Mission 23: His Birthday (pt. 1)

411 10 6
                                    

Sobrang liwanang ng buong mansiyon. Napakaraming tao. Oo, puro sosyal sila sa kahit anong aspeto. Sa pananamit, sa alahas, sa postura at tindig. Nakaka-awang tingnan ang damit ko, tss! Naka-simpleng jeans lang ako at formal na 3/4 white polo. Siguro kung ako mismo ang huhusga sa sarili ko ngayon, pagtatawanan ko ang damit ko. Like hell! Sa sobrang kukulay ng night gowns ng kababaihan dito—ang sarap ilubog ng sarili ko sa lupa. Sa sobrang kintab ng bawat mamahaling alahas—nakakabulag. Oh god.

At alam mo pa 'yung mas hindi nakakatuwa? They were looking at me as if I am the mouse, and they were the cat. 'Yung totoo? Ang hirap. Si Manang Lorna, kausap 'yung iba at hindi niyo aakalain na naka-gown din siya. Eh ako? Para akong basura dito na nagaabang ng magtatapon. Naiiyak na ako.

I shook my head in disbelief. Kailan pa ako naging mahina?

Lumingon-lingon ako para kilalanin ang bawat bisita. Kinurot ko naman ang sarili ko. Para kasing iniuudyok ng utak ko na si Sam ang hanapin ko. Nakakabuwisit na lalaki 'yun! Akala mo naman sobrang gwapo. Uh, wait—gwapo talaga siya pero nakakainis pa rin siya! Ang laki niyang conceited! Gah! Pero.....nasan...ba...siya?

Naglakad-lakad ako mabagal para mamasyal. Duh, hindi ako tatayo lang doon. Ano ako? Guest greeter? Ugh. Napatingin ako sa malaking cake at chocolate fountain. Hanga lang ako dahil pinaghandaan talaga ang birthday party na 'toh. Siguro, maayos din na ama si Mr. Dela Fuente. Well, I think. There's nothing wrong with that. 

Maglalakad pa sana ako kaso may bumunggo sa'kin. "Oh my god!" Sigaw ng isang OA na babae na nakasuot ng pulang-pulang night gown. Make-up, alahas, bag, all red. Daig mo pa na siya ang may party ah. Tsss.

Tumingin ng diretso sa'kin 'yung babae na galit. Wait, she's familliar. Ini-scan ko 'yung mukha niya at bingo—siya 'yung babaeng pinagtaguan namin si Sam sa mall! She's the reason why we ended up in that fckin fitting room! Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis dahil naalala ko nanaman 'yun!

"Sorry po, ma'am." Sabi ko at yumuko ako. Nakakahiya dahil napaka-eskandalosa ng babae na 'toh. At dahil sa sigaw niya tumingin sa'ming lahat ang tao. God! Help me through this.

"Gosh! Kung natapilok ako—you're a dead meat!" Sigaw niya sa'kin at nilagpasan ako. Ang kapal din ng mukha ng babaeng 'yun. Medyo famewhore. Peke kong nginitian 'yung mga taong nakatingin samin—partikular na sa'kin. Pero hindi doon nagtatapos dahil nagbulungan siya. Oh c'mon!

"A commoner." 

"Natatawa ako sa suot niya. Her taste sucks." 

"A gatecrasher maybe?" 

"Infairness, maganda siya. Mukha nga lang cheap." 

Init na init ang tainga ko pagkarinig nung cheap. Ang taas ng tingin nila sa sarili nila ah? How I wish na mabunyag nila ang kulo ko sa loob. I'm sorry if I'm a little bitch. I was trained like this, para naman hindi ako maapi-api. Kaso nga lang, hindi ko maipakita. And that's sucks. Naapakan ang ego ko dito sa trabahong 'toh. Damn.

And then I saw Mr. Dela Fuente, wearing an american suit. Nagtataka ako dahil hindi ko pa rin makita si Sam. Just imagine, 'yung kumikinang na hagdan is too plain for him to walk down there like a prince. Gusto kong tanungin si Manang Lorna, pero sobra yatang busy niya. In fact, hindi mo siya mapagkakamalang katulong dahil sobrang ayos ng itsura niya. Speaking of her—'yung anak niya. Parang naiinis ako!

Napailing-iling ako. This isn't the time for that, Gloss. Kinapalan ko ang mukha ko at naglakad patungo kay Manang Lorna. Maiintindihan naman niya na kung bakit ganito ang suot ko eh. Iba kasi siya. Mabait. Well, I don't even have the slightest idea about her daughter named Aira.

"Manang..." Tawag ko.

Hindi niya ako narinig kaya mas nilapitan ko pa. Nakakahiya kasing lumapit ng sobrang lapit dahil napapalibutan siya ng mga mala-amiga niya. Donya ang dating ni Manang Lorna ah. Nahiya ako.

"Manang..."

Sa tawag kong iyon ay lumingon siya. "Oh, Ariela!" Ngumiti siya sa'kin at nilapitan ako.

"May kailangan ka ba?" Tanong niya sa'kin.

"Uhm, tanong ko lang po kung nasan si Sam?" This party is supposed to be his, but where is he huh? 

Ngumiti ng nakakaloko si Manang Lorna sa'kin. And I hate it, para kasi siyang teenage girl na niloloko lang ang bestfriend niya. Lumapit siya sa'kin. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya at kitang-kita ko rin ang mga branded niyang alahas. Hinawakan niya ang balikat ko at bumulong.

"Tumalikod ka at tingnan mo kung sino 'yung dumarating."

How Ms. Undercover Agent FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon