Ikawalong Kabanata

5.5K 134 5
                                    

Ikawalong Kabanata

Patrick Gamboa

"Oi, Kuya congrats." Salubong sa akin ni Sophie pagkauwi ng sabado ng hapon na yon.

I arched a brow at her with curiosity. "Congrats sa saan?"

"Congrats dahil sa wakas may improvement ka na sa panliligaw mo kay Aly." Sambit ni Sophie.

"Nanliligaw ka kay Aly, anak?"

Napalingon ako sa boses ni Mama tapos napakamot ng batok. "Manliligaw pa lang po Ma."

My mother arched a brow at me. "Mabait na bata si Aly, Patrick, wag mo siyang eh sama sa listahan ng mga babae mo."

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Mama. Ganoon na ba ka sama ng reputasyon ko na kahit ang sarili kong ina ay binabalaan ako na wag nang ligawan ang babaeng gusto ko?

I admit that I was a certified playboy before, I won't deny that. But I think as one matures and sees the world like I did, one can own to it that he had change right? Alam ko may mga panahon na minsan I would flirt with girls but I don't do fling with them anymore, I would just flirt, at gusto naman nila yon. They would not flirt back if they don't like it right? At on the first place ay alam naman ng mga babae na to that I don't do relationship tapos kung hindi na ako magparamdam kung makadrama sila sa social network ay akala mo kung sinong artista. But the downside of it all, dahil sa pagiging ganito nila ay sa akin pa din ang balik kahit na wala naman talaga akong ginawa on the first place.

"She is not one of my girls Ma." Sambit ko. "Alyssa is different from them, she's special."

Napakunot ng noo si Mama. "Are you in love with Aly?" She asked curiously.

"Yes!" Sophie squealed which made me glared at her and she just stuck her tongue at me as she walks towards our mother. "Hopelessly in love to be exact Mama, I think nakita na ni Kuya ang katapat niya."

"I'm not hopelessly in love stupid." Inis na baling ko kay Sophie. "I'm hopeful." Pagtatama ko sa kanya tapos binalik ang tingin sa kay Mama. "And yes Ma, I am in love with Alyssa."

Ngumiti si Mama. "Masaya ako at nakita mo na ang babaeng mamahalin mo pero mas lalo mo akong pinasaya dahil si Aly ang napili mong bigyan ng pagmamahal na ito, anak."

I was happy that my mother was happy with me falling in love with Alyssa, iba pa din kasi talaga ang approval ng ina diba?

"But anak, I would say that you will really work hard to get Alyssa even though..." Biglang napatigil si Mama at nakita kong medyo kinurot siya ni Sophie.

I looked at them curiously at suspiciously. "Even though what Ma?"

Umiiling si Mama at natawa. "Wala anak, may naalala lang ako na may sasabihin pala ako sa kay Papa niyo. Nasaan na kaya yong lalaki na yon?" Sambit ni Mama tapos umalis agad para hanapin raw ang ama naming laging ding gala.

Na iwan kami ni Sophie sa sala at papalag pa sana siya pero bigla ko siyang hinarangan sa may pintuan. "Op op op! Saan ka pupunta?"

"Sa CR Kuya, bakit gusto mong sumama?" Pilosopong sagot nito.

I sarcastically smirk at her. "Kailan naging papuntang CR ang hagdanan ha Sophie?"

"Ah..." She faked laugh. "Ano kasi Kuya, kukuha muna ako ng napkin kasi ano puno na kasi baka matagosan ako."

I looked at her disgustingly. Naman ang bata na to pati ba naman ang mga bagay na yan ay sasabihin pa sa akin. Pero hindi siya makakalusot sa palusot niyang waley na waley.

Si KUYA [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon