoryo siyang na-raid sa Galboa at Marcelano. Tss, what more?! Nakaka-stress ang misyon na 'toh! Dapat pala mas pinili ko na lang 'yung kaso sa France para nakapag-gala pa ako. Pero infairness, hindi ako nababagot dito dahil kay Sam—what the fck?! Bakit nakakasama siya sa usapan?! Uggh! Erase erase. 

Kasalukuya akong nagaayos ng kama ko ng pumasok si Manang Lorna. "Ineng, day off ka daw muna ngayon sabi ni Sir." Aniya. Bahagya naman akong napatalon dahil may day-off din pala dito!

"Talaga Manang? Waw! Pero pwede raw pong lumabas?"

"Oo naman. At ang sabi pa nga ni Sir, dalhin mo raw dito ang mga kapatid mo sa kaarawan ni Sam." Sagot nito. Ewan ko ba't pinagpawisan ako ng malapot. Shet. Kalma lang, Gloss. Ayos na ang lahat, wala kang dapat ipagaalala.  "M-matutuwa ang mga iyon." Untag ko. 

"Oh, sige sige na. Lumayas ka na kung may pupuntahan ka at ako na ang bahala dito."

"Si Manang, pinalalayas ako." Hindi ko mapigilang matawa pero ano pa nga bang hinihintay ko? YES! Sa wakas makakapaggala na rin ako gamit ang makapal kong wallet. Haha! Pak na pak lang ako sa sweldo. Mas mabuti na ang magastos ko iyon para hindi ako paghinalaang di ko ipinapadala ang mga nasusuweldo ko. Dali-dali akong nagbihis ng capri pants at simpleng t-shirt saka 'yung doll shoes na bigay sa'kin ni Manang. Baduy pero nadadala naman ng kagandahan ko. Hehehe. Mag tu-twelve na rin ako ng nakaalis sa mansiyon—ng kinakabahan. Halos pagpawisan ako ng malapot kanina sa narinig ko. Damn it! Pinaghihinalaan ako ni Roderico. Kainis! Kainis! Kainis!

 Kaya ko 'toh. Kaya 'yan. Planado ang misyon kaya hindi nila ako mabibistado. Punyemas! First time kong kabahan ng ganito. Eh paano ba naman, sa lahat ng misyong natapos ko, pa-easy easy lang ako.Iyong iba delikado, pero kaya ko naman kahit papaano, pero bakit ang isang ito, kinakabahan ako? Napahilamos ako sa mukha ng pumara ng traysikel. Kapag ako nabistado, kilay ko lang ang walang latay. Damn! Bartolome Dela Fuente is a criminal at hindi ito magdadalawang-isip na pumtay kapag nalaman nitong nagtraydor ka! Pagkarating namin sa terminal ay jeep na lamang ang sinakyan ko dahil sa Neopolis lang ako. Iginala ko muna ang paningin ko—mahirap na baka may sumusunod sa akin. Well, I can manage naman, kaso ang ikinatatakot ko ay ang hindi ko matapos ang misyon. I've got a lot of expectations from the international agency. I'm already devoted to this.

Maga-ala-una ng makarating ako ng Neopolis. Maraming tao. At kung ipagkukumpara mo ang suot ko sa kanila—parang taga-bundok, but not the face, goddamn it! Dumukot ako ng buong limang-daan at ipinambili iyon ng Ice Cream na nagkakahalaga ng 80.00 pesos. Ang mahal lang ah! Nilalasap-lasap ko ang Ice Cream ng biglang mag-ring ang luma kong cellphone. "Aish!"

"Hello!?"

("Badtrip?") Natigilan ako sa nagsalita.

"C-Crow?!" Akala ko umalis na siya patungong Russia—hindi, buong akala ko hindi ko na siya makakausap! Kainis naman na mokong 'toh. "A-ah, hindi. Muntik na kasi akong matuluan ng Ice Cream eh."

How Ms. Undercover Agent FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon