Ika-limang Kabanata

6.9K 164 5
                                    

Ika-limang Kabanata

"Kuya..."

I groaned with annoyance as Sophie knocked on my door for the nth time that morning. Ang sarap pa naman ng tulog ko at ng panaginip ko ng bigla akong binulabog ni Sophie. I was about to kiss Alyssa, dammit! Mabuti na lang talaga at hindi ko nakalimutan kagabe na eh lock yong pinto. Kasi for sure, pinasok na ako ni Sophie at binuhas ng tubig para magising. She had done that once dahil gusto lang niyang magpasama sa kung anong kaartehan niya. Kaya after that ay sinisigurado na talaga na nakalock ang pintuan ko bago matulog.

"Kuya!" Sigaw ni Sophie sabay ng malalakas na katok.

Napabuntong hininga ako at patamad na tumayo sa higaan at binuksan ang pinto. "Ano ba Sophie! Kanina ka pa ha!" Inis na singhal ko sa kanya.

She rolled her eyes at me. "Kung kanina ka pa sana tumayo dyan di sana tapos na to. Aalis tayo." Sagot niya.

Kita mo, wala talagang galang na bata to. "Aalis? At saan naman tayo pupunta na makabulabog ka eh parang me sunog ha?" Pamaywang na tanong ko dito.

"Pupunta tayo ng Bacolod dahil bibili tayo ng regalo. Birthday ni Alyssa kaya maligo ka na at magbihis Kuya." She stated before leaving.

Sinara ko ang pinto pagkaalis ni Sophie at kinuha ang cellphone ko. It was indeed July 10, which was the birthday of Alyssa. Mabuti na lang pala at binulabog ako ni Sophie. Di sana wala akong mabibigay na regalo kay Alyssa.

I smile creep on my face as I think on what would be the best gift to give her when I was interrupted by...

"Kuya! Bilisan mo na dyan!"

I can't help but to roll my eyes as I snatch my towel and head to the bathroom.

"Ito kaya Kuya? Sa tingin mo bagay sa kanya to?" Tanong ni Sophie habang pinapakita ang isang sexy dress. Nasa SM Department store kami. At kanina pa siya humihingi ng opinion ko sa mga damit na gusto niyang eh regalo kay Alyssa. But every dress that she took liking of doesn't seem to fit her best friend. Kung hindi parang manang para namang pang prostitute, like the dress that she was holding right now.

Napasimangot ako. "Malaswa."

Kunot noong tinignan ulit ni Sophie ang dress. "Hindi naman ah."

"Ma.las.wa." Mariin ko na sambit. "Bilhan mo na lang kasi siya ng tshirt dyan. She always wear shirts naman diba?"

"Yon nga Kuya eh. She's always wearing this baggy tshirts. Kaya ito ang bibilhin ko para sa kanya." Wika ni Sophie.

Napaiiling na lang ako. "She won't be able to wear it kung yan ang bibilhin mo."

"At bakit naman?" Sophie arched a brow at me.

"Hindi ko siya papayagan na suotin yan." Mariin na sagot ko.

Napatawa siya. "OA mo kuya ha, hindi ka pa kaya boyfriend ni Alyssa kaya wag kang overprotective dyan."

Napaiiling ako. "Boyfriend or not, I will see to it that she will never wear that dress. Masyadong malaswa. Maghanap ka na lang ng iba."

Sophie sighed frustratingly and put the dress back to the rack. "Para tuloy pinagsisihan kong sinama pa kita."

I smiled mockingly at her. "Walang magmamaneho sayo papunta dito."

"Sus, may bus naman noh." She waved dismissingly. "Tara na nga lang sa ibang boutique, baka may makita ako para sa kanya. Ano pala ang bibilhin mo para sa kanya?" Biglang tanong ni Sophie habang palabas na kami ng Sm department store.

Si KUYA [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon