Ikalabing limang Kabanta

3.6K 86 2
                                    

Last chapter of Part 1, change na tayo for Alyssa's POV next chapter. :) Thanks again for the support and Advance Merry Christmas to all, share love this Christmas season guys!

Ikalabing limang Kabanata

Patrick Gamboa

True to her words, I was always with her through out the week. Kung may pupuntahan man siya para sa pagprocess ng mga last minute requirements niya ay tinetext niya ako o tinatawagan. At agad ko naman siya sinusundo sa kanila para samahan sa mga pupuntahan niya. You could say that I was being desperate with this but this was the only way I could only think para maging malapit kami sa isa't isa. At pagbabakasali na din na baka in the end of the week bago siya umalis ay bigyan niya ako ulit ng tsansa. Kahit na sabihin natin na long distance ang mangyari ay kakayanin ko para lang sa kanya because that is how much I love her.

At sa ngayon ay huling araw na niya dahil sa bukas na ang alis niya. Tinext niya ako kaninag umaga at sinabing magkita daw kami, for the last time. For the last time. I can't help but replay those words in my mind as I drive down to their house. Which is weird dahil sa totoo lang ay ayokong isipin na ito na ang huli naming pagsasamang dalawa.

She was already waiting for outside their house as I slowed down and stop in front of her. Binigay ko ang extra helmet sa kanya. "Saan tayo pupunta ngayon?"

"Ewan." Sagot niya pagkakuha ng helmet tapos sumakay na sa may likod ko. "Saan mo ba gusto?" Tanong niya habang nilagay na yong helmet sa ulo niya.

Nilingon ko siya at inayos ang helmet. "Sa puso mo." Sagot ko sa tanong niya.

"Huh? Anong sabi mo?"

Napabuntong hininga ako. "Wala."

Napailing siya. "May sinabi ka kaya, ano nga yon."

"Sabi ko punta tayo na lang tayo sa beach." Sambit ko na lang sa kanya.

"Huh? Maliligo na naman tayo?" Tanong niya.

Umiiling ako. "Hindi, basta." Sagot ko na lang tapos binaling ang atensyon ko sa unahan. I start up my motorcycle and she instantly puts her hands on my sides. I really love the feeling of her hands on me. I balance myself on the motorcycle and took us to the place I could think that we could have some alone time.

I brought her to the new Cadiz port in Banquerohan, near her grand parents house. Only few people goes here as it was a bit far from the city, so I could really get my alone time with her here. At ang maganda pa ay maganda ang panahon ngayon, maulap kaya medyo natatakpan ang mainit na araw. We took a seat on the concrete edge of the port and watch the wave's crash on the stones.

"Hayy, ang sarap ng hangin." She said as she stretch her arms out. "Bakit mo pala na isipan na dito pumunta?" Tanong niya sabay lingon sa akin.

I shrugged my shoulder. "Wala lang." Simpleng sagot ko.

She arched a brow at me. "Weeh? Di nga? I think there is a reason why you brought me here."

"Well, let's just say that we could have a privacy here plus nakakakalma daw ang tunog ng alon." Sagot ko.

"Nakakakalma nga naman pero bakit kailangan mo ng pakalma? Are you nervous about something?" Tanong niya sa akin pero nakatingin siya sa karagatan.

Napangiti ako at napatingin din sa dagat. "Well...I am always nervous when I am with you."

"Huh?" Napalingon ulit siya sa akin. "Anong pinagsasabi mo ha?"

Natawa ako tapos kinuha ang kamay niya at nilagay sa dibdib ko. "Can you feel that?"

Si KUYA [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon