Inlove na siya.
Smirk formed my face. Now what? Seriously ano nga bang gagawin ko kapag nahulog na ang damdamin niya sa'kin? Paglalaruan? But I'm not that kind of a girl.
Rinig na rinig ko ang usapan ng walo habang kumakain. Don't get the wrong idea, hindi malaki ang tainga ko, may listening device lang akong gamit.
"Okay, I'm sorry, Joellibee! I won't wring your neck because that was a joke." Napabuntong-hininga ako. Ibang klase rin na babae si Shane. Who would thought that behind her angelic face, mayroon siyang ganoong ugali? Kung wala lang akong ginagawa at pinapahalagahang misyon, baka nahampas ko na siya. Tao rin ako, napipikon kahit na bawal. But, for emotional talk, it's not like she's my friend now for me to worry about our almost-ruined so-called frienship. Plastik ako, and I'm very aware of it. Being agent is not that easy. Especially when there's a relationship formed between you and them while on mission. It's so hard, para sa isang katulad ko na, easy to break, like-fragile. And as for affection talk, aminado ako, madali akong ma-attract, at madali rin iyong mawala. One of the best things I posessed, which I believe. And Sam is one of them, even Crow. Minsan di ko rin maintindihan kung bakit, tila ipinanganak yata akong sarado ang puso para sa mga lalaki. Or am I just really that choosy?
Hinampas ko sarili ko. Ang drama ko yata, tss.
"I'm done." Narinig ko sa listening device na wika ni Sam. Kahit kailan talaga, ang gwapo ng boses niya. And imagine, ang lalaking nagmamay-ari ng boses na iyan ay sinusundan ako? Napahagikhik ako kasabay ng paglundag ng isang parte ng puso ko. He was following me that time, pero bakit hindi ko iyon nahalata? Tama yata siya, masyado ko lang nai-enjoy ang pagsasama namin ni Jacob.
"Me too." Pagkuwan ay wika naman ni Aiyah. Tch, if I know, habol lang kay Sam.
Mga treinta minutos din bago umalis ng hapag-kainan ang buong barkada. Nasiyahan naman ako dahil naubos nila ang beef steak, kahit na ang daming dayagin.
"Kainis. Bakit kaya hindi na lang ako ang isama ni Sir at si Manang nalang dito? Ka-imbyerna buhay dito e. Oo nga't nagkaroon ako ng kasama dito, pero para namang ginawang miserable ang buhay ko bawat segundo! Idagdag mo pa ang plano kong naantala. " Bulong ko habang hinuhugasan ang mga pinggan. Anak lang ni hudas, magkaka-kalyo ako nito! Ng matapos ako ay lumabas muna ako ng mansiyon para magpahangin. Nakakapagod lang maging katulong kumpara sa maging kanang-kamay ng isang most-wanted culprit na sinabakan ko noon.
Ipinikit ko ang mga mata ko ng maramdaman ko ang malamig na simoy na hangin.
"Ariela?" Napatingin ako nang may nagsalita. Si Shane.
"B-bakit, Ma'am Shane? May maitutulong ba ako?"
"No, Ariela. Nandito ako para humingi ng dispensa. Look, I'am really sorry for what I've done to you earlier. Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko. All this time, ibinuhos ko ang lahat ng pagmamahal na pwede kong maramdaman sa lalaki, para kay Jacob. And then malalaman ko na nambababae siya? That's why kung bakit nawalan ako ng oras para magisip dahil mas nangibabaw ang sakit. I know it's not an excuse, but with all my heart begging, please forgive me, Ariela." Unti-unting nangilid sa mga mata niya ang luha.
"Okay lang, Ma'am Shane. Naiintindihan ko naman e. Saka, pasensya na rin kung sinagot-sagot kita, hindi k--"
"I know. Masyadong masakit ang mga salitang binitawan ko at may karapatan ka na sagutin ako. Human rights, Ariela. Masyado ko iyong binalewala kanina... I'm sorry, ang bigat lang kasi ng pakiramdam ko."
Nginitian ko siya. "Ayos lang, Ma'am Shane. At sorry din."
Ginantihan niya ako ng ngiti. "Friends?" Shane held out her hand.
Kasabay ng pakikipagkamay ko ang sagot ko na 'friends'.
"So? Bukas na lang uli. Inaantok na ako e." Wika niya.
"Goodnight, Ma'am Shane."
"Yeah. You too. And also, call me Shane from now on."
"Pero Ma'am...baka mapa--"
"Were friends right? Trust me." Nginitian niya ako.
"Sige, S-Shane."
"Yan! Good. Well then, goodnight uli." At naglakad na ito papasok ng mansiyon.
Friends, she say? I don't think so. Dadating din ang panahon na iiwan ko rin sila.
Napatingin na lang ako sa langit na puno ng bituin. Naramdaman ko namang wala ang relo sa braso ko, kaya dali-dali ako bumalik patungong kusina. Papasok na ako ng kusina nang muntikan na akong madulas.
Napatingin naman ako sa baba. Tch, bakit may langis dito? Inihakbang ko uli ang paa ko, at kamuntik-muntikanan na uli akong madulas. Tch! Ang sarap pilipitin ng leeg ng nagplano nito! Inilapat ko ang dalawa kong kamay sa floor at ibinalance ang katawan ko. Mabilis ko na iniangat ang dalawa kong at ginawa ang round-off backhandspring. Nang makarating ako sa labas ng kusina ay nag-pose pa ako. Para swabe.
"What the fvck! Ang galing." Bigla akong napaiktad. Shit!
"Pare, kaya mo 'yun?!"
"Ariela, galing ah." komento ni Jacob.
Napanga-nga na lang ako ng makita ko ang limang lalaki sa harap ko. Bakas sa mukha nila ang paghanga. "N-nakita niyo?" Para lang akong tanga'ng nagtatanong ng isang halatang bagay.
"Oo. Saan mo natutunan 'yun?" Tanong ni Jay.
"Ah-eh..kay papa."
"Oh. Martial artist ba papa mo? O baka gymnastic or what?"
"Wala sa pamimilian, Sir. Maalam lang talaga." Nakangiti ko na sagot. When you're trying to hide something, make your lips formed a mile.
"Nice. Hindi ba't gusto ni Sam ng mga babaeng astig, maliban kay Aiyah?" Tanong naman ng isa na sa pagkakakilala ko ay si Bryan Pascual.
"Oo. Gusto rin niya sa babae ang maputi. Makinis ang balat. Long-legged. Sexy. At malaki ang.......dib--" Hindi ito natuloy dahil sinapok ito ni Joe. Pero, hudas na Sam 'yan ah? Mahilig sa malaking dibdib? Oh. Pasado naman ako, huh!
Iniiling ko ang ulo ko. Pasado ka diyan, Ariela?!
"Pero gusto ni Sam ang mga babaeng nagsisimula sa 'a' ang pangalan." Wika ni Jacob habang nakangisi. Naginit din ang mukha ko. Walanghiyang mga lalaki ito!
"Sabi dati ni Sam, mas type raw niya 'yung mg babaeng matapang at sumasagot-sagot." My lips parted. My cheeks gone blushing. What the fvck are they saying?
"B-bakit niyo sinasabi sakin 'toh?"
"Wala lang. Bakit, expecting for something?" Napatungo naman ako. Kahihiyan! Ano nga ba ang ine-expect ko? At bakit ako nage-expect?
"Wala lang din. S-sige, lilinisin ko lang 'toh."
"Sige. Goodnight Ariela." Sabi ni Jacob.
Sasagot pa lamang ako ngunit naunahan niya ako. "Nga pala, malapit na birthday ni Sam. Baka gusto mong regaluhan. Tutulungan kita." At nginitian niya ako kasabay ang mga paghagikhik ng apat na kasama niya.
Naglakad na silang lima papalayo pero may sinabi pa siya. Hindi ko nga lang naintindihan! Bwisit.
"Sa.......na.....rili.......mo. Mas.........tuwa....pa........lo....''yun."
A/N: Pahinging votes kapag deserving. Kapag hindi, okay lang. Ipagpapatuloy ko pa rin naman. Pero mas matutuwa ako kapag may mga nagko-comment. Feeling ko kasi, hindi ako nagiisa sa story na ito at may mga kasama ako.
Sa lahat ng nagcocomment at nagvo-vote sa mga previous chapters, salamat ah? Love you lots.
-M.R.S//Dee//Rina
BINABASA MO ANG
How Ms. Undercover Agent Fall
RomanceIn order to catch the criminal drug-lord named Bartolome Dela Fuente; Irace Montreal, code-named Gloss must disguise herself as Ariela Lopez and should apply to the Dela Fuente Household as it's maid. However, an unexpected encounter to it's son mad...